Pagkahatid niya sa akin sa bahay ay nag pasalamat lang ako ng mabilis at agad ng umiwas. Mabilis akong pumasok sa bahay. Natataranta ako at hindi ko alam kung bakit.
Pakiramdam ko may kung anong mainit sa akin. Nababaliw na ata ako.. Hindi ko na alam ang mga pinag gagagawa ko. Masyado na akong puno ng hangin.
puro na ata kabag ang ugat ko.
Bahagya pa akong nagulat ng makasalubong ko si Ate sa hagdaan pababa.
"Oh? Anyare sayo? Bakit ka namumutla diyan?"
"Ha?" wala sa sarili ako. "Aalis ka po?" tanong ko na lang ng mapansin kong bihis na bihis siya. Naka tight dress siya na blue at naka heels pa.
"Oo. Pupunta lang ako sa birthday ng kaibigan ko."
Napatango lang ako at hindi na nakapag salita, dahil hinahabol ko pa rin ang hininga ko.
"Nagluto naman na ako ng pagkain mo dito. Kakain ka na lang.." ani Ate at tuluyan ng bumaba sa hagdanan. Imbes na umakyat ako ay sinundan ko na lang si Ate pababa.
Inayos ko pa muna ang buhok ko na nagulo dahil sa pagmamadali ko kanina.
Naupo si Ate sa pang isahang sofa. At nilabas ang maliit na bag na may laman na make up.
"Anong oras ka po makaka uwi?" tanong ko. Habang nag lalagay ng lipstick si Ate sa labi niya.
Tinigil niya ang paglalagay ng lipstick at tumingin muna sa maliit na bilog na salamin. "Hindi ko alam e.. Bakit?"
"Ate.." tawag ko sa kanya at umupo sa kaliwang armrest ng inuupuan niya.
"Hmm.."
"Pwede po ba akong sumama?" tanong ko. Ramdam kong napatigil si Ate sa sinabi ko. Dahan dahan at nanliliit na matang tumingin siya sa akin.
"Ansabe mo?"
Napayuko ako. At pinaglaruan na lang ang mga daliri.
"Anong sinabi mo, Abigail?" ulit pa ni Ate.
"Kung.. pwede po akong sumama.."
Namamangha na napatitig si Ate sa akin. Para siyang nakarinig ng kung anong nagpapa ningning sa kanya. "Seryoso ka ba? Maingay dun.."
Tumango ako. "Okay lang po.."
"Sigurado ka talaga?"
Tumango ulit ako. First time kong sasama kay Ate sa mga gala niya ngayon. Kadalasan kasi pag inaaya ako ni Ate na lumabas ay tumatangi ako. Mas gugustuhin ko pa kasing manatili na lang sa bahay kasysa mag aksaya ng oras sa labas. Pero ngayon iba na.. Sa tingin ko kasi kailangan ko to. Para naman mawala na rin yung mga iniisip ko tungkol kay Rogerr at mawala na rin sa isip ko yung mga pinagsasasabi ni Cita sa akin.
Sa tingin ko kailangan ko muna ng distraction. First time ko kasing mawala sa focus. Dati kasi kahit naman kung ano ano ang sinsabi ni Cita sa akin ay wala naman akong pakielam. Sanay na rin akong iniinis niya ako, Pero bakit ako naaapektuhan ngayon?
"Oh! Sige na! Magbihis ka na, hihintayin kita.."
"Talaga, Ate?"
"Oo na nga! Sige na.. Bilisan mo lang ah? Parating na si lilian, siya yung susundo sa atin."
Wala na akong inaksaya na oras at mabilis akong nag hanap ng damit sa closet ko.. Hindi na ako nag abala na maligo dahil nagmamadali na si Ate, at hindi naman ako mabaho. Agad kong kinuha ang paborito kong itim na mickey mouse shirt at itim na shorts. Sinuot ko rin ang itim kong sandals.
Nilagay ko na rin ang cellphone at wallet sa manipis at maliit kong sling bag.
Isang hagod pa ng orange na lipstick sa labi ko ay tapos na. Wala pang ten minutes.
"Charlene Abigail!" hiyaw ni Ate sa baba.
"Andiyan na po!"
Mabilis na akong bumaba habang inaayos ang buhok ko.
"Ay susmaryosep kang bata ka!" bungad ni ate pagkababa ko. "Club ang pupuntahan natin, hindi fieldtrip!" napapakamot pa siya sa braso niya.
Ako man ay napatingin sa sariling ayos. Wala naman akong nakikitang masama sa suot ko. Ayos nga lang dahil simple lang.
"Bakit po?" tanong ko.
"Bakit ka kas-"
"Chacha?" tawag doon sa may labas. Napatingin naman si Ate doon.
"Oh? Nandiyan na si Ate Lilian mo.. Tama na nga yan! Tara na."
Ako na ang naunang lumabas at sinara muna ni Ate ng maayos ang pintuan.
"Oh? Abigail?" si Ate Lilian. Nagtataka siguro kung bakit ako ang lumabas at hindi si Ate. "Nasaan si Ate mo?"
"Ah.. Nilolock po ang pintuan.."
"Ha? Isasama ka ba niya?"
"Opo.."
"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi niya. Napangiti na lang ako. Well, hindi ko naman kasi siya masisisi. Alam kasi ng mga kaibigan ni Ate na hindi naman ako lumalabas at palagi lang na nasa bahay.
"Isasama mo talaga siya?" tanong ni Ate Lilian pagkalabas ng gate ni Ate.
"Oo, Babs. Gustong sumama e. Once in a blue moon lang kaya hayaan mo na.." ani Ate at ikinawit ang braso niya sa akin. Nauna na kaming sumakay sa likod ng kotse ni Ate.
"Talaga?" si Ate Lilian habang nag dadrive. "Pero maingay dun Abigail."
"Okay lang po, Ate.."
Unang hakbang ko pa lamang papasok ng club ay halos gusto ko ng umuwi. Ang sakit sa tenga ng mga tugtog. Pati puso at kalamnan ko kasabay umuugong sa lakas ng tugtog. Hindi ba nila pweddeng hinaan?
Napapapikit pa nga ako dahil nakakasilaw tuwing tumatama sa mata ko ang ibat' ibang kulay ng ilaw.
Nanatili lang akong nakakapit kay Ate kahit pa na may binabati na siyang mga kakilala niya. Si Ate Lilian naman ay humiwalay na at pumunta sa Pa U shape na sofa na may 9 na taong nakaupo.
Si Ate naman ay kausap ang isang lalaki.. Hindi ko sure e.. Hindi naman sa nagiging judgemental ako pero naka lipstick kasi siya at angat na angat ang kulay green niyang buhok kahit na madilim dito sa loob. Hindi ko rin alam ang pinag uusapan nila dahil hindi ko sila marinig.
Nang matapos silang mag usap ay binalingan naman ako ni Ate. "Okay ka pa?!"
"Ano po?!" sigaw ko na rin dahil hindi kami mag kaintindiham sa lakas ng tugtog.
Mas lalong inilapit ni Ate ang bibig niya sa tenga ko. "Kung ayos ka pa ba?"
"Maingay po!" sagot ko sa tanong niya.
Hindi na ako sinagot ni Ate bagkus ngumiti lang siya at hinalikan ang gilid ng tenga ko.
Nalipat ang tingin ko sa likod ni Ate. Maraming nag sasayaw.. At ng makita ko ang mga suot nila ay tsaka ko lang naintindihan ang sinabi ni Ate kanina sa bahay. Karamihan sa kanila ay naka tight dress din tulad ni Ate, ang iba naman ay labas na halos ang mga kaluluwa.
Napadpad ang tingin ko sa gilid ng dance floor. Isang babae at lalaki na naghahalikan. Nagtagal ang titig ko doon dahil Kulang na lang ay kargahin ng lalaki ang babae sa sobrang lingkis nito. Isang kalabit lang ng lalaki sa damit ng babae, panigurado ay matatanggal at malalaglag na ito.
Natanggal ang tingin ko doon ng bigla akong hinatak ni Ate. Umiling lang si Ate at dinala na ako sa lamesang pinuntahan ni Ate Lilian. Inilagay ko pa muna ang iilang buhok ko sa likod ng aking tenga.
"Ganyan talaga dito!" sabi ni Ate malapit sa tenga ko. Napatango na lang ako. "Huwag mo na lang tignan!"
Ito ata yung sinasabi ni Cita sa akin na may invisible bedroom daw ang mga ganitong lugar. Ngayon alam ko na, dahil kahit saan ka tumingin parang nasa sariling kwarto nila sila. Kung magyapusan ay ganun na lang. Madalas kasing nag kukwento si Cita sa akin tungkol sa mga lakad niya sa ganitong lugar. Kung ano yung mga ginagawa niya ay kinukwento niya rin. May kwento pa nga siya sa akin na nakipag make out na daw siya sa isang Daks. Hindi ko naman siya maintindihan. Wala akong alam sa ganon. Tapos nung tinanong ko kung anong lahi yung Daks ay tinawanan lang niya ako.
Naabutan namin na nagtatawanan ang mga nakaupo sa sofa. Mayroon doon na limang babae at limang lalaki na nagtatawanan. Nang makita nila si Ate ay Magiliw na tumayo ang iba at binati si Ate.
Habang nag babatian sila ay wala naman akong ginawa kundi paglaruan ang aking mga daliri. nakikilala ko ang mga nakaupo doon. Sila ang madadalas kong naabutan sa bahay na kasama ni Ate mag aral. Ngayon ko na lang ulit sila nakita at muka na silang mga successful na tao. Nakakatuwa.
Nanliit ang mata ko ng napadpad ito sa isang lalaking may kaakbay na babae at halos mag halikan. Kung hindi ako nagkakamali ay si Sir Matias ito. Namumungay pa ang mga mata niya habang kausap ang babae. Nakalapag ang hawak niyang baso na may alak sa hita ng babae na naka black tube.
"Bruha ka ang tagal mo!" rinig kong sigaw nila kay Ate.
Ilang saglit pa silang nag usap ay pinaupo na nila kami. Umurong pa si Ate Lilian para lang makaupo kami ni Ate.
"Sinama mo si Abigail?" tanong nung isang lalaki. Sa pagkakaalala ko ay si Kuya Ean.
"Gustong sumama e! Nabobored na ata sa bahay!" sagot ni Ate.
"Konti na lang matangkad ka na sa Ate mo!"
Tipid naman akong ngumiti sa kanila. Nakakaramdam na ako ng hiya. Pag sa bahay kasi hindi ko naman sila pinapansin, tapos ngayon andito ako sa kasama sila.
"Anong gusto mong inumin?" tanong naman ni Ate Lilian.
"Kahit ano po okay lang sa akin.."
Nung isang beses kasi ay nakatikim na
rin ako ng alak. Pinag tripan ako ni Ate. Binigyan niya ako ng baso at sinabi niya na nestea ang laman pero empi naman pala.
May sinenyasan si Ate at may lumapit na naka uniporme na lalaki. May dalang bilog na tray at nag lapag ng tatlog maliliit na baso sa harap namin.
"Okay lang na Vodka?" tanong ni Ate Lilian. Ngumiti lang ako bilang sagot. Nakakahiya naman kung mamimili pa ako. At isa pa, hindi ko rin naman alam ang iinumin.. wala akong ideya.
"Iinom ka?" bulong ni Ate sa akin.
"Okay lang po ba?" maingat na tanong ko. Mariin akong tinitigan ni Ate. Para bang may hindi siya nakuha sa sinagot ko. "Gusto ko lang po'ng subukan.." sabi ko kahit wala naman siyang sinabi.
Tumaas ang isang kilay ni Ate. Ilang sandali pa niya akong tinitigan bago pumayag. "Sige..pero kaunti muna ha? Hindi ka pa sanay."
Napakagat ako ng labi dahil sa narinig. Hindi ko alam pero natuwa ako sa sinabi ni Ate.
Kinuha ni Ate ang baso na nasa harap niya.. Ginaya ko naman iyon. Kinuha ko rin ang akin.. Hindi pa muna ininom ni Ate iyon dahil kinausap siya ni Ate Eljay.
Ginalaw ko ang nakasabit na lemon sa baso at bahagya itong inamoy. Napatango ako. Okay naman ang amoy. Naamoy ko yung lemon.
Nang makita kong tinungga ni Ate ang baso ay mabilis ko itong ginaya. Madiin akong napapikit dahil sa lasa.. Mapait.. Pero masarap.. Parang natikman ko na nga ito noon. Parang ito yung nasa tumblr ni Cita.
"Ahhy!" hindi mapigilang sabi ko dahil sa ininom. Nilapag ko na ang baso. Pero parang may pakiramdam akong may nakatingin sa akin. Nilibot ko ang paningin ko pero wala naman akong nakita. Mga tao lang na busy sa kakasayaw.
Napabaling ang tingin ko sa mga kasama sa sofa. Si Ate at Ate Eljay ay nagtitinginan sa cellphone nila habang yung iba naman ay nag uusap. Si Kuya Ean ay tumayo na at pumuntang dancefloor. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Matias.
Wala na yung babaeng kasama niya kanina. Naka number 4 lang siya ng upo at naninigarilyo. Siguro naramdaman niyang nakatingin ako sa kanya kaya napatingin din siya sa akin. Ngumiti ako ng konti sa kanya pero umiling lang siya at nag iwas ng tingin.
Napakunot naman ang noo ko. Bakit siya umiling? Ang weird.
Naka apat na ata akong baso ng makaramdam ako ng pagka ihi. Nagpaalam ako kay Ate na mag ccr. Gusto pa niya akong samahan pero sinabi kong kaya ko naman. Tinuro na lang niya kung nasaan ito.
Napapa headbang pa ako habang nag lalakad dahil sa tugtog. Napaangat ang tingin ko. May second floor pala dito? Napapasbay na ako sa kanta..
"B.I.G yeah, we BANG like this.." nangyari naman na alam ko yung tugtog.
"Bang bang-Ahhh!" halos malaglag ang puso ko ng may humablot sa akin.
Jusko po!
"Rogerr?!" tawag ko sa kanya.
Nakatitig lang siya. Mariin at seryoso. Yung tingin na parang may nagawa kang kasalanan at parating na yung galit niya.
Kinabahan naman ako.
Hinila niya ako papuntang gilid. Ngunit nanatili lang ang madilim niyang mukha.
Ano ba to?
Galit na naman ba siya?