Maaga akong ginising ni Ate, para makapag paalam siya na aalis. Lunes na kasi ngayon, kaya Alas singko pa lang ng umaga ay aalis na siya. Ako naman, pag kaalis ni Ate, ay hindi na rin ako nakabalik sa pagtulog ko. Hanggang sa mag ala siyete na ng umaga ay nanatili lang akong nakatulala sa kisame.
"Uy, may nakarating na chismis sa akin, kahapon." bulong sa akin ni Cita, habang nag tuturo yung Prof. namin sa harap.
Inirapan ko siya at hindi na lang pinansin. Pero walang epekto sa kanya iyon at nag patuloy lang sa pag bulong.
"Kaya pala ah.." nangingiti pa siya. "Iniwan mo ako mag isa sa mall."
Hindi ko napigilan na lingunin siya. Tinignan ko siya ng masama. "Ano bang sinasabi mo?"
Umiwas siya ng tingin at ngumisi. "Ano ka ba.. Okay lang sa akin, isusuport pa nga kita." sabi niya pa na lalong nagpa kunot ng noo ko.
Nababaliw na naman ba si Cita? Ano na naman kaya ang nakain nito? At ganito na naman ang utak nito? Nadadamay na naman ako.
"Ewan ko sayo.." irap na sabi ko. Pinilit ko na lang ang sarili ko na mag focus sa sinasabi ng Prof. sa harap. Kahit pa napakahirap nun dahil parang bubuyog si Cita sa gilid ko at kung ano ano ang sinasabi. Naiinis ako dahil sumasabay talaga siya sa pag sasalita ng tao sa harap. Nahihirapan akong makapag focus, sabay kasi silang nagsasalita.
Mas naiintindihan ko pa nga siya kaysa sa tinuturo ng professor.
Hanggang sa makarating kami sa canteen ay hindi ako tinantanan ni Cita. Kung ano ano pa rin ang sinasabi niya. Nakaupo na kami at kumakain pero hindi pa rin mawala sa muka niya yung nakakainis na ngiti niya.
"Hindi ko alam na may ganyan ka pa lang side.." Aniya. At binaba sa lamesa ang basong hawak niya. "Nasa loob pala ang kulo mo."
Doon na ako hindi nakatiis. Tinignan ko siya ng masama. "Ano ba talagang gusto mong sabihin, Cita?" kanina pa kasi siya. At kahit na anong pasensya sa kanya ay nabuburyo na ang tenga ko sa bunganga niya.
Ngumiti naman siya ng nakakaloko at mapang asar na tinignan ako pabalik. "May nakarating lang na balita sa akin.."
"Ano ba kasi yun? Bak--"
"May ka date ka daw nung sunday.. Kaya pala.."
"Anong date ang pinagsasasabi mo, Cita?" kunot noong tanong ko. Saan ba galing ang balita na sinasabi niya?
"May ka date ka daw e.. Pulis daw.."
"A..no? Anong date?" nung una ay wala akong ka ide-ideya kung ano ba ang sinasabi niya, pero nung pagkasabi niya ng pulis ay agad kong nakuha ito.
Si Rogerr.
"Si Rogerr?" tanong ko.
Tumangatango naman siya. "So, inaamin mo na?"
"Anong aaminin ko? Hindi naman date iyon.. Nagkita lang naman kami sa mall."
"Abi! Consider na na date iyon!"
"Ano?" lito kong tanong
"Babae at lalaki na mag kasamang kumain at maglakad sa mall, ay consider na date iyon!"
"Date agad? Hindi ba pwedeng mag kaibigan lang?"
Tumaas naman ang kilay niya. "So.. Mag kaibigan na kayo, ngayon?"
Huminga ako ng malalim muna at pinilit kumalma. Dahil sa totoo lang hindi ko na alam ang isasagot ko sa kanya.
"Oh? Ano yang paghinga na yan?" natatawa niya pang sabi.
"Magkaibigan lang naman kami ni Rogerr,Cita. Huwag mong lagyan ng malisya.."
"Anong malisya? I did'nt put anything no. What i meant was, bakit ka sumama sa kanya kahapon? Samantalang ako, halos lumuhod na ako sa harap mo para lang samahan mo ako." napatigil siya sandali. "Hmm.. Ngayon, nacucurious tuloy ako kung anong ginawa niya sayo, at ganun ka kabilis sumama sa kanya kahapon."
"Huwag mo ngang bigyan ng meaning ang lahat, Cita." sabi ko. Dahil wala naman talagang meaning yun. Masyado lang marumi ang laman ng ulo ni Cita. Hindi naman kami nag kausap ni Rogerr, na magkita sa mall. Nagkita lang kami doon. Hindi sinasadya no. At wala naman kamimg ginagawang masama, na mapagkakamalang date agad ang nangyari kahapon.
"Sige.. mag deny ka pa, Abi."
"Anong idedeny ko, Cita? Wala naman.."
"Bakit namumula ka ngayon?" aniya na humalakhak pa.
Wala sa sariling napahawak ako sa mukha ko. Namumula ako?
"Haay.. nako.. Aminin mo na kasi.. Gusto mo si Rogerr."
"Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Seryoso ka? Nagkasama lang kami kahapon, gusto ko na agad siya?"
Nagkibit balikat lang siya at nilagay sa bibig ang kamay at sinara ito na parang zipper.
----
"Oh ano? Galit ka pa rin?" natatawang sabi ni Cita habang palakad kami palabas ng school.
Hindi ko kasi siya pinapansin kanina pa. Simula nung matapos kaming kumain kanina. Naiinis kasi ako sa kanya. Kung ano ano ang nilalagay niya sa utak ko. Sa mga sinasabi niya.. Imbes na wala akong isipin e, nagkakaroon. At lalong nakakagalit, dahil hindi naman totoo yun.
"Wala naman akong sinabing masama ah?" painosente pa siya. Nauuna na akong maglakad. Nasa likod ko.
"Tsaka bakit ka naman magagalit, sabi mo nga hindi naman totoo yung sinasabi ko diba? Bakit ka naman maiinis?"
Hindi ko pa rin siya pinansin. Ang ganda ng gising ko kaninang umaga, pero heto na naman to, nag aasar.
"Huy!"
Patuloy ako sa paglalakad pero natigil lang dahil sinundot niya ako sa tagiliran.
"Huy, Abi!"
"Pancita, ano ba?!" hiyaw ko dahil sa sobrang asar.
Nakita ko siyang gulat ang mukha pero nandon pa rin ang ngiti. "Sumigaw ka?"
"Tigilan mo na kasi yang mga sinasabi mo, hindi na nakakatawa."
"Bakit mo kasi dinidibdib? Biro ko lang naman iyon! Tsaka, huwag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko!"
"Huwag mo na rin kasi akong sabihan ng kung ano- ano."
"Napaka defensive mo naman, Abi.." aniya. Magsasalita na sana ako ngunit nag salita pa siya ulit. "Oh! Ayan na pala yung, Crush mo!" sabay nguso niya sa may likod.
Mabilis naman akong napalingon sa likod ko. Nakita ko si Rogerr. Naglalakad palapit sa amin. Naka uniform na siya ng pang pulis.
At talaga nga namang bagay sa kanya iyon. Tama lang sa sukat ng katawan niya. Napaka linis niyang tignan sa uniform.. At the same time, ang sexy niya. Tama lang sa hubog ng katawan niya ang uniform, kaya talagang makikita mo ang kagandahan ng katawan niya.
Pulis ba talaga siya? O model lang siya ng uniform nila?
Ang hot niya!
"Ang hot niya!" nanggigigil na bulong ni Cita sa gilid ko. Napalunok ako.
Mahina naman akong binangga ni Cita sa balikat.
"Hindi daw niya gusto.. Pero kung makatitig naman, ayaw ng lubayan.."
Mabilis kong tinapunan ng masamang tingin si Cita.
"Oh ano?" nakangusong wika ni Cita. "Titigan mo yung leeg, baka may pawis."
"Cita-"
"Hi, Rogerr!" iwas niya sa akin at mabilis na sinalubong si Rogerr.
Pumikit ko saglit para pakalmahin ang sarili ko. Dahil baka kung ano ano na naman ang sabihin nito.
"Bakit ka nandito? May case kayo ulit dito?"
Narinig kong tanong ni Cita. Muli na akong humarap sa kanila at nakita nakasabit si Cita sa braso ni Rogerr. Napaiwas ako ng tingin.
"Wala naman." sagot ni Rogerr.
"Bakit nandito ka?" si Cita. Na nakatitig kay Rogerr.
Napaiwas lang ako ng tingin ng tumitig sa akin si Rogerr. Bakit nga ba siya nandito?
"Susunduin mo ulit si Abi?" tanong ni Cita.
"Oo." mabilis na sagot ni Rogerr. "Pinapasundo ka ni Chacha."
"Hmm.. Bakit daw po?" tanong ko. nakita kong kumunot ang noo niya. Nagtataka siguro siya kung bakit na naman may 'po' yung sentence ko. Kaharap namin si Cita. Panigurado tutuksuhin na naman ako ng kaibigan ko pag nagkataon.
"Kay Cita na lang po ako sasabay." sabi ko. Tinignan ko pa si Cita para humingi ng tulong. "Diba Cita, may pupuntahan pa tayo?" ngumiti pa ako habang binabalaan siya.
Tumaas ang kilay ni Rogerr habang tinitignan kaming dalawang magkaibigan.
"Ha? May lakad tayo?" si Cita. Jusko po! Bakit ba napaka slow nito? Hindi ba talaga niya makuha? Ayaw kong sumama kay Rogerr.. Bakit hindi niya ma gets?
"Meron! Diba?" giit ko pa. Pinandidilatan ko na siya pero, hindi pa rin talaga niya makuha.
"Wala naman tayong gala today, Abi.. Ako lang, my date kasi ako ngayon." ani Cita. "Pero kung gusto mo talagang sumama, pwede naman, Makipag date na lang tayo."
Napangisi ako ng peke. "Hehe.." nagpipigil ng pagkaasar dahil sa kaibigan kong slow na nga, pahamak pa. Mamaya lang to sa akin..
"Makikipag date ka?" mariin na boses ni Rogerr. Napatingin ako sa kanya. Bakit parang pakiramdam ko may nagawa na naman akong hindi maganda sa kanya?
"Oo nga.. Makikipag date ka, Abi?" patong pa ni Cita, na hindi naman nakakatulong sa akin ngayon.
"H..hindi.. ano.. Ahm.." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mapalunok ako bigla. Bumara ang laway sa lalamunan dahil sa kasinungalingan. Jusko po!
"Oh! Hindi naman pala e!" si Cita. Hindi ba nararamdaman ni Cita yung paghihirap ko ngayon? At ginagatungan pa niya.
"Sige na Abi.. Mauuna na ako. Malilate na ako sa lakad KO." ani ni Cita at kuinuha ang libro niya na hawak ko. "Oh, basta ha! Huwag mong kalimutan tignan ang leeg, baka pawis na." tinitigan ko lang si Cita habang paalis sa harapan ko.
"Ayaw mo pa ba umuwi?" tanong ni Rogerr kaya ako napabaling sa kanya. Lumapit pa siya sa akin bahagya at narinig ko na naman ang boses ni Cita sa utak ko.
'Oh, basta ha! Huwag mong kalimutan tignan ang leeg, baka pawis na.'
Wala sa sariling napatingin naman ako sa leeg ni Rogerr. Maputi at makinis ang leeg niya. At ang sexy pala tignan ng adams apple niya. Lalaking lalaki.. Nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya para matitigan ng mas maayos iyon, para better view ba.
At tama nga si Cita.. may konting pawis nga ito.. Pwede ko kayang punasan? Pwede naman siguro no..
"Charlene."
Napabalikwas ako bigla sa pagkatulala ko. "Uyy!" nakangiting bati ko sa kanya. Ang awkward, Shiit! Ano bang ginagawa ko? Seryoso? Tititigan mo dito? Sa gitna ng parking lot ng school? Madaming tao!
"Okay ka lang?" tanong niya.
Mabilis naman kong tumango. "Oo naman.. Okay na okay.."
Kahit pa ngayon na nagdadrive na si Rogerr, papuntang bahay namin sy hindi ko pa rin maialis ang tingin ko sa leeg niya.
Ang sexy pala ng leeg ni Rogerr. Everytime na lulunok siya ay napapalunok din ako. Napaka manly at sexy ng way ng paglunok niya. Pakiramdam ko nasasama ako sa paglunok niya.
"Charlene."
Hindi ko alam ang reason ni Cita, bakit pinapatignan niya ang leeg ni Rogerr sa akin pero, hindi naman ako nag sisisi na sinunod ko siya. Nakikita ko na rin ang mga malilit na buhok sa ilalim ng baba niya. Mapapansin mo lang iyon pag tinitigan siya ng mabuti, tulad ng ginagawa ko ngayon.
"Charlene Abigail.."
Oh, ayan! Gumalaw na naman yung Adams apple niya. Pakiramdam ko nawawala na ako sa sarili..
"Ay! Jusko po!" gulat na hiyaw ko ng biglang pumalakpak si Rogerr malapit sa mukha ko.
"Ano ba? Bakit nanggugulat ka naman?" napahawak pa ako sa pisngi ko.
"Kanina ka pa kasi wala sa sarili mo, gutom ka na ba?"
"Ha? Hindi.."
"Kanina mo pa ako tinititigan.. I mean, yung leeg ko." aniya at bahagyang tumigil ang sasakyan dahil nasa stop light kami.
Nanlalaking mata na tumanggi ako. "Ha? Hindi kita tinitignan no.. Ano.. Nakatingin ako sa.. sa ano.. sa.. sa nakasulat diyan sa uniform mo."
Ngumisi naman siya. "Okay sige.. Sabi mo.." ang pogi niyang sabi.
"Totoo naman po, e.."
"Oo na nga.. Charlene."