Happy anniversary!" masayang bati ko kay Rogerr ng araw na yun. Sinundo niya kasi ako ngayon sa bahay dahil may date kami. Biruin mo yun, umabot kami ng isang taon! Ang saya lang! Ang strong pala namin.. "I love you.. happy anniversary.." bati niya din at hinalikan ako saglit sa labi. "I love you too." sabi ko din at niyakap siya ng napaka higpit. Sa isang taon namin, hindi naman perpekto. May mga away pero mabilis naman naaayos. Tampuhan na hindi naman mawawala sa relasyon. Masasabi ko na masaya ako ngayon. Kumpleto yung pakiramdam ko. Wala na akong mahihiling pa. Well.. meron.. Sana pumasa ako at makagraduate. Ngayon kasi ay kasalukuyan akong gumagawa ng thesis ko. At next month na yung schedule para sa graduation. At ngayon nga ay date namin, parang rest day ko na rin dahil sa