"Totoo ba, Charlene?" agad na tanong ni Ate sa akin pagkatapos ipaalam sa kanya ni Rogerr yung tungkol sa akin. Maingat niyang hinawakan ang braso ko at iniharap ako sa kanya.
Nakita ko naman sa mukha ni Ate ang naramdaman ko kanina.
Takot. At pag aalala.
Sa tingin ko nga mas matindi pa ang nakikita ko sa kanya kaysa sa naging reaksyon ko kanina.
Sa totoo lang, nung sinabi ni Rogerr sa akin iyon kanina ay natakot ako syempre.
Sobrang takot.
Na gusto kong sarilinin. Ayokong may makaalam pa na iba, ayokong maramdaman nila yung takot na ramdam ko ngayon. Tsaka isa pa, hindi pa naman ganun kasigurado na magagawa nga sa akin yun ng adik na yun, kung masasaktan ba niya ako o hindi. Kahit papaano ay nabawasan ang takot sa dibdib ko ng sabihin ni Rogerr na gagawin nila ang lahat para mahuli iyon. Tsaka nakakaawa na rin ang pamilya ni Sir Diaz, pag hindi pa rin nahuli ang adik at kriminal na iyon.
Tinignan ko si Rogerr na naakupo sa kabilang sofa bago tumango kay Ate.
"Ano?!" napahawak pa siya sa dibdib. "P-paano? k..kailan pa to? Bakit ngayon niyo lang sinabi sa akin?!" sinubukan kong hawakan si Ate para pakalamahin. "Ate.. sandali lang.."
Tinabig niya ang kamay ko. "Sandali!" aniya. "Tumigil ka, Charlene Abigail!" napatayo pa siya at binalingan si Rogerr.
"Kailan pa to? at ngayon niyo lang sinabi sa akin to? Tsaka anong kinalaman ni Charlene diyan sa pagkamatay ng isang professor? At bakit siya kikidnapin?!"
"Cha.. Listen." si Rogerr na napatayo na rin. Huminga muna ng malalim bago ulit balingan si Ate. "May gusto yung suspect kay Charlene a-"
Naguguluhan na napatingin sa akin ni Ate. "Ano?!"
Napapikit ako sa lakas ng sigaw ni Ate. Napalingon ako kay Rogerr ng makitang parang galit na naman ang titig niya.
Nakakalito na rin minsan.
"Cha, try to relax. We're doing everyt--"
"Seryoso Dylan?" agap ni Ate. "Relax?! Pag katapos mong sabihin sa akin na may gustong kumidnap sa kapatid ko? Relax? Seryoso ka talaga?"
"Ate.."
"Ano?!" ako naman ang binalingan niya. "Isa ka pa! May nangyayari na palang ganito sayo hindi mo man lang sinasabi? Kailan lang sinabi mong hinabol kayo ng adik, tapos ngayon ibabalita niyo sa akin na may balak ang lalaking yun na kidnapin ka! Tapos sasabihin niyo sa akin ngayon, relax?! Putangina lang!" nanggigil na sabi Ate.
"Ate.." tawag ko sa kanya.
"Ate ka ng Ate, anong sasabihin mo?!"
"H-huwag kang sumigaw Ate.."
"Bwisit kang bata ka!" bulyaw niya. "Anong gusto mo, maging kalmado ako? May banta sa buhay mo, Charlene! Tapos pag sigaw lang ipagbabawal mo pa! Godbless you po!"
Napapikit ako saglit. Hindi ko alam kung ano pa ba ang sasabihin ko na hindi ko mapipindot yung inis ni Ate.
"Cha.." si Rogerr. "Ako ang may hawak ng kaso na ito. Ako ang bahala sa kapatid mo. Hindi siya mapapahamak, pangako."
"Sige. Ilang araw sa tingin mo ang kailangan mo para mahuli ang kriminal na yun?" sabi ni ate na kahit papaano ay kumalma na.
"Two days." mabilis na sagot nito. Napatango naman si Ate at binalingan ako.
"Two days kang hindi papasok sa eskwelahan niyo."
"Ate?"
"Makakalabas ka lang ng bahay na ito pag nahuli na nila ang kriminal na iyon."
"Pero Ate.. hindi ako pwedeng umabsent.. malapit na yung exam nam-"
"Wala akong pakielam. Hindi ka rin pwedeng mawala sa akin, Charlene Abigail." matapang na wika ni Ate. Pero tumatagos sa puso ko yung takot niya. Hindi man siya lumuluha gamit ang mga mata niya pero sa loob loob niya, oo.
"Sige na Dylan umuwi ka na. Magpapahinga na kami ng kapatid ko."
Hindi naman na kumontra si Rogerr at tumango na lang ito. Gagalaw sana ako para ihatid siya sa may pinto ngunit nag presinta na rin si Ate.
"Ako na ang mag hahatid sa kanya sa labas. Umakyat ka na sa kwarto mo, mag pahinga ka na."
Pagka akyat ko sa kwarto ko ay nag hilamos lang ako at umupo na sa kama ko. Hindi kasi ako mapakali. Hindi ako pinuntahan ni Ate sa kwarto.
Nandoon pa kaya sila sa labas?
Hindi ko alam kiung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon. Amg simple at taimik lang naman ng buhay ko, tapos biglang may ganito na.
Hindi ko naman masisisi si Ate sa desisyon niyang hindi ko papasukin sa school. Ginagawa niya lang ang responsibilidad niya bilang Ate ko. Ang ingatan ako.
Nakaka guilty nga kasi, siya na nga itong nagpapakahirap para sa aming dalawa tapos binibigyan ko pa siya ng ganitong problema.
Napaangat ako ng tingin sa pinto ng bumukas iyon.
Si Ate. Napatayo ako.
"Ate.."
Napansin kong namumula ang mata at ilong niya. Bakas na umiyak siya.
"Ate.." nilapitan ko siya. Marahan niyang hinaplos niya ang mukha ko. Pinilit niyang ngumiti kahit na naiiyak na. Umiling siya.
"Hindi ako papasok bukas. Babantayan kita.. Sasamahan kita sa school niyo, at kakausapin ko rin si Dean."
"Ate.. hindi naman kailangan.. Okay lang sa akin na hindi muna ako papasok ng school." nakitang nagliwanag ang mga mata ni Ate. Nakahinga siya ng maluwag.
Nabunutan siya ng bubog.
Kahit naman hindi ako pumayag kanina, alam ko naman na kaligtasan ko lang ang gusto niya kaya hindi ko siya kayang suwayin. Mahal niya ako kaya niya ito ginagawa.
"Ang sabi sa akin ni Dylan kanina.." nangingiyak na si Ate. "Nakalapit na daw sa iyo yung kriminal na iyon nung isang araw.."
"Ha? Hindi ko alam Ate." nagulantang ako.
Hindi ko matandaan na may lumapit sa akin na ibang tao bukod sa mga kakilala ko sa school.
"Hindi mo man lang ba namumukaan yung lalaki?"
Umiling ako. Hindi ko alam ang muka noon dahil nung minsan na nakita ko siya marumi ang muka niya maraming bahid ng dugo. Hindi ko matandaan.
"Hindi ko alam kung anong hitsura nung lalaking iyon Ate."
Muling ngumiti si Ate sa akin. "Sige na. Alam kong kailangan mong magpahinga. Huwag kang matakot okay? Nandito lang si Ate palagi." hindi ko na napigilan ang mapaluha dahil sa sinabi ni Ate.
"Mahal na mahal kita bunso." aniya at hinalikan ako sa aking buhok.
"I love you too, Ate"
Pagkasarado ni Ate ng pinto ay saglit pa akong natulala. Ipinag dasal ko na sana matapos na ito ng mawala na ang pag aalala namin.
Napatingin ako sa cellphone ko ng umilaw iyon. Kinuha ko iyon at humiga na.
Unknown #: How are you? -Dylan Rogerr Villanuevo.
Napakunot sandali ang noo ko. Pero agad na naalala na binigay ko nga pala kanina sa kanya yung number ko.
Agad kong nag type ng irereply
me :Ayos naman.
Kinuha ko na yung kumot ko. Sabay sa pag ilaw muli ng cp ko.
Unknown #: Alright. Don't worry about your safety. I'm in control.
Napahinga ako ng malalim. Sa totoo lang kanina talaga natatakot ako. Pero nung nasabi niya kanina kay Ate ang lahat nabawasan iyong takot ko. Wala kasi akong lakas ng loob na masabi kay Ate yun. Hindi ko alam kung kakayanin makita yung magiging reaksyon niya. Pasalamat na lang na nag presinta si Rogerr.
me : Salamat nga pala sa pagsasabi kay Ate kanina. Hindi ko kasi kayang gawin iyon.
Pagka send ko nun ay agad ko ng pinangalanan siya sa phone book ko. Wala pang ilang segundo ay nakatanggap muli ako ng reply.
Rogerr : you're welcome. It's my job though. Matulog ka na. May operation akong pupuntahan. Goodnight.
Pagkatapos kong mabasa iyon ay saglit pa akong natulala.
Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko siyang replyan ng 'ingat' kaso naisip ko na baka sobra naman yun. I mean, kasi diba.. Trabaho naman niya yun.. at sanay naman siya sa mga operasyon. Im sure wala naman mangyayari sa kanya don.. Ah basta!
Ipinatong ko na lang ang cp ko sa table at hindi na nag reply.