Kabanata 18

1942 Words
Hindi ko kasi masyadong makita ang mukha niya dahil may kadiliman ang lugar. Sumasabay rin ang dilim ng mukha niya sa kapaligiran. Nagtataka naman ako, galit ba siya o hindi? pero kung galit siya, bakit naman? anong dahilan? Pero ramdam ko ang galit niya sa paraan ng pag hawak niya sa akin. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko ngunit hindi naman ako nasasaktan. Pero bakit naman siya magagalit? Kakakita pa lang naman namin ngayon, ni hindi pa nga kami nagkakausap e. Kaya hindi ko maintindihan kung para saan ang galit na nakikita ko sa muka niya ngayon. Dinala niya ako sa parte ng club na hindi gaanong matao. Tumigil kami sa pinaka gilid. May nakita pa nga ako doon na lalaking nakatungo sa lamesa. Tulog na ata. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya agad sa akin. Kahit pa na medyo malakas ang tugtog ay rinig ko pa rin ang riin sa boses niya. Hindi ako nakapag salita. "Tinatanong kita Charlene, bakit ka nandito? Sinong kasama mo?" sunod sunod na tanong niya. Halos ramdam ko ang bigat sa paghinga niya habang nagsasalita siya. Napatingin ako sa kamay kong hawak pa rin niya. Tinignan ko lang siya at hindi sinagot. Ayokong mag salita. Hinila ko pabalik yung kamay ko. Nung una ay ayaw niya pang bitawan ito pero mahina kong tinampal tampal ang kamay niya. nakita kong natigilan naman siya dahil doon at binitiwan na ang kamay ko, kaya tinigilan ko na rin ang ginagawa ko. Medyo nakaramdam ako ng hiya dahil sa inasta ko. Bakas pa rin sa mukha niya ang gulat ng tingnan ko siya. Nabigla ata siya sa kinilos ko. Parang gusto kong kutusan yung sarili ko. Dapat hindi ko na lang yun ginawa. "Ikaw kasi.. Sabi ng bitaw ayaw mo pa.." hindi ko alam kung narinig niya iyon o hindi. Nakita kong may sumilay na maliit na ngiti sa labi niya at namungay ang mga mata. Para siyang namamangha sa kung ano. Hindi ko naman maintindihan ang reasksyon niya, ano bang nakakamangha don? Tumalikod na ako sa kanya. Nahihiya ako sa kanya. Tapos yung sinabi ko pa, para bang sinisisi ko pa siya kung bakit ko iyon nagawa. Sa totoo lang ay hindi ko rin alam kung bakit ko iyon nagawa. Dapat pala nag sorry na lang ako. Bigla akong nakaramdam ng hilo paglakad ko. Parang biglang gumilid yung paligid ko. Upside down. Tumigil muna ako sa paglalakad at pumikit ng madiin. Parang ayun yung paraan para matigil sandali ang pag galaw ng paligid. Shit. Nakakaramdam pa ako ng init. Mabilis kong kinapa ang bulsa ng short ko para kunin doon ang panyo. "Saan ka pupunta?" si Rogerr na sumulpot sa likod ko. Nang makuha ko ang panyo ay mabilis kong pinunasan ang gilid ng tenga ko tapos ay sa mukha naman. Sandali kong tingnan ang mga masasayang nagsasayaw. Bakit ako naiinitan? Mainit yung pakiramdam ko e. Para akong nasa sauna. Mainit talaga. Nang um-okay na na ang pakiramdam ko ay naglakad ako ulit ngunit nakakailang hakbang pa lang ako ay may humawak na naman sa braso ko. Si Rogerr. "Ano ba?" tanong ko na. Napapapadyak na rin ako. "Sinong kasama mong pumunta dito?" seryoso na naman niyang tanong. Lagi na lang. "Si Ate po.." pagsabi ko nun ay tumalikod na ako ulit. Pero hindi niya pa rin ako pinaalis. "Ano po ba yun?! Kanina ka pa po! Aalis na po ako! Naiihi na po ako!" hindi ko mapigilang sigaw sa kanya. Kanina pa kasi siya! Kanina pa rin ako naiihi tapos pigil siya ng pigil! "Sorry.." sabi niya at binitawan na ang kamay ko. Hindi ko na siya inintindi at naglakad na agad palayo sa kanya. Mabilis ko namang nakita ang cr. Papasok na sana ako don ngunit may lalaking biglang humarang sa daanan ko. Namumula na ang mukha ng lalaki at magulo ang buhok. Inilapit niya ang sarili niya sa akin. "Hi, Mish!" aniya. Napapikit ako ng humampas sa mukha ko ang hininga niyang amoy alak. Umatras ako ng kaunti pra makaiwas sa kanya. Pero may humila naman sa akin paalis doon. Si Rogerr. "Mag cr ka na. Hihintayin kita dito." sabi niya ng nasa harap na kami ng cr ng mga babae. Mabilis akong pumasok sa loob dahil sa totoo lang ay kanina pa talaga ako naiihi. Kinabahan ako kanina dahil sa lalaking nangharang buti na lang ay dumating si Rogerr. Nakakatakot yung hitsura ng lalaking iyon. Muka siyang sabog. Hindi gagawa ng maganda. Nang makapag hugas ng kamay ay saglit kong tinignan ang sarili ko sa malaking salamin. Mukha na akong inaantok. Pero apat na baso pa lang naman ng vodka yung ininom ko e. Yun nga lang ay hindi ko nga sigurado kung vodka ba lahat yun. Iba iba kasi yung lasa niya.. Kung ano lang kasi ang ilapag sa lamesa ay iniinom ko kaagad basta makita kong iniinom din ni Ate. Pagkalabas ko ng pinto ay nakita ko siyang prenteng nakatayo sa gilid habang nakatingin sa sapatos niyang leather. Ngayon ko lang nakita ng maayos yung suot niya. Dahil medyo maliwanag sa bandang dito. Ang haba ng biyas niya. Naka itim siyang v neck shirt at pantalon. Simple lang naman yung suot niya, pero ba't ang pogi niya? Tsaka napansin kong mahilig siya sa itim na kulay. At bagay naman sa kanya. Tsaka ang swerte ng Shirt niya, parang isa ito sa mga araw na hihilingin kong maging Itim na shirt na lang ako, para maka kapit din ako sa biceps niya. Hehe.. Habang papunta ako sa kanya ay muntik pa akong matalisod dahil may natapakan akong madulas na bagay. Nang tignan ko ito ay para siyang goma na makintab. Hindi ko na lang yun inintindi at nag patuloy na lang kay Rogerr. Nakita ko naman na nakatingin na siya sa akin at hinhintay na lang ako. Nginitian ko siya. Pero ni hindi man lang siya ngumiti. suplado pa rin ang mukha niya. Napanguso ako. Ang sungit. "Are you done?" supladong tanong niya. Tumango ako. "Opo." "Let's go." aniya at inalalayan ako sa braso. Inayos ko naman ang buhok ko inipon ko iyon at inilagay sa kaliwang balikat lahat. Mahaba na pala ang buhok ko, nasa gitna na siya ng likod ko. Tinignan ko siya habang naglalakad kami. Paano kaya yun no? Paiba iba siya ng ugali. Samantalang kanina, nung hinatid niya ako sa bahay ay nakangiti siya, ngayon naman nakasimangot na.. Bakit naman kaya siya nakasimangot? Hindi ko kasi talaga alam kung bakit. Wala kong ideya. Nakita kong gumalaw pa ang panga niya. Oh ano? Nanggigigil naman siya ngayon? Ano ba yan! Na amaze ako bigla ng mapansing parehas kaming naka black! Woah! Kinalabit ko siya. "Uy! Ang galing! Parehas tayong naka black, Rogerr!" nangingiti pa ko. Pero nang tignan niya ako ay biglang naglaho ang ngiti na iyon. Ang sungit. "Kasama ko si Ate!" sabi ko ng maalala yung tanong niya kanina. "I know. Sinabi sa akin ni Matias." aniya ng hindi tumitingin sa akin. Nanahimik na lang ako. Hanggang sa makabalik kami sa ingay ng bar, hawak pa rin niya ang kamay ko. Sa dami ng tao ay naka alalay pa rin siya sa akin. Parang walang kapaguran ang mga tao dito. Kanina pa sila nagsasayaw hindi ba sila nangangalay diyan? Nakita ko na ang table nila ate. "Ayun po yung table namin!" sabi ko sa kanya. Pero hindi naman siya ako nilingon. Marahil ay hindi niya ako narinig dahil sa lakas ng tugtog. Tumayo si Ate ng makita ako. "Okay ka lang? Bakit ang tagal mo?" "Hinanap ko pa po yung cr. Sorry po.." Tumango si Ate at pinaupo niya ulit ko sa tabi niya. Napansin ko rin na aapat na lang sila doon. Wala na rin doon si Sir Matias. "Okay ka pa?" kumusta pa ni Ate sa akin pagkaupo. Tumango lang ako at bumalik naman siya sa kausap niya si Ate Eljay. Napalingon ako sa gilid ko ng naramdaman kong medyo lumubog ang parte ng sofa. Si Rogerr pala. Medyo madilim dito sa table pero tama lang para makita ko na nakasimangot pa rin siya. "Abigail!" napabaling ang tingin ko doon sa tumawag. Si Kuya Ean. May hawak siyang baso na inaabot sa akin. Hindi ko alam kung anong tawag doon pero katulad siya ng baso kanina, ang pinag kaiba lang ay gray ang laman nito at mas malaki itong inaabot niya at sa tingin ko'y umuusok ito o guniguni ko lang. "You should try this one! Masarap yan!" Nakangiti ko naman iyon na tinanggap. "Salamat po!" Hindi siya sumagot at sumenyas lang ng okay sa kanyang kamay. Inamoy ko muna ito.. Umuusok nga siya.. Masarap siguro ito? Sabi ni Kuya Ean e.. Pero bago ko pa man ito matikman ay may kumuha na nito sa kamay ko. Si Rogerr. Kinuha niya iyon at mabilis niyang ininom. "Akin yun e!" suway ko sa kanya. Umiling siya at inabot sa akin ang basong may lamang ice tea. Hindi ko iyon tinanggap kaya inilapag niya iyon sa mesa. "Hindi ka iinom." sabi niya pagkalapag ng baso sa mesa. Napasimangot ako sa sinabi niya. "Bakit? Nag paalam naman ako kay Ate na iinom ako!" "Kaya nga kita binigyan ng Ice tea, ayan inumin mo na." Sumimangot ako lalo. Sasagot na sana ako sa kanya ng tawagin ako ulit ni Kuya Ean. May inabot ulit siyang baso sa akin tulad ng kanina. "Don't worry, may isa pa dito! Baka nauhaw lang si Kuya Dylan mo!" Napangiti ako. Na excite. Atleast may isa pa. Pero mabilis na inagaw yun ni Rogerr sa kamay ni Kuya Ean. "Hindi siya iinom, Ean." sabi ni Rogerr kay Kuya Ean. "Too late brad. Uminom na siya kanina." sagot naman ni Kuya Ean. Mag aabot ulit ng isa pang baso. Pero hinarang ulit ni Rogerr. "Sinabi ko nang hindi, Ean." matigas niyang sabi. Kinabahan naman ako sa tono ng boses niya. Ang talim. Nagkatitigan silang dalawa. Kinuha ko na Lang ang basong nasa kamay ni kuya Ean. Tinignan ko saglit si Rogerr at nakita kong nakatingin siya sa kin pero umiwas na lang ako. Ayoko naman na mag away pa sila. Jusko po! Ayoko ng away. Nilapag ko sa table ang baso. Kasabay naman nun ang pagkalabit sa kin ni Ate. "Naka apat ka na kanina. Tama na yan, mamulutan ka na lang. Uuwi na tayo. Dito ka lang, Mag c-cr lang ako." "Opo." Pag katayo ni Ate ay siya ring tayo ni Kuya Ean paalis. Huminga muna akong Malalim bago umurong ng upo. Hindi ko kasi kayang tagalan na magkadikit yung braso namin ni Rogerr. Ayoko ng pakiramdam. Kakaiba. Kinuha ko na lang ang ice tea na binigay niya kanina at kaunting sumipsip doon. Sa ibang direksyon ako tumitingin at hindi sa gawi niya. Iniiwasan ko siyang tignan kaya itinuon ko nalang ang tingin ko sa mga taong nagsasayawan. Napapa headbang pa ako dahil sa tugtog. Minsan hindi ko mapigilan na lingunin siya pero kapag nakikita kong nakatingin din siya sa akin kaya mabilis akong umiiwas. Medyo nakakaramdam na rin ako ng antok kaya nagawa kong sumandal sa likod ng sofa pero mabilis akong napaahon ng maramdaman ko ang braso niya sa likod ko. "Sorry po.." sabi ko na lang. Nakita kong ngumisi siya. Totoo ba yun? Pero mabilis iyon napalitan at naglaho. Bumalik ang seryoso niyang aura. Kaya hindi ko kung guni guni ko lang iyon. Ano galit na naman siya?Hindi ko naman alam na nandon yung braso niya. Hindi ko naman sinadyang madaganan ang braso niya. Bakit niya kasi nilalagay dun yun? Kinabahan ako nang Sinakop niya pa ang ginawa kong space kanina At inilapit ang sarili sa tenga ko. Ano ba? Umurong na nga ako diba? Kumalabog ang puso ko. "Not counted, Miss."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD