"Not counted, Miss." nakangising sabi niya.
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "A..anong.. hindi ko naman po sinasadya."
Umiling siya habang nakatingin sa akin. Nagkatitigan lang kaming dalawa. Hindi ako makapga salita, Para akong hindi makahinga dahil sa titig niya. Nakakalunod.
Marahan akong napapikit ng magaan niyang hawiin ang iilang buhok sa aking mukha. Nang dumikit ang kanyang daliri sa aking pisngi ay halos magwala na ang loob ko. Parang biglang nag karoon ng giyera sa loob ko. Nagkakabarilan na sila.
"Ang sabi ko dati mag hihintay ako.. Pero ngayon na malapit ka na, lalo akong naiinip."
Hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin pero naaagaw pa rin ng haplos niya ang utak ko.
Hindi ako makapag focus sa mga sinasabi niya. Ano ba to? Lasing lang ba ako o talagang nagugustuhan ko na ang mga haplos niya? Ang sarap sa pakiramdam ng mga haplos niya. Parang ang sarap magpahinga sa mga haplos niya.
Napadilat ako ng mawala ang kamay niya sa aking pisngi. Sumalubong sa akin ang nakakatusok niyang mga titig. Halos isang dangkal lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Para bang bigla akong nakaahon sa pagkakalunod.
"ahm.." Tikhim ko at agad akong dumampot ng kung ano sa lamesa at agad na nilagok iyon. Muntik pa akong masuka ng malunok iyon.
Ang pait!
"Ang tigas ng ulo mo, sinabi ng hindi ka iinom!" sabi niya sabay bawi sa baso na nasa kamay ko.
"Bakit naman kita susundin? Sino ka?" sagot ko sa kanya. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga salitang iyon.
Ang bastos ng bunganga ko! Ganito ba pag lasing?
Pero hindi! Tama lang yung sinabi ko! Bakit ko nga naman siya susundin? Totoo naman iyon! Hindi ko naman siya kaano ano. Kaya bakit niya ako papakielaman ngayon? Samantalang pinayagan naman ako ni Ate!
"Wala kang pakielam sa akin!" sigaw ko ulit para marinig na niya ako. Naiirita na kasi talaga ako, kanina pa siya!
Umangat ang itaas na labi niya. Ngumisi pa siya ng konti. "Oh?" nanunuya niyang sabi.
"Oo!"
"Yun ay.. Kung hindi ka sa akin.."
Kumunot ang noo ko. Nahihilo na ako. Napapapikit na rin ang mga mata ko. Ano daw?
"Ang siste kasi, Akin ka Charlene. Akin ka. Kaya sa ayaw at sa gusto mo, makikielam ako."
Halos wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Hindi ko rin kasi marinig ng maayos yung boses niya. Lumulutang na kasi ang utak ko. Inaantok pa ako. Well kung ano man ang sinabi niya, siguro masarap yun. May narinig akong ulam e.
"Abigail!" sigaw ni Ate sa akin. Napalingon ako sa kanya. Lumapit siya at hinawakan ako sa pisnge.
"Anong nangyari sa yo?" tanong niya.
"Lasing." sabat naman ng katabi ko. Hindi ko na siya nilingon dahil nahihilo na talaga ako. "Pinayagan mo daw siyang uminom."
Napatingin si Ate sa kanya. "Nasa tamang edad naman na siya, Dylan kaya okay lang. Huy! Umayos ka." marahan akong tinapik ni Ate sa pisnge ng mahulog na ang mga talukap ng mata ko sa antok.
"Uwi na tayo, Ate..." sabi ko sa kanya habang sinasalo na lang niya ang ulo ko. Hindi ko na talaga kaya ang antok. Sumasabay pa ang hilo.
"Oo, uuwi na tayo.."
"Hatid ko na kayo.."
yun lang ang narinig ko. Hindi ako sigurado pero parang narinig ko si Cita na sumisigaw bago ako nilamon ng tulog.
Kinabukasan ay nagising ako na parang mabibiyak ang ulo ko. Parang inumpog ng sampung beses sa pader. Jusko po! ano ba to? pakiramdam ko nakipag untugan ako sa lahat ng tao. Sinubukan kong idilat ang kaliwang mata ko at agad din na napapikit dahil sa tumamang sakit doon. Ang hapdi!
Madiin kong inulubog ang mukha ko sa aking unan. "Araay.."
Hindi ko na ata kaya.. ang sakit talaga. Nasa ibang mundo na ata ako e.. para akong nasa ulap na nililipad ng hangin.
Naka ilang inom ba ako? s**t. Hindi ko na matandaan! Basta ang alam ko naka dalawa lang ata ako.. pero bakit sobra naman ang pagka hilo ko? Para akong sumakay ng ferris wheel ng 4 na beses at limang ulit.
Ilang minuto pa akong nag hintay hanggang sa kaya ko ng tumayo. Ilang sandali lang pagkatao ko ay tumama ang tagiliran ko sa kanto ng lamp table ko. Agad akong napa aray dahil don.
Umupo pa muna ako ng ilang saglit sa lapag para pahupain ang sakit.
Agad akong dumiretso sa banyo. Ang main goal ko ngayon ay makaligo para mabawasan ang hang over ko. Si Ate kasi pag nagkakaganito siya ay agad lang siyang naliligo. Nakakabawas kasi iyon ng sakit ng ulo.
Tama. Kaya ayun yung gagawin ko ngayon.
Unang patak pa lang ng tubig sa katawan ko ay agad na ginhawa na ang naramadaman ko. Jusko po! Ganito pala resulta ng inom inom na yan.
Hinding hindi na ako iinom! Hindi na talaga!
Naabutan ko si Ate na nag sasalin ng sinangag sa plato. Bagong ligo na rin siya.
"Goodmorning po.." bati ko sa kanya bago umupo sa table.
"Oh ano? Anong pakiramdam mo?" agad na tanong niya sa akin. Siya na rin ang naglagay ng kanin sa plato ko. Sinamahan pa niya iyon ng itlog.
"Medyo masakit po ang ulo ko."
Umiling siya. Nagtagal ang tingin ko kay Ate. Bakit ang seryoso ng mukha niya? Galit ba siya?
"Ate.."
"Oh, advil. Inumin mo yan after mong kumain.."
"Ikaw, Ate hindi masakit ulo mo?" Tanong ko. pakiramdam ko kasi wala sa mood si Ate ngayon. Hindi siya ngumingiti eh.
"Hindi."
Bad mood nga.
Kumain na lang ako ng tahimik at ganun din si Ate. Tutal wala naman siya sa mood. Siguro tinatamad siya mag salita. Humigop ako ng gatas na si Ate ang nag timpla.
Jusko po! Ang sarap ng mainit! Sinulyapan ko si Ate.
"Anong oras po tayo nakauwi kagabi?"
Nakita kong umiling ulit si Ate. "Hindi gabi. Umaga na tayo nakauwi. 2:00 am."
Kumunot naman ang noo ko. Sa pagkakaalala ko, 11 kami umuwi. "Ha? Diba Ate, 11 tayo umalis sa bar?"
"Oo nga. 11 tayo umalis don pero, alas dos na namin kayo naawat ni Cita."
Nanlaki ang mata ko. Anong..
"Ano po?"
"Ewan ko sa inyong dalawa mag kaibigan! Ang sakit niyo sa ulo. Pinayagan kitang uminom kagabi dahil akala ko titikim ka lang, dahil first time mo diba? Pero nilagok mo pala lahat ng nasa lamesa natin kagabi!"
"Hindi ko naman po alam na malalasing ako.." napayuko na ako.
"Hay.. nakakahiya kay Dylan." Aniya. Agad na napaangat ang ulo ko.
Dylan?
"Nandon po si Rogerr?" Gulat na tanong ko. Nandon siya?
Nanliit naman ang mata ni Ate. "Oo. Hindi mo natatandaan?"
Mabagal akong umiling habang nakatingin sa kanya. Dhil hindi naman ako sigurado.
Siya din ay napailing. "Nandun siya. Siya rin ang nag hatid sa atin. Nakakahiya ka, Abigail."
"Bakit naman po?" Kinakabahan na tanong ko. Omygosh! Anong ginawa ko?
"Ano pong ginawa ko?"
"Puro kahihiyan, Abi! Kung ano anong pinag sasasabi mo sa kanya kagabi! Hindi ka na nahiya! Niyakap yakap mo pa siya."
"Po?!"
"Oo. Parehas kayo ng kaibigan mo!"
Pakiramdam ko lumabas na yung kaluluwa ko sa katawan ko.
Niyakap yakap? Ko? Si Rogerr?
Jusko po!
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin yung sinabi ni Ate sa akin kaninang umaga. Hindi mawala sa isip ko, hanggang ngayon na mag isa na lang ako ngayon dito sa bahay dahil nakaalis na siya. Hindi ako sigurado kung maniniwala ba ako o hindi.
Nakakatulala yung mga sinabi ni Ate.
"Niyakap yakap ninyo siya mag kaibigan, nakakahiya nga kay Dylan. Nag magandang loob na nga, napag tripan niyo pa mag kaibigan."
Hindi ko alam kung totoo iyon. Niloloko lang ba ako ni Ate? Dahil hinding hindi ko iyon gagawin. Bakit ko yayakapin si Rogerr? Ni hindi nga ako makatagal ng titig sa kanya ng 4 seconds e, tapos yayakapin ko pa?
"Haay!" sumasakit na yung ulo ko kakaisip. Hindi ko kasi matandaan! Wala akong matandaan!
Mabilis kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa. Tatawagan ko si Cita.
Tatanungin ko siya kung may alam ba siya sa mga sinasabi ni Ate.
Matapos ang ilang ring ay sumagot na ito.
"Cita?" Tawag ko kaagad sa kanya.
"Hmmm.." ungot niya. Jusko po!
11 am na tulog pa rin siya?
"Cita? May itatanong ako sayo--" natigil ako ng may narinig akong nag salita sa background.
"Sweetheart, breakfast is ready.." sabi ng lalaking lalaking ang tono. Kumunot ang noo ko.
Lalaki?
Parang pamilyar..
Tinignan ko yung cellphone ko para makasigurado na si Cita nga yung kausap ko.
"Si Cita naman.." bulong ko ng masiguro ko nga na na si Cita.
"Cita?" Tawag ko ulit sa kanya.
"Abi, wait lang.. mamaya na tayo mag usap. Pupuntahan na lang kita later, okay?"
Wala sa sariling napatango ako. "Okay.."
Wala sa sariling binaba ko ang telepono ko. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari. Sino yung nagsalita?
Lalaki e.
Hindi lang ako sigurado, pero pamilyar talaga sa akin yung boses nung kasama ni Cita.
Napunta ang atensyon ko sa cellphone ko ng tumunog iyon.
Nanlaki naman ang mata ko ng makita kung sino ang tumatawag.
Si Rogerr..
Kumalabog ang dibdib ko. Naaalala agad ang sinabi ni Ate.
"Gosh.. sasagutin ko ba? Bakit siya tumatawag?"
Mabilis kong sinagot ang tawag niya tsaka huminga muna ng malalim bago nag salita.
"H-hello po.."
"Charlene.."
Napapikit ako. s**t. Ang seryoso naman ng boses niya.
"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya.
"Po?" Tanong ko ng hindi ko makuha ang sinabi niya. I mean, hindi siya galit? Hindi..
"Kung masakit pa ba ang ulo mo."
"Ahmm.. h-hindi na.. okay na po ako."
Bakit ba kinakabahan ako? Hindi ko naman alam yung ginawa ko kagabi! Nakakahiya man pero, nag sisisi naman ako! Kailangan ko lang humingi ng sorry. Yun na! Mag sosorry na ako ng mabilis.
"Alright. You want.. something to eat?"
"Hindi na po. Ah, gusto ko lang po na m-mag sorry. Yun lang po sorry po!" Mabilis na sabi ko at mabilis rin na binaba ang cp. Gosh!
Kailangan ko ata munang lumayo sa telepono ko. Na iistress ako!
Hanggang sa nakakain na ako ng tanghalian ay hinihintay ko pa rin ang pag dating ni Cita. Sabi niya kasi sa text ay 2pm daw siya pupunta pero 3pm na wala pa rin.
Hawak hawak ko ang isang libro sa kaliwang kamay ko habang nakahiga sa sofa at naghihintay.
First time kong uminom kagabi, hindi ko naman alam na iyon yung magiging epekto sa akin. Magiging makakalimutin pala ako.
Natigil ako sa pagbabasa ng marinig kong tumunog ang bakal na gate namin. Bumangon ako at sinilip iyon sa bintana.
Jusko po..
Bakit nandito siya?
Si Rogerr.
Nasa gate. Nakatayo at nag hihintay na pagbuksan.
Anong ginagawa niya dito?
Nagulat ang mata ko ng magtama ang mga mata namin. Mabilis kong inayos yung kurtina.
"Charlene.."
Shet. Ano ba kasi ang kailangan niya? Bakit siya nandito?
Jusko po.. Hindi kaya.. Papagalitan niya ako?
"Charlene.."
Kahit pa kinakabahan ay pilit kong binuksan ang pintuan namin para mapag buksan lang siya ng gate.
Nang magtama ang mga mata namin ay agad akong nag iwas. Binaling ko na lang iyon sa paso sa gilid ng gate.
"How are you?"
Narinig kong marahan niyang sabi. Nakayuko pa rin ako. Sa tingin ko hindi ko kakayanin na tignan siya pabalik e. Pwede bang umalis na lang siya?
Nagdadalawang isip pa nga ako kung pag bubuksan ko pa ba siya. Hindi ko na lang siya sinagot at wala sa sariling binuksan ko na lang ang gate.
Pagkabukas ng gate ay nakita kong may hawak siyang paper bag. Na sa tingin ko ay pagkain ang laman nun. Naka jacket siyang itim at nakapantalon.
Sinubukan kong tignan siya pero mabilis akong umiwas at tinoon na lang sa sasakyan sa likod.
"Hang over?" aniya at bahagya pang tinagilid ang kanyang ulo. Dinudungaw ako.
Umiling ako at kinagat na lang ng itaas na labi ko. Hindi ko kayang magsalita. Kung papagalitan niya ako dahil sa kagabi ay tatanggapin ko naman iyon. Pagalitan na lang niya ako para matapos na ito agad ngayon.
"Binilhan kita ng merienda."
Napatingin ako don sa paperbag ng nilahad niya.
"Salamat po.." mahinang sabi ko.
Hindi ko talaga kayang tumingin sa kanya. Ayoko din. Isipin ko pa lang na baka nga pinagtatawanan niya ako dahil sa nagawa ko sa kanya kagabi ay inaabot na ako ng hiya.
"Not counted, Miss.." mahina rin niyang sagot. Dun ako napatingin sa kanya.
Nakangiti siya at magaan ang hitsura. Unti unti naman ako nahahawa at narerelax ako ng kaunti.
"S..salamat.."
Ilang sandali pa siyang nakatitig sa akin bago niya binaba ang kanyang mukha at humalik sa aking pisngi.
Nanlaki ang mata ko.
Natigil sa paghinga.
Seryoso at magaan pa rin ang mukha niya.
"Aalis na ako." aniya at pumasok na sa sasakyan niya.
Ako naman ay natigil ang mundo hanggang sa makaalis siya.
Napahawak ako sa kaliwang pisngi ko na hinalikan niya.
Napalunok ako.
Totoo ba yun?
Anong nangyari?