kabanata 29
Maaga akong nagising ngayon kahit pa late na rin ako nakatulog kagabi. I mean.. Kanina ata yun.
Pagkarating kasi namin ni Cira dito sa bahay niya ay nag usap lang kami sandali, tungkol sa napag usapan namin ni Rogerr, at sinabi ko na lang din na sinabi ko na kay Rogerr na gusto ko siya. At hindi ko alam kung bakit pero pinagtawanan niya ako at sinabing ang tapang ko daw. Hindi ko na naman alam kung bakit niya nasabi 'yon.
Sinubukan ko rin na tanungin siya tungkol sa kanila ni Kuya Matias pero hindi naman niya ako sinasagot. At palagi niyang iniiba nag usapan. Nakita kong ayaw pa niyang pag usapan ang tungkol don, at alam kong pagod na siya kaya pinag pahinga ko na lang siya.
Una muna ay naligo ako dahil maaga pa naman e. Naligo na ako at pagkatapos ay bababa ako para makapag luto na rin ng almusal.
6:22 am ang nakita ko sa orasan ni Cita na nakasabit sa may taas ng mini table niya. Habang pinupunasan ang aking buhok ay marahan kong hinawi ang kurtina na tumatakip sa kanyang bintana sa gilid. Glass ang bintana niya at malapad iyon.
Ang ganda ng kulay ng langit. Naghahalo ang dilim at ang liwanag nito.. Ang sarap maabutan ang ganito kaganda at kapayapa ang kalangitan.
Hindi pa ako nakuntento doon, at sinabit ko muna ang towel na hawak ko sa aking balikat para maitulak pa ang salamin na nakaharang doon para maamoy ang simoy ng hangin ng umaga.
At hindi nga ako nag kamali. Fresh na fresh ang araw ngayon! Napapikit ako habang dinadama ang lamig ng hangin. Tulog pa si Haring araw ngunit palagay ko'y kumpleto na ang disenyo ng langit ngayon.
Napangiti ako habang dinadama pa rin ang umaga. Nanunumbalik sa alaala ko yung nangyari sa usapan namin ni Rogerr.
Ang sarap pala talaga pag malaya yung pag ibig mo no? Yung hindi mo na kailangan itago. Yung tipong hindi mo kailangan mag pigil dahil baka malaman niya ang totoo, Jusko po! Kasi alam na niya!
Na paproud ako sa self ko!
"Very proud ako sayo self, grabe ka!" hindi mapigilan na hiyaw ko. Nanlaki ang mata ko at nilingon sandali si Cita.. mabuti at hindi siya nagising sa hiyaw ko.
Muli kong binalik ang tingin sa kalangitan.. Napangiti ulit ako. Jusko! Isipin lang na makikita ko siya ulit mamaya ay gusto ko na ulit humiyaw ng humiyaw!
Ano kayang mangyayari pag nagkita kami mamaya? Sana hindi niya makalimutan ang mga sinabi ko sa kanya.
First time ko itong mag kagusto sa isang tao, at ang saya pala!
Kaya ngayon habang nag luluto ay hindi mawala sa labi ko ang ngiti.
Nagluluto lang ako ng hotdog ngayon at bacon dahil yun lang naman ang laman ng fridge ni Cita bukod sa mga alak at chocolate. Pasalamat na lang ako at may konting kanin sa rice cooker niya kaya may naisangag ako.
"Sana all, Happy no?"
Napalingon ako sa nag salita.
Si Cita na nakaligo na at umupo na hapag. Hindi pa rin siya nakabihis tulad ko. Naka sphagetti strap lang siya at short na bulaklakin. Tinusok na rin niya ang bacon na naluto ko na kanina.
"Goodmorning!" bati ko at sinalin ko na ang fried rice sa bowl.
Ngumuso naman siya. "Morning.."
Nang mailagay ko na 'yong kawala sa lababo ay umupo na rin ako kasama si Cita.
"Parang ayoko pumasok.." aniya habang ngumuya.
"Ano ka ba, hindi pwedeng hindi ka pumasok.. Maraming tayong quizes today at isa pa-"
"Tinatamad ako e,"
"Rason ba yan? Tumigil ka nga, dahil ba yan kay Kuya Matias?" tanong. Napatingin naman siya sa akin at umirap.
"Cita.. Ikaw na rin ng nagsabi diba? Ikaw ang may kasalanan kaya kayo nag away, bakit hindi ka na lang mag sorry sa kanya para mag kaayos na kayo."
"Ano?" sabi niya na para bang napakamali ng sinabi ko. "Ako mag sosorry?"
Tumango tango naman ako.
"Bakit ko gagawin 'yon?"
"Kasi ikaw ang may kasalanan?" patanong kong sagot dahil iniisip ko na baka hindi niya lang na gets amg sinabi ko.
"Babae ako bakit ako ang susuyo?"
"Ha? Eh kasi nga ikaw ang may kasalanan.." sagot ko. "Dahil ba sa babae ka ay hindi ka na pwedeng mag sorry? Kung kasalanan mo naman bakit hindi mo pa gawin? Hindi mase-save ng pagiging babae mo yung away niyo, kung hindi ka mag sosorry sa pagkakamali mo."
"Ano bang mali doon?" dagdag ko. "Hindi sa kinakampihan ko siya Cita.. pero diba? Alam kong nasasaktan ka sa away niyo at mabigat pa rin ang loob mo hanggang ngayon, bakit hindi ka gumawa ng way para mai-ayos yang nasa isip mo. Isang sorry lang naman ang kailangan.. Gumawa ka ng sarili mong way para gumaan ang pakiramdam mo, huwag mong hintayin ang ibang tao na ibigay sayo 'yon. Ikaw na mismo ang magbigay ng peace of mind sa sarili mo."
"Jusko ano ba naman yan? Aga aga nanunumbalik si Mother Abigail?"
Napailing na lang ako sa sagot niya. Kahit kailan talaga 'tong babae na ito.
Pero napangiti din ako ng makita kong saglit siyang natulala. Ibig sabihin lang nun ay kahit papaano ay may na absorb siya sa mga sinabi ko. Okay na yun sa akin.
Kahit naman ganyan si Cita ay kaibigan ko siya at naiintindihan ko ang mga kinikilos at ginagawa niya.
kilala ko siya, sa balat at buto.
Pagkatapos ng breakfast namin ay pumasok na kami sa school. Nang makarating kami sa school ay pinauna na niya ako pumasok sa classroom dahil tumawag sa cellphone niya. Pumayag naman ako dahil nangako naman siya na papasok siya.
Tahimik akong umupo sa upuan ko at nilapag ang bag sa ibabaw ng desk. Nilingon ko ang mga blockmates ko at tahimik sila na gumagawa ng kaniya-kaniyang gawain. Nakita ko pa nga na nahulog pa ng isa kong blockmates ang folder na may naka compile ng mga wires. Nagmamadali at aligaga na siya dahil ngayon ang deadline non. Ako nakapag pasa na ako nun last week pa.
Naagaw naman ang atensyon ko ng tumunog ang cellphone ko.
Napangiti naman ako ng makita kung sino ang nag text.
Si Rogerr. Kanina kasi sa sasakyan ay binati ko siya ng goodmorning.
Rogerr: Goodmorning too. Nag breakfast ka na?"
Napangiti ako. Jusko! Ano irereply ko?
Ako: Oo tapos na. Ikaw?
Pagka send ko nun ay napatakip ako ng mukha ko. Sheba naman! nag iinit ang pisngi ko!
Hindi naman nag tagal ay nag reply na siya.
Rogerr: Tapos na. Nasa school ka na ba? Susunduin kita mamaya. Babalik na ako sa trabaho ko. Nasa meeting kasi ako.
Nasa trabaho siya.. Syempre hello! Pulis siya diba? Nalungkot ako konti pero atleast nasingit niya ako sa busy schedule niya.
Ako: Okay. Ingat ka.
Pipindutin ko na sana ang send kaso parang may kulang.. Pwede na ba ako mag i love you sa kanya? Nasabi ko na rin naman diba yung nararamdaman ko sa kanya diba? Pwede na!
Nag type ulit ako.
Ako: Okay.. Ingat ka, i love you.
Pag ka send ko nun ay nilapag ko na lang ang cellphone ko sa desk at tinitigan 'yon.
Napailing na lang ako sa sarili ko. Jusko! Hindi naman siguro siya matatakot sa akin diba? I mean nasabi ko na sa kanya ang nararamdaman ko hindi na iyon kagulat gulat.
"Oh.." nasabi ko ng umupo si Cita sa tabi ko. "Kamusta na? Nagkausap na kayo?"
Nakita ko naman na hindi siya nakangiti. Sa tingin ko hindi ata naging okay ang usap nila.
"Nagkausap kami kaso sandali lang. Nasa meeting daw kasi siya. Hindi ko tulay alam kung..." tumigil siya at napabuntong hininga.
"Kung?"
"Kung gusto pa niya akong makita.."
"Ha? Bakit mo naman nasabi iyan?"
Lugmok na lugmok na ang mukha ni Cita. "Ewan ko.. Pakiramdam ko kasi wala na siyang gana na kausap ako kanina.."
"Ha? Sabi mo nasa meeting siya?"
"Oo nga.."
"Kung wala na siyang gana sayo hindi na niya dapat sinagot ang tawag mo. Pero sinagot pa rin niya diba?"
Napatingin siya sa akin.. "Paano kung.."
"Huwag kang mag isip ng kung ano Cita. Hintayin mo na lang mamaya pag nakausap mo na siya."
Hanggang sa mag klase kami ay kahit papaano ay naging okay naman si Cita. Paminsan minsan ko siyang sinusulyapan at parang nakikinig naman siya. "parang"
Sa mga sumunod na klase ay hindi kami mag ka block ni Cita kaya hindi ko alam kung ano na nangyari sa kanya.
Mga alas quatro ng hapon 'yon ng makatanggap ako sa kanya ng text at sinabing kasama na daw niya si Kuya Matias. Hindi ko na siya nireplyan nun. Nauuna kasing natatapos ang araw ni Cita kumpara sa akin.
Pagkatapos ng klase ay agad akong dumiretso sa papuntang gate. Napangiti agad ako.
Malayo pa lang ay tanaw ko na si Rogerr na nakatayo sa tabi ng kotse niya at hawak ang cellphone niya. Hindi pa rin siya naka uniform at naka civilian siya. Naka leather jacket siya na itim at maong pants at boots.
Pogi!
Ganda talaga ng takbo ng araw ko ngayon!
"Hello!" bati ko sa kanya pagka lapit ko. Napaangat naman siya ng tingin.
"Hi," aniya at nilagay na sa bulsa ang telepono niya. "Nag meryenda ka na?"
Umiling ako. "Hindi pa.."
"Let's eat first,"
" 'kay.." umikot pa siya para lang pag buksan ako ng pinto ng kotse niya.
"Salamat,"
"wear your seatbelt," utos niya na ginawa ko naman.
Alam ko na matagal na akong nakakasakay sa kotse niya pero parang iba yung pakiramdam ko today. Alam ko naman na kung bakit e. Pinipigilan ko na nga lang na tignan siya ngayon habang nag dadrive dahil baka matakot naman siya sa akin, at baka isipin na patay na patay ko sa kanya.
Pumunta kami sa isang restau na ngayon ko lang napuntahan kasama siya. Usually kasi fastfood lang kami, dahil don ang gusto ko pero kasi hindi niya ako tinanong ngayon.
Seafood restau pala ito based sa nakikita ko sa kapaligiran. Puro shrimp at crab ang iilan na nasa lamesa.
Umakyat kami sa second floor dahil may reservation daw si Rogerr based na din sa kausap niyang waiter kanina.
"Bakit dito mo ako dinala? pwede naman kahit sa fastfood lang.." sabi ko ng makapasok na kami sa room na pinagdalhan sa amin. May isang bilog na table lang doon sa gitna at dalawang upuan at may maliit na vase sa gitna na may bulaklak.
"Okay lang na mag fastfood tayo minsan," aniya at hinila ang upuan ko para makaupo ako.
"Salamat,"
"Pero hindi everyday, masyadong unhealthy."
Napakamot ako ng tenga..
"Gusto ko lang makapag usap tayo ng maayos. Yung walang mangugulo." sabi niya. Nung sinabing niya manggugulo ay agad na pumasok sa isip ko si Cita. Ewan ko.
Hindi na ako nakasalita dahil agad na dumating ang mga pagkain namin. Hindi ko naman mapigilan ang mag laway dahil sa mga nakikita kong nakahain ngayon sa harap ko. Nanlaki pa ang mata ko ng nakakita ako ng sisig.
"Thank you." sabi niya doon sa waiter ng maiayos ang food namin.
"Salamat." sabi ko din
Nag umpisa na kaming kumain at siya ang nag balat ng king crab! Jusko po! Nakakatakam naman talaga iyon.
Kumuha ako ng lemon at marahan iyon piniga sa ibabaw ng aking shrimp.. Jusko ! Sarap!
"Let's talk about us now.." sabi niya na ikinatigil ko sa pagkain. Tinignan ko siya at seryoso lang siya naghihintay kung may sasabihin ba ako o wala.
Uminom muna ako ng tubig sa harap ko bago nag salita.
"Nasabi ko naman na ang gusto kong sabihin sayo.." sabi ko.
Huminga siya ng malalim sa akin. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?"
"Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?"
"What do you mean?"
"Gusto mo ba talaga ako?"
"Oo nam-"
"Dahil ako matagal na kitang gusto Abigail."
"Ha?"
Wait.. Tama ba ang narinig ko? Tama?
Diyos ko po.. Omgeee! Tama ba talaga? Wala akong masabi sandali..
"Gusto kita Abigail, matagal na." aniya. "Kaya ngayon na sinasabi mong gusto mo ako, binibigyan mo ako ng pag asa na pwedeng maging tayo."
"Hindi nga?"
Speechlesa... Gusto niya ako? Hindi ba ako nananaginip?
"Matagal na kitang gusto Abigail, kaya please, kung hindi ka sigurado sa sinasabi mo, bawiin mo na ngayon na. hangga't kaya ko pang paniwalain ang sarili ko na baka nagbibiro ka lang.. hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko. "
Totoo nga..
Huminga ako ng malalim at hinagilap ang kamay niya sa ibabaw ng table at pinisil ito.
"Huwag ka ng mag pigil, kasi yung mga sinabi ko sayo.. wala akong planong bawiin.."