SEBASTIAN Kanina pa mainit ang ulo ko dahil panay ang harot at dikit sa akin ng babaeng lihim na pinandidirihan ko. Iniwan ko ito matapos na mag-paalam na may importante akong meeting na kailangan na harapin sa isa sa mga vip room dito sa exclusive hotel na pagmamay-ari ko. Narito ako ngayon sa hotel para tapusin ang negosasyon kasama ang ilang lider ng organization sa asya dahil na rin na chaos na ginawa ni Fabio Sandoval. Alam ko na siya ang pasimuno ng lahat. Malinaw na lumabas sa imbestigasyon na siya ang lihim na gumagapang para mapatalsik ako sa posisyon ko dahil gigil siyang makuha ito. He accused me of being a weak leader, dahil kay Acally. Siya ang ginamit nitong alas laban sa akin pero makikipaglaro ako sa gusto niya. Alam ko na anak niya sa labas si Marielle Penida ang ba