"Kakilala mo rin pala si Mr. Villanuevo?" tanong ko kay Ate ng matapos kaming makapang hugas ng mga plato. Sila Cita kasama niya yung mga Pulis dun sa sala. Ako tinulungan ko na lang si Ate.
Naupo muna ako doon sa upuan habang si Ate nag simula namang punasan ang lamesa.
"Oo. Diba nga kaklase ko si Dylan, si Matias naman yung pinsan niya naging kaklase ko rin."
"Nung college ka, Pakalat kalat ka?" sabi ko habang nakapalungbaba sa kanya.
Natawa siya. "Oo. Kailangan e. Wala akong choice kundi maging irreg noon kasi wala kang kasama dito sa bahay. Kaya lahat ng subjects. ko non kasabay rin nung pasok mo nung elementary ka para sabay tayong uuwi."
Napangiti naman ako. "Salamat, Ate.." alam kong napakahirap para kay Ate yung iadjust niya yung buhay niya sa kung paano ako nabubuhay noon. Palagi ko siyang kasama nun wala ata akong maisip na hindi ako nasamahan ni Ate. Pwera lang siguro nung minsan na iniwan niya ako kay Ate Ningning nung nag umpisa na siyang mag ojt.
Ginantihan naman ako ng ngiti ni Ate. "You're welcome, bunso." aniya at hinalikan ako sa buhok. At umupo sa tabi ko.
"Alam mo ba naging crush ko kaya yan si Dylan dati." natatawang sabi niya.
"Dati?"
"Oo. Dati pa yun, una kong kita sa kanya yung hindi ko pa alam yung edad niya." muli siyang tumawa. "Saglit lang yun e. Tapos nung nakilala ko na siya, naging magkapatid na lang yung tutringan namin. Gwapo naman kasi diba?"
Nagkibit balikat ako. Well..
"Ate, ano ba?!" napalakas ang boses ko nung bigla niya akong tinulak gamit ang siko niya. Nung tignan ko siya, nakangiti pa siya ng nakakaloko.
"Ikaw ba, hindi mo nakacrushan si Dylan?"
Inirapan ko siya. "Hindi, Ate."
"Tama nga si Cita.." tinitigan ko siya. "Boring ka nga.."
"Alam mo, pwede ka naman magkaroon ng crush, pwede ka nga mag boyfriend e, hindi naman kita pinag babawalan diba?" ani Ate.
Umiling ako. "Ayoko pa, Ate."
"Si Cita nga nakailan na-"
"Paramihan ba dapat yun, Te?"
"Hindi naman. Pero nagtataka lang ako, ang outgoing ni Cita, tapos di ka niya nahahawaan?"
Nag kibit balikat na lang ako. May times naman na nahahawaan din ako ni Cita. Pero kilala ko kasi ang sarili ko at pakiramdam ko nahihilo ako pag ginagawa yung mga gawa ni Cita. Ang dami niya masyadong ginagawa.
"Tsaka si Matias, gwapo rin diba? Gwapo nilang mag pinsan." panay na sabi ni Ate.
Nagtaka naman ako. Mag pinsan?
"Mag pinsan sila Rogerr at Mr. Villanuevo?"
Tumango si Ate. "Oo. Ang hot nila no?" napalakpak pa na sabi ni Ate. "Tsaka bakit ba ang pormal ng tawag mo kay Matias?"
"Pulis kasi siya, Ate. paggalang.."
"Eh bakit si Dylan, hindi ba pulis?" aniya. "Rogerr lang tawag mo sa kanya."
Napaiwas naman ako ng tingin. Hindi ko naman kasi alam kung anong itatawag ko dun. Tsaka ni tignan nga yun di ako makatagal e. Nasanay na rin ako na Rogerr ang itawag dahil yun yung tumatak sa isipan ko nung nagpakilala siya.
"Villanuevo rin siya. Tsaka Dylan na lang itawag mo dun sa tao, nakaka ano kasi yung Rogerr.." natatawang sabi ni Ate.
"Ay nako tara na! Puntahan na natin sila dun.. Baka hinaharass na ni Cita ang mga yun."
"Edi ikulong mo! Tinatakot mo pa ko!"
Hindi naman kasi ganun kalakihan ang bahay namin kaya rinig na rinig na namin yung bunganga ni Cita habang palapit kami sa sala.
Nang nasa sala na kami nakita namin si Cita nakatayo, nag aamok.
"Akala mo naman natatakot ako sayo!"
"Uy, ano bang nangyayare?" si Ate.
"Eh ayan kasi, Te!" turo ni Cita kay Mr. Villanuevo na nakaupo at chill na chill lang sa sofa. "Inuumpisahan na naman ako, ayaw akong tigilan e!"
"Nagtatanong lang naman ako, Miss." napatingin ako kay Matias ulit. "Nagagalit ka kaagad."
"Paanong hindi ako magagalit nakakaasar yang mukha mo! Pati yang mga pinag sasasabi mo!"
"Bakit? Ano bang sinasabi niya?" tanong ko. Galit na galit si Cita nararamdaman ko. Parang may hindi talaga siya nagustuhan. Nakita ko namang natigilan si Cita at napansin kong napangiti si Matias.
"Tinatanong ko lang naman---"
"Shut up!!" biglang ni Cita. "Shut up! Shut up!"
"Napapano ka ba, Cita!?" si Ate na pinipigilan si Cita.
"Cita kumalma ka nga.." hinawakan ko na si Cita.
"Tumahimik ka ha!" sigaw ulit ni Cita sa lalaki. Nakangisi naman yung dalawa. Si Matias at Rogerr.
Pinag tutulungan ba nila si Cita?
"Tumahimik kang gago ka!" hinawakan ko si Cita nang akmang susugurin niya yung lalaki. "Cita.."
Tumayo naman si Mr. Villanuevo. Nakangiti. Parang wala lang sa kanya na nanggagagalaiti na sa kanya si Cita. Muka pa siyang satisfied sa mga nangyayari. "Yes, Miss. Tatahimik na po." anito at kinindatan pa si Cita na lalong nag pagalit dito.
"Gago ka talaga!" at bigla na lang umalis si Cita. Hahabulin ko sana siya ng pigilan ako ni Rogerr.
"Ano ba?"ani ko.
"Where do you think you're going?"
"Susundan ko si Cita.." sagot ko pero hinde niya ako sinagot na pero nanatili lang na hawak niya yung kamay ko. Pilit ko yung inaalis pero masyado siyang mahigpit ang kapit nun.
"Thank you sa Dinner, Chacha.. Alis na ko." tumango naman si Ate at binalingan naman niya si Rogerr. "Bok.. hanapin ko lang.." aniya at tinanguan din ako.
"Sige. Susunod na lang ako, may kakausapin lang."
"Bitawan mo na nga ako.." tinignan ko siyang galit na nakatingin na naman sa akin.
"Pwede ko ba siyang makausap saglit, Chacha?" tanong niya kay Ate. Nagtaka naman si Ate. At lumapit sa amin.
"Ha? Ano bang pag uusapan niyo?"
"Tungkol sa nangyari kanina sa school."
"Okay. Sige." napailing si Ate. "Anyway. Pasensya na sa nangyari kanina kay Cita."
"No it's fine. Let's go." ani nito at nag lakad na palayo. habang hawak ako.
"Wait, san kayo pupunta?" habol ni Ate.
"Outside. Don't worry, ibabalik ko siya."
"Okay.."
Mabilis kaming nakalabas ng gate ng bahay at buong lakas ko na siyang tinulak para lang makawala ako sa hawak niya nung nasa harap na kami ng covered court.
"Ayokong makipag usap sayo!"
Natigilan siya. Para siyang nagulat sa sinabi ko pero napangiti ng kaunti. Namamangha ang mukha niya.
"Oh bakit?" tanong ko pa.
Ngumisi siya ilang sandali at umiling. "So, marunong ka pa lang sumigaw?"
Natigilan ako. Sumigaw ba ako? Sinigawan ko siya?
"Ano ngayon?" mahinahon na ulit na sabi ko.
Hindi siya sumagot at nagpatuloy lang sa pagtitig sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Bakit ba ganito to? Lagi na alng galit yung mga mata niya. Masyado atang nakaka stress yung buhay ng isang pulis kaya siguro ganito ito.
Nang ilang sandali pa siyang nakatitig sa akin at hindi pa rin nag sasalita ay nag desisiyon na akong umalis. Pero muli nanaman niya akong hinawakan sa braso ko.
"Ano kasi? Inaantok na ako."
"Mag iingat ka lagi." biglang sa sabi niya.
Napakunot ang noo ko. "Ha?"
"We found out na ikaw ang sadya ng suspek sa school niyo nung araw na yun."
"What?"
"Ikaw ang sadya ng suspect." ulit niya na siyang nagpatayo ng mga balahibo ko.
Pero.. Tinignan ko ang muka niya. Napaka seryoso. Totoo?
"Ako? Ba-bakit ako?"
"Well, connected pa rin ito dun sa nangyari sa atin compound." seryosong sabi niya. Naglabas pa siya ng isang picture na lalaki na duguan ang muka. Saglit ko lamang tinignan iyon. Dahil natatakot ako.
"Siya yung kasabwat nung lalaki sa pagsaksak sa prof. niyo." ani nito. Muli niyang nilagay sa bulsa niya yung picture. "Nahuli namin siya kanina. At nang tinanong namin siya tungkol sa kaso lumalabas na may balak silang kunin ka. Ikaw talaga ang target nila."
Napasinghap ako.
Hindi kinakaya ng utak ko yung mga sinsabi niya. Biglang nanginig ang mga kalamnan ko dahil sa takot. Ako? Kikidnapin? s**t. Anong meron? Bakit? May nagawa ba akong mali sa kanila?
"A..ano? Pero bakit a-ko?" naluluhang tanong ko. "Wala naman akong pera.. Walang pera si Ate.. Bakit ako?"
"The suspect likes you. A lot. At sinabi rin nang nahuli namin na matagal ka na nilang minamatyagan. Matagal ka na daw gusto ng kasama niya. Sa tingin ko may balak silang.."
Tuluyan nang nanaig ang takot sa katawan ko. May balak silang.. Ang tahimik kong buhay ay hinde pala ganun katahimik. Dahil lang sa isang pag kakamali at akala? Nanganganib pa ngayon at kaligtasan ko. Pakiramdam ko matutunaw na ako sa mga nalalaman ko ngayon.
Napatakip ako ng muka ko.
"Don't worry. Sinabi ko ito sayo para alam mo ang mga nangyayari. At naglagay na rin kami ng maraming tauhan sa eskwelahan niyo para mag bantay."
Ibinigay niya sa akin yung cellphone niya. Nagtaka naman ako doon.
"Ano..yan?"
"Ilagay mo diyan ang number mo."
Hindi na ako nag tanong ng kung ano pa. Madali kong tinayp ang numero ko doon.
Pakiramadam ko humiwalay na yung kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa mga narinig ko.
"Huwag ka munang pupunta sa kung saan saan kung hindi naman importante. Pwede mo rin akong itext kung saan ka pupunta para alam ko."
"Okay po.."
"Obserbahan ang paligid."
Tumango ako.
"Mag ingat ka. Kahit sa school niya. Huwag kang hihiwalay kay Cita."
Tumango ako.
"Always reply to my texts."
"Hmmm?"
Nag iwas naman siya ng tingin pero mabilis din bumalik. "Nothing. Ihahatid na kita.."
"Okay.."