Kabanata 30

2377 Words
Nginitian ko lang siya ng hindi siya makasagot sa sinabi ko. Para bang hindi pa rin siya makapaniwala at mali pa rin ang mga naririnig niya. Ngayon habang hawak ko ang kamay niya ay parang gusto ko ng mag cramping dance dito sa sobrang saya. Hawak ko ang kamay niya tapos sinabi pa niyang gusto niya rin ako, ano pa bang mahihiling ko don? Solved na ko. Alam kong sa nakikita ko mukha niya ngayon ay hindi niya alam ang sasabihin niya. First time ko ata itong makita na hindi niya alam ang sasabihin. Well.. Okay lang yan.. Narinig ko naman na ang gusto kong sabihin niya. Kahit hindi na siya sumagot. Ayos lang. "Yung mga sinabi ko sayo.. Nasa puso ko yun. At totoo lahat yun." sabi ko pa. Sa sobrang saya ko ay nabigla ako ng ipatong niya ang kaliwang kamay niya sa kamay kong nakahawak din sa kanya. "I still can't believe this.." bulong niya na mahina pero narinig ko pa rin 'yon. "Maniwala ka na.." nakangiting sabi ko sa kanya. Huminga siya ng malalim at napapikit. Nang pag dilat niya ay napaka seryoso na ng mukha niya. "Can i ask you something?" tanong niya. Tumango naman ako. "May kinalaman ba dito si Cita?" "Huh? Bakit napasok si Cita dito?" "Kung alam ba niya na gusto mo.. ako?" Napakunot naman ang noo ko. Bakit niya naman kaya tinatanong.. "Si Cita ang una kong pinagsabihan tungkol sa feelings ko sayo.." "And?" aniya na hindi kuntento sa naging sagot ko. "At sabi niya na..okay lang daw na magkagusto ako sayo." sabi ko. "Tingin mo ba ay inutusan lang ako ni cita na sabihin yung mga sinabi ko? Walang kinalaman si Cita sa pagkagusto ko sayo." well.. meron naman no.. pero hindi naman ako inutusan ni Cita na sabihin sa kanya iyon. "Gusto kita hindi dahil sa sinabi ni Cita o ninoman. Gusto lang kita.. hindi ba kapani-paniwala yun?" "Kailangan ko pa bang iexplain?" "No. Abigail, im sorry.. I did'nt mean anything.." aniya at hinigpitan ng hawak sa kamay ko napatingin naman ako doon. "Siguro kasi, hindi lang ako makapaniwala." Nginitian ko naman siya. "Naiintindihan ko. Ang sudden nga naman ng pagkakasabi ko sayo nun. Nabigla ka ata." "Totoo ba yung sinabi mo na gusto mo rin ako?" gusto ko ulit marinig na sabihin niya iyon. "Matagal na. Hindi mo pa ako kilala, mahal na kita." Wala sa sariling napangiti ako. Diyos ko Lord! Masyado mo po akong pinapasaya! Napaka blessed ko na po! "So..ibig sabihin ba nito.. tayo na?Boyfriend na kita?" Napanganga siya dahil sa sinabi ko. Ano ba? may nakakagulat ba sa sinabi ko? Bakit parang gulat na gulat naman siya. "Bakit? May problema ba?" tanong ko ng hindi pa rin siya sumasagot. "Darling, listen.." aniya. At parang pumalakpak ng tenga ko sa sinabi niya. Darling?? kahit pa parang mas lalo pa siyang nahirapan. Tinawag niya akong darling! First time ko ata itong narinig mula sa kanya. "Jesus..how can i.." he licked his lips bago nagpatuloy ulit. "Trust me..gustong gusto ko na maging girlfriend ka, believe me matagal ko ng gusto yun..pero hindi kita pwede na basta'ng kunin na lang.." "Pero..wala ka namang girlfriend diba? Ano pa bang mali? Gusto kita at gusto mo ako hi-" "Darling.. I want to make it right with you.. Ipagpapaalam muna kita kay Chacha," Parang nanlamig ang ulo ko ng banggitin niya yung si Ate. Si Ate! Hindi pa niya alam ito. Hindi ko alam kung anong irereact ni Ate pag sinabi ko sa kanya ang tungkol dito. Bakit ba nakalimutan ko si ate? Lahat ng tungkol sa akin ay alam ni Ate. Pero ngayon, na sigurado akong gusto ko si Rogerr.. Sasabihin ko ito kay ate at hindi mag lilihim. Si Ate na lang ang pamilya ko at ayoko na mag lihim pa kanya. Muli kong tinignan si Rogerr at nginitian. Mabuti at pinaalala niya iyon. "Okay..magpaalam muna tayo kay ate." Ngumiti naman siya at hinaplos pa ng isang beses ang kamay ko. "Pero pag nakapag paalam na tayo kay Ate, tayo na ha?" -- "Pero pag nakapag paalam na tayo kay Ate, tayo na ha?" Hinawakan ko pa lalo ang kamay niyang hawak ko na. Pinisil pisil ko iyon. Natuwa naman ako ng nakita kong nagpipigil lang siya ng ngiti niya habang nakatitig pa rin sa akin. Pakiramdam ko parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko at sobrang naaamazed siya sa kung anoman. Alam ko naman na maiinitindihan ako ni ate sa oras na sabihin ko ito sa kanya. At sana lang talaga ay hindi siya magalit sa akin. "Jesus! darling..listen, as much as i want you right now.. Hindi natin pwedeng madaliin ang lahat." hirap na hirap niysng sabi. "Kailangan natin i consider ang ate mo. And besides nag aaral ka pa-" "Kahit naman nag aaral pa ako, okay lang naman sa akin ang maging girlfriend mo.." Hindi naman magiging hadlang ang pagkakroon ko ng boyfriend sa pag aaral ko. Bakit kailangan niyang isama iyon sa dahilan? Bumuntong hininga siya. Napakunoot ang noo ko. Bakit iba ang pakiramdam ko? Habang tinititigan ko siya pakiramdam ko mali ata yung mga sinabi ko. Umayos ako ng upo at napalunok muna bago nagsalita. "Kalimutan na lang yung sinabi ko." binitiwan ko ang kamay niya at sinimulang hawakan ang kutsara at tinidor. Isang beses ko pa siyang sinulyapan bago ako nag umpisang kumain. Narealize ko kasi na baka pini-preassure ko na siya sa mga bagay na gusto ko. Siguro masyado lang akong excited sa isipin na gusto ko siya. Napapikit ako. Gusto kong batukan yung sarili ko. Naging aggressive ako masyado sa kanya. Napailing na lang ako. Ano ba, Abigail? Ano, kating kati ka ba sa kanya? Hindi na makapag hintay? Grabe ka! Parang ngayon ko lang napagtanto lahat ng mga ginawa at sinabi ko sa kanya. lahat 'yon! bakit ko ba ginawa?! Pati yung pag amin ko sa kanya.. tapos ngayon.. Parang nag mamakaawa pa ako sa kanya na naging kami na lang. Asan ang delikadeza mo dai!? Matipid akong sumilip sa kanya at nakita ko lang na nakatingin siya sa akin. Ngayon lang ako tinablan ng hiya. "Abi.." tawag niya. "Hmm.." ginalaw ko pa ang kilay ko. "Naiintindihan mo naman kung anong gusto kong sabihin, hindi ba? Ayoko lang na magmadali tayo da-" "Naiintindihan ko. Kumain na lang tayo?" ngumiti pa ako sa kanya. "At isa pa, nagugutom na rin ako e. Ikaw ba?" He lick his lips. "Abigail.." "Kain na.." ani ko at hindi na siya muling tinignan pa. Ito lang ata yung panahon na kasama ko siyang gusto ko na agad matapos. Gusto ko na agad umuwi. Masyado ng mainit ang pisngi ko dahil sa kanya. Hindi ko din alam kung ano na ang iniisip niya. Iniisip ba niyang patay na patay ako sa kanya? Na easy to get ako? Na wild ako ganon.. ano ba! Hindi ko alam ang nag lalaro sa isipan niya, kaya mas lalo akong nababaliw kakaisip sa kung anong iniisip niya sa akin. Baka naging over na ako. Nang matapos akong kumain ay nakita ko pa siyang nakatingin lang sa akin at halos hindi niya nagalaw ang pagkain niya. Kumunot ang noo ko ng makitang nakatingin pa rin siya sa akin. "Bakit hindi ka kumain?" "I.. anong iniisip mo Abigail Charlene?" tanong niya na parang hindi mapakali. para bang gusto na niyang pasukin ang utak ko para lang maging okay siya. "Ha? anong sinasabi mo diyan?" "Tell me.. kung anong iniisip mo ngayon." "Wala naman. masarap 'tong sisig seafood nila di-" "About sa napag-usapan natin.. Sana huwag mong isipin na hindi kita gustong-" "Ahh!" putol ko sa kanya. "Huwag kang mag alala. Wala naman sa akin 'yon. And besides, naiintindihan ko naman yung gusto mong mangyari." ani ko at ngumiti pa para ipakita na okay lang talaga sa akin. "Kumain ka na." sabi ko sa kanya. Tinignan ko pa ang relo ko at nakita 6 na ng hapon. "Kailangan ko na kasing umuwi dahil mag rereview pa ako para sa exams." "Hatid na kita.." aniya at patayo na pero pinigilan ko siya. "Ano ka ba, sayang yung food. Ubusin mo muna yung food mo, hihintayin kita matapos." Saglit siyang natigilan pero wala naman na siyang sinabi at nag umpisa na lang kumain. Dahil nga tapos na akong kumain napaanood ko kung paano siya kumain. Ang linis. Tapos naka straight body talaga siya. Maton na maton. Kahit nasaktan ako today ay napangiti pa rin ako habang nanonood sa kanya. Ang gwapo niya talaga. Hindi naman siya robot or ano pero makikita mong kalkulado talaga yung mga kilos niya. Napaayos ako ng upo ng may maalala ako. "Sundalo ka ba o Pulis?" tanong ko. Napapaisip na rin kasi ako dahil hindi ko siya nakikitang naka uniform. Si Kuya Matias ay nakita ko na ng isang beses. "Sundalo ako." proud niyang sinabi. Naramdaman ko kasi sa salita niya. "Ah.. akala ko dati pulis kayo." napanguso ako. "Well.. pwede rin naman. Dahil bago ako nag sundalo nag pulis muna ako for two years." Napatango naman ako. "Ilang taon ka na ba sa service over-all?" "7 years." Medyo nagulat ako dun pero agad ding nakabawi ng maalala na ka batch nga pala niya si Ate. "Bakit mo natanong?" "Kasi nung nakaraan, nakita kong naka uniform si Kuya Matias. Pero ikaw never ko pang nakita. Hindi ba required sa inyo yun?" Saglit siyang natigilan at para siyang nag isip. "Required yun. But in my case..may reason ako, hindi ko pwedeng idisscuss sa kahit kanino. Classified." simpleng sabi niya lang. Classified. Mabilis ko naman naintindihan iyon. "Okay.." "Why?" tanong niya pagka inom ng tubig. "You want to see me in my uniform?" "Ha?" nanlaki naman ang mata ko. "Ano..hindi..ano kasi.. Gusto ko lang makita kung okay lang ba sayo yung uniform or kung fit ba sa body mo..gusto ko lang makita kung anong hitsura mo..na curious lang naman ako..kay Kuya Matias kasi bagay sa kanya." Nakita kong umangat ang labi niya at ngumisi ng sandali. Pagkadating namin sa bahay ay mabilis akong nag paalam sa kanya. Hinatid niya kasi ako pagkatapos namin mag usap. Hindi na ako nag salita pa dahil baka kung ano nanaman ang lumabas sa bibig ko. Nagpa salamat lang ako sa kanya at hindi na hinintay ang sagot niya. Hindi ko na nga rin siya inaya sa loob ng bahay. Ang daming gumugulo sa isip ko tapos dinagdagan ko pa. Nasilip ko si Ate sa loob na nanonood ng tv. Nagulat pa nga sa pag sulpot ko. Pero pag tapos kong humalik sa pisnge niya ay agad akong nag paalam na aakyat na. Nang makapasok sa kwarto ay nakatanggap ako ng text mula kay Cita. Oo nga pala! Nakalimutan ko nang kumustahin yun. Nag text lang siya sa akin at nag tatanong kung nakauwi na ba ako o hindi. Saglit kong hinintay ang reply niya. Nilapag ko muna ang bitbit kong books sa mini table sa gilid ko. Napahinga akong malalim. Pakiramdam ko malungkot ako. Ewan ko. Napatingin ako sa phone ko ng mag ring iyon. Si Cita. "Hello.." sagot ko. Hinubad ko pa ang sapatos ko pero napatigil ako ng marinig ko siyang humihikbi. "Cita anong nangyari sayo?" "Abigail..." "Cita.. anong nangyari? Nasaan ka ba? Pupuntahan kita. Bakit umiiyak?" "Break na kami..." Pagkatapos ng tawag ay agad akong nag paalam kay ate na kay Cita muna ako makikitulog. Pumayag naman si ate kaya nandito na ako ngayon kay Cita. Nung nakaraan ako ang may problema ay dinamayan niya ako, ngayon na siya naman ang may problema kahit hindi niya ako papuntahin ay pupuntahan ko pa rin siya. Naabutan ko siya sa harap ng bahay nila nasa loob pa siya ng kotse niya at doon siya umiiyak. Napakunot pa nga ang noo ko ng mahagip ng mata ko si Kuya Matias e, hindi ako sigurado kung siya talaga iyon dahil nawala lang siya agad. Kinatok ko si Cita sa bintana. Mabilis naman niyang binaba ang window nun. "Cita, anong nangyari?" tanong ko agad sa kanya. Puro lang siya hikbi sa akin. At mabilis niya akong niyakap. Ako man ay hindi na lang nagtanong at hinayaan na lang na yakapin niya ako. Baka kasi hindi niya kailangan ng kausap ngayon, ang kailangan niya lang ay may mayayakap. Hinagod ko ang likod bilang suporta. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya o sa kanila pero nasasaktan ako para sa kanya. Malabo pa sa akin ang ugnayan nila ni kuya Matias pero sigurado akong gusto siya ni Cita. Marahan kong hinaplos ang noo nang tulog na si Cita. Kanina kasi ay diniretso ko na lang siya dito. Hindi na ako nag tanong ng kung ano pa. Inisip ko na lang na pagod na siya at kailangan na niyang magpahinga. Nag order na lang ako online ng food. At hindi na siya iniwan pa dito sa kwarto. Ngayon ko lang nakitang nag kaganito si Cita. Parang ang sakit sakit ng naranasan niya ngayong araw na ito, para iyakan niya ng ganon. Mag isa lang kasi si Cita sa buhay. Maaga siyang naulila at walang ibang nakasama bukod don sa tita niya. Siya ang isa sa pinaka strong na taong kilala ko bukod kay Ate. Maldita minsan pero nilalagay naman niya sa lugar. Nakaya niya mabuhay ng mag isa lang siya. Hindi ko alam kung gaano siya kasaya o kalungkot tuwing gabi at mag isa lang sa malaking bahay na ito. Gusto nga namin na sa bahay na lang siya tumira, ngunit ayaw niya dahil ayaw niyang iwan ang kaisa isang alaala ng mga magulang niya sa kanya. At naiintindihan namin yon. Nang mag alas diyes na ay nakaramdam ako ng gutom kaya inumpisahan ko na ang kumain. Ngunit hindi pa ako nakakapag umpisa ay nagising siya. Pupungas pungas pa siya. Napanguso naman ako ng makitang namamaga ang mga mata niya kakaiyak kanina. "Hi," bati ko sa kanya at kumaway pa. "Kain ka na.." iangat ko pa ang burger na hawak ko. Kinusot na muna niya ang mata niya bago lumapit sa akin. Nasa lamp table niya kasi ako kumakain. "Bakit hindi ka umuuwi?" tanong niya. "Bakit ako uuwi? Sasamahan kita." "Hindi naman kailangan, okay na ako. naging oa lang si-" "Cita, okay ka man o hindi, kahit hindi mo ako kailangan, palagi kitang sasamahan." Napatigil naman siya. At saglit na ngumiti. "Sphagetti or burger?" tanong ko. "Burger."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD