Pagkatapos namin kumain ay dumiretso sa sala ang parents ni Rogerr, kaya sumunod din kami. Nandon lahat sila. May nakalagay pa ngang kasoy nuts sa ibabaw ng maliit na lamesa sa gitna. May kasama din iyon na polvoron at orange juice. Umupo kami sa mahabang kahoy na upuan doon. Katabi namin si Lucky at yung isa pang lalaki na hindi ko alam ang pangalan. "Gusto mo?" tanong ni Lucky at inaabot sa akin yung kasoy nuts na nasa kamay niya. Agad akong umiling. "Hindi naman marumi yung kamay ko, malinis 'to!" react niya. "Wala naman akong sinasabi na marumi yung kamay mo.. Ayaw ko lang talaga ng nuts." paliwanag ko. Ngumuso naman siya. Napangiti ako ng biglang lumabas yung dimples niya. "Ano yan?" tanong ni Rogerr bigla kaya napalingon ako sa kanya. "Binibigyan ko lang ng kasoy nu