Kabanata 10

1841 Words
Lunes ngayon, at kagigising ko lang. 6:30 na ng umaga pero nakahiga pa rin ako sa kama ko. Maaga ako nagising dahil sa totoo lang hindi naman ako gaano nakatulog. Tsaka nagising din ako kalagitnaan ng tulog ko ng maramdaman ko si Ate na tumabi sa akin. Nung tinanong ko siya kung bakit siya nandito sa kwarto, hindi naman niya ako sinagot at nginitian lang ako. Tapos pagkagising ko ng mga 4:00 wala na siya sa tabi ko. Lumipat na siguro. Biglang sumagi sa isip ko si Cita. Naalala ko yung nangyari kagabi. Napabangon ako ng wala sa oras. Agad kong hinanap yung cell phone ko. Tinawagan ko siya. Nakalimutan ko siyang tawagan kagabi. Jusko! Nakaka tulala naman kasi yung mga nalaman ko kagabi kaya, hindi ko na naalala yung kaibigan ko. Mag isa lang siyang umuwi. Sa totoo lang nag tataka na ako kung ano ba talaga yung nangyari sa kanya? Bakit galit na galit siya kay Mr. Villanuevo. Alam mo yung galit na labas ang ugat? Ganun kasi si Cita kagabi. "Hello, Cita?" sabi ko ng sinagot na niya ang tawag. Tahimik lang ang linya ni Cita. "Cita?" ulit ko pa. "Sino ba to?" inaantok pa na sabi niya. Kagigising niya lang? Hindi ba may pasok kami ng 7? 6:48 am na a? "Si Abigail to. Wala ka pa sa school?" "Wala pa.." "Bakit? Diba may class tayo ng 7:00 am? Hindi ka papasok?" "Hmm.. hindi e.. Ano ba, umusog ka nga!" "Ha? Anong umusog, Cita?" narinig kong may kumakaluskos pa sa linya niya. Tinignan ko ang cellphone ko at muling binalik sa aking tenga. "Abigail, mamaya na nga tayo mag usap sa school! Sandali lang kasi!" "Cita hindi ako makakapasok!" habol na sigaw bago pa niya ako mababaan ng telepono. "Ha? Bakit?" tanong niya. "Kasi m--" "City.." biglang namilog ang mga mata ko. Boses ng lalaki yun a! "Cita, may kasama ka ba?" agad na tanong ko kahit may hinala na ako kanina pa. "Epal ka talaga kahit kailan! Tumahimik ka nga muna sandali, kausap ko si Abi!" may narinig pa ako ng tunog ng hampas at malakas na tawa ng lalaki sa background. "Hello! Abi? Text na lang kita later!" "Cita.." habol ko pa sana sa kanya kaso tumunog na ang cellphone hudyat na pinatay na niya ang linya. Nanatiling nakanganga ako sa kawalan. Hindi ako makapaniwala. Kagigising lang ni Cita. Tapos.. may kasama siyang iba sa paggising niya? Boses ng lalaki.. Mabilis akong nag send ng messaage para kay Cita. me:May kasama kang lalaki sa bahay mo?? Mag isa lang kasi si Cita sa bahay nila. Wala na siyang parents bata pa lang siya mga 5 siya nung nawala ang mga ito. Wala rin siyang kapatid. Nag karoon naman siya ng Guardian si Ate Ningning. Si Ate ning din ang nag asikaso nung mga pera ni Cita at yung isang restaurant na pag mamay ari ng parents ni Cita na sa kanya napunta ng mawala ito. Mabait si Ate ning kaso nag asawa na rin ito, at nasa abroad na ngayon kaya ibinalik na niya kay Cita ang lahat ng naiwan ng magulang nito. Nasa tamang edad naman na si Cita at kaya nang asikasuhin ang sarili niya, kaya pumayag na rin siya. Pero sa narinig ko kanina parang mali e. Nasa bahay niya ba siya o wala? Kung nasa bahay niya siya, bakit siya nag papapasok ng ibang tao don? At kung wala naman siya don sa bahay niya, nasaan siya? Bakit pa din siya may kasamang lalaki!? Halos mapalundag ako ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa non si Ate na nagmamadali at sumisigaw na tinatawag ako. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. "Charlene!!" "Ate.." "Nahuli na nila yung suspek!" "Ha?" gulat na sabi ko. "Tumawag sa akin si Dylan. Nahuli na daw nila yung suspek!" napayakap pa si Ate sa akin sa sobrang saya. "Pa-ano?" "Hindi ko alam pero, mag pasalamat na lang tayo Charlene! Safe ka na!" Tumango ako. Tama si Ate. Mag pasalamat na lang ako kay Rogerr. Ang bilis niyang nahuli! I mean, alam ko naman na hindi lang siya ang kumilos para mahuli ito pero salamat pa rin sa kanya. "Iniexpect ko nga two days kasi sabi niya diba two days?" naiiyak na sabi ni Ate. "Tapos kaninang 3:00 am nag text siya na pwede ka nang papasukin na sa school dahil nahuli na nga yung suspect. Ngayon ko lang nabasa dahil ngayon ko lang na charge yung phone ko. Thanks, God!" "Pwede ka ng pumasok sa school, Charlene! Maligo ka na.." "Opo Ate.." naiiyak na sabi ko. Niyakap ko pa ng isang beses si Ate. "Sige na.." ani ni Ate hanang nag pupunas ng luha. "Ako din, mag aasikaso na sa pag pasok. Ihahatid kita sa school mo.." Pagkalabas ni Ate ay agad kong tinext si Rogerr para mag pasalamat. Simpleng pasasalamat lang para sa kabutihan na ginawa niya para sa akin, sa amin ni Ate. Pero naisip ko na hindi ata sapat yung text. Kaya tawag na lang. Paunang pasasalamat pa lang naman ito. Dahil sa totoo lang hindi ko malalaman na nangamganib na pala ang buhay ko kung hindi nila inungkat yung kaso ni Prof. Diaz. Ilang ring lang ay sinagot niya na rin ito. Bakit ako kinakabahan? Kanina hindi naman ah. Mag papasalamat ka lang, Abi! Ano ba? Huwag kang kabahan. 'Sa-la-mat' yun lang ang sasabihin mo. "He-hello?" kinakabahang bungad ko. Ilang sandali pang tahimik sa kabilang linya. Tinignan ko ang telepono ko. Naka green naman? "He..llo.." "Charlene." Bahagya pa akong napalundag nang mag salita siya. "An..o Rogerr?" "Bakit ka napatawag?" aniya may naririnig pa akong nag uusap at nagtatawanan sa background niya. "Gus.. gusto ko lang mag..pasalamat sa-" "Mamaya na tayo mag usap, Charlene." putol niya sa sasabihin ko. "Marami akong ginagawa ngayon." "Sorry, sorry.." mabilis na sabi ko. s**t. Bakit hindi ko naisip na na baka nga busy siya? Charlene naman! Kinagat ko ang aking hintuturo. Pulis siya! Talagang busy siya! "Ibaba mo na. May ginagawa kasi ako ngayon." "Okay.." dahan dahan kong inilagay sa hita ang telepono bago ko pinatay ang tawag. Habang nagbibihis ako ay naisip ko na ano kayang pwedeng gawin para naman kahit papaano may maibigay naman ako kay Rogerr. Pasasalamat lang dahil nahuli na nila yung suspect. Pwede naman kasing mag request na lang ako kay Ate na mag luto siya at mag pa dinner na lang. Napalingon ako nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Iniluwa noon si Cita. Suot pa rin nito ang damit niya kagabi. "Anong nangyari sayo?" tanong ko ng napansin na punit ang damit niya sa parteng balikat. Crop top na nga yung damit niya punit pa sa balikat? "Wala yan.." sabi lang nito sa akin. "Pwede ba ako maki ligo? Makikihiram na rin ako ng damit mo." Nanlilit na mata ko siyang tinignan. Nararamdaman kong parang may mali sa kanya. "Cita.." tawag ko sa kanya pero hindi siya makatingin sa akin. Binubukas - sara niya lang yung zipper ng shoulder bag niya. "Sino yung kasama mo kanina?" tanong ko. Nakita kong natigilan siya sa ginagawa niya. Pero agad din siyang nakabawi sa tanong ko. "Makikiligo ako ha? Palagay muna." aniya tsaka nilagay ang bag sa ibabaw ng kama ko at mabilis na pumasok sa cr. Napailing na lang ako. may hindi siya sinasabi sa akin. Habang papunta kami sa school ay patuloy ko pa ring hinuhusgahan si Cita gamit ang aking titig. Tahimik lang naman siya habang nag mamaneho. Umiiwas. Hindi na ako naihatid ni Ate sa school dahil nauna na siya doon. Kakausapin ang Dean. Nagpahintay kasi si Cita. kanina at may oras naman na binigay si Dean kay Ate kaya nauna na siya. Tsaka tiwala na rin siguro siya na dahil nahuli na ang suspect ay balik na sa normal ang buhay ko. "May hindi ka sinasabi sa akin." bintang ko sa kanya ng papalpit na kami sa classroom. Tinignan niya lang ako ng mabilis at nginitian. Nanlaki ang mata ko. "Sabi ko na nga e.." "Ang galing mo talaga no? Kahit nagulat ka na, malumanay pa rin." sabi niya. "Sabihin mo, sino yung lalaking kasama mo kaninang umaga?" sabi ko hindi pinansin ang sinabi niya. "Basta nga, hindi pa naman kasi kami.." "Hindi pa kayo? Pero kasama mo na matulog?" Natigilan siya. "Ano.. Na..natulog lang naman kami.." "Tapos?" alam ko may kasunod pa yun. Kahit naman wala pa akong nagiging karelasyon ay may alam ako kahit papaano. Sa mga kwento niya akin simula elementary na pag boboyfriend niya ay nagkalaman na ang utak ko tungkol doon. "Ano.. nag.. nag kiss lang.. ganon.." Nanliit ang mata ko sa sinabi niya. "Eh bakit punit yung damit mo kanina?" "Ganun talaga! Sabik sa akin yung kupal e!" "Sinong kupal?" "Si Sir--" natigilan siya. Napatingin sa akin. "Abigail nga! Tantanan mo nga ako!" inis na sabi niya bago ako hinila papasok ng class room. Sayang naman.. Muntikan na niyang masabi kung sino yung kasama niya. Hindi naman ako galit kay Cita o ano, na cucurious lang. Pero kasi dati pag may manliligaw pa lang siya pinapakilala na niya sa akin e. Tapos ngayon, miski pangalan ayaw niyang sabihin. Nakakapag taka lang naman. "Bakit kasi ayaw mong sabihin?" tanong ko pa ulit kay Cita. Nandito na kasi kami ngayon sa canteen. Tinignan niya ako ng masama. "Bakit parang ang hyper mo ata ngayon? Anong meron Abi? Tapos ang daldal mo pa!" "Eh kasi nga nacucurious ako.. Tsaka bakit ayaw mong sabihin? May asawa ba yan?" Napasimangot naman ako ng humagalpak siya ng tawa niya. Akala ko pa naman magiging effective yung sinabi ko. Yung magagalit siya tapos magpapaliwanag. Tapos hindi ako maniniwala, para sabihin na niya na kung sino. "Siraulo ka talaga, Abi!" sabi niya. "Ayaw kong sabihin sayo kasi nireready ko pa siya. Besides, kailan lang ba kami nagkakilala? Wala pang one week." Napasimangot ako. "Wala pa kayong one week na nagkakakilala tapos natulog na kayo agad ng magkatabi?" "Hmm.. basta... Kahit ano naman ang mangyari, alam mo naman naman na ikaw ang una kong ipapakilala sa kanya. Ikaw lang naman kaibigan ko." Magsasalita pa sana ako kaso biglang nag ring ang phone ko. Nanliit ang mata ko ng makita ko kung sino ang tumatawag. Si Rogerr? Bakit? Akala ko busy siya? Nagka problema nanaman ba? "Sino yan?" tanong ni Cita. "Si..Rogerr.." ipinakita ko sa kanya ang phone ko. "Oh? Sagutin mo na, baka importante." aniya at sinubo ang siomai sa harap. "Hello po.." bati ko Narinig kong tumikhim siya sa kabilang linya. "Nasaan ka ngayon?" "Ah, nasa canteen po kami ni Cita, kumakain." sagot ko. May problema nanaman ba? "Rogerr?" ani ko ng matagal na siyang hindi pa nagsasalita. "Okay." "Ha? Anong okay po?" "I mean, anong oras ang uwi mo today?" "Mga 5 po ng hapon. Bakit?" "Ako ang susundo sayo. Bilin ni Cha-cha." "Pero ihahatid po ako ni Cita.. Hin-" "I'll be there at 5. Bye." Nagtataka akong napatingin sa cellphone. Seryoso? Binabaan ako? "Ano daw sabi?" si Cita. "Susunduin daw niya ako." kibit balikat na sabi ko. "Baka tungkol pa rin yan sa kaso." "Ewan ko.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD