Kabanata 11

1470 Words
"Oh, ano na? Hihintayin mo siya?" tanong sa akin ni Cita nang matapos yung klase namin. Tinext ko naman si Ate para tanungin tungkol doon pero hindi naman siya nag rereply. Kaya hindi ako sigurado. Pero kung iisipin, malapit siya kay Ate, may posibilidad nga na nakiusap si Ate sa kanya. Tumango ako bilang sagot sa tanong ni Cita. "Samahan mo na lang ako mag hintay sa kanya.." "Sige.. Tsaka, gusto ko rin naman siyang makita." nakangiting sabi niya. "Bakit naman?" "Gusto ko lang siyang makita, bakit?" "Pero may boyfriend ka na diba?" tanong ko. "oh,e, ano naman? Porket may lalaki ako, bawal na ba mag ka gusto sa iba?" mataray pang sabi niya sa akin. Parang hindi niya narerealize yung mga sinasabi niya. "Cita, ang landi mo.." "Ay, nag comeback na si Mother Abigail?" "Ewan ko sayo.." nauna na akong naglakad palabas ng room. Ang dami pang sinasabi ni Cita pero wala naman akong maintindihan. Nasa iba pa yung focus ko ngayon. Sa may Guard house ako nag hintay. 4:47 pm pa lang naman. Gusto ko sanang bumili ng fishball sa labas kaso huwag na lang. Sa bahay na lang ako kakain. Napansin ko na tahimik si Cita sa gilid ko. Nakita ko naman na may ka text siya at pangiti ngiti pa. Masama man pero, bahagya akong sumilip sa cell phone niya. Sorry, Lord! 'Kung gusto mo wala akong damit mamaya e.' halos lumuwa yung mata ko dahil sa nabasa ko. Jusko po! Nag type naman ng reply si Cita. 'Sige. Ako na lang ang volunteer na maging dessert xoxo' Jusko po! Ang dumi dumi naman ng cellphone ni Cita. Parang gusto kong babaran ng zonrox yung mga mata ko dahil sa nabasa ko. Jusko po! Nag reply na yung katext niya pero nahuli na niya ako na sumisilip. "Magka kuliti ka sana diyan, Abi." aniya. "Sino ba kasi yan?" pilit ko pa rin. "Basta nga!" "Ang damot mo naman.." Napatingin siya sa akin bago tinigil ang pag tetext. "Anong madamot? sinasabi mo diyan?" "Ayaw mong sabihin kung sino yang ka text mo.." "Hindi naman sa ayaw kong sabihin sayo. Sasabihin ko sayo kung sino siya, pero, hindi pa lang ngayon. Gets mo?" "Kahit pa.." nag iwas na lang ako ng tingin para kunwari nag tatampo ako. Pero keri na rin kahit paano. Baka hindi pa lang siya handa na sabihin. Huwag ko na lang pilitin. "Eh, ikaw? Gusto mo ba si Rogerr?" Mabilis akong napabaling sa kanya. "Anong pinagsasasabi mo diyan?" nakasimangot na ako. Ano bang naiisip neto bakit kung ano ano yung nabubuo sa utak niya? "Tinatanong ko lang naman, Abi. Masyado kang obvious!" "Anong obvious? Hindi no.." "Hindi daw.. Pero namumula na siya.." "Tigilan mo nga ako, Cita! Hindi ko nga siya gusto!" "Oh bakit sumisigaw ka?" napahalakhak pa siya. Habang ako naman ay hindi na maayos ang mukha. "Masyado kang defensive, Abi." Inirapan ko siya. "Hindi ko nga siya Gusto! Bwisit ka!" Naaasar talaga ako. Hindi ko gusto si Rogerr. Hindi talaga! Tsaka kakakilala ko pa lang naman don sa tao. Ni hindi ko pa nga alam ang buong pag katao niya, pano ko naman yun magugustuhan? "Omg? Sinabi mo talaga yung bwisit?" gulat na mukhang sabi niya. Hinampas ko siya sa braso niya. "Aray ko! Abi?" patuloy pa rin siyang tumatawa at hindi ko alam kung bakit! At naaasar ko dahil don! Umusog ako ng upuan malayo sa kanya. "Hoy!" natatawa pa rin niyang sabi. "Umusog ka nga rito! Napaka mo.. Oo na nga.. Hindi mo na siya gusto!" "Ewan ko sayo!" Naaasar ako na naririnig ko pa yung tawa niya. Dahil wala namang nakakatawa! Sa mga dumadaan na sasakyan na lang ako tumingin.. Ano ba kasing meron bakit niya naisip yun? Napaka imbentor talaga ni Cita. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako sa tagiliran pero hindi ko pa rin siya pinansin. Tapos tumatawa pa rin siya? Nakakaasar na yung tawa niya! "Sorry na.. Abi.." pero bakit tumatawa pa rin siya? "Tumigil ka na nga sa katatawa mo!" Bahagya pa siyang nagulat bago pinigilan ang pagtawa niya. "Sorry.. Ngayon lang kasi kita nakitang napikon.. tapos nag sabi ka pa ng 'bwisit' parang sa haba ng pagkakaibigan natin, yun na ata yung pinaka bad na nasabi mo. Tsaka binibiro lang naman kita.." Hindi ko siya sinagot at patuloy lang na sinimangutan. Naasar pa rin ako sa kanya. "Hindi mo na gusto si Rogerr-" "Hindi naman kasi talaga e!" Tatawa sana siya ngunit tinapunan ko ng masamang tingin. Tumango lang siya at nag iwas ng tingin. Inirapan ko naman siya. "Oh! Andiyan na pala yung gusto mo.. Este! Sundo mo pala.." aniya sabay turo dun sa papasok ng gate. Swear! Masakit na yung mata ko kakairap kay Cita. Tapos hindi pa rin niya napapansin na asar ako sa kanya? "Hi!" bati sa amin ni Rogerr. Tumayo naman si Cita. "Hi! Kumusta ka na?" nakangiting tanong ni Cita. Tatanungin ng kumusta na? Samantalang kagabi lang naman kami huling nagkita kita. "Ayos lang." sagot naman ni Rogerr at binalingan na ako. Nag iwas ako ng tingin. "Tapos na class niyo?" Tumango ako habang nakayuko. "Bad mood kasi yan, Rogerr! Alam mo na.." si Cita. Binalingan ko siya ulit. "Oh.. Oh.. Mauuna na ako ha? Baka masugatan na ako sa talim ng tingin nung isa diyan.." walanghiya na wika ni Cita bago nagmartsa paalis. Huminga muna ako ng malalim bago tumayo. Nakita ko pa ang nagtataka na muka ni Rogerr. Dahil sa sinabi siguro ni Cita. "Tara na?" si Rogerr at iginaya na ako palabas. Habang nasa sasakyan kami ni Rogerr ay patuloy pa rin ang pang aasar ni Cita gamit ang text. Sa sobrang asar ko sa kanya ay blinock ko yung number niya. Hmp! Bahala siya sa buhay niya. Ayaw niya akong tigilan ah? "Kumusta yung school?" napalingon ako kay Rogerr ng magsalita ito. Pinakalma ko muna yung sarili ko. Stress pa ako kay Cita. "Okay lang naman po.." sagot ko habang nakatingin sa labas. "Wala namang nangyari na kakaiba?" Umiling lang ako. "Gusto mo munang kumain?" "Sa bahay na lang po.." "Sabi kasi ni Chacha, pakainin muna kita dahil malilate daw siya ng uwi." aniya at tinigil na ang sasakyan sa tapat ng fastfood. "Okay lang ba na dito tayo kumain?" tanong niya at kinuha yung susi. "Sa bahay na lang po.. Mag..luluto na lang ako.." pilit ko pa. Pero lumabas na siya ng kotse niya. Anong gagawin ko? Siya na rin yung nagbukas ng pinto sa side ko. Nakakahiya naman kasi na kumain kasama siya. Ang iniisip ko kasi naka budget na yung pera ko. Kailangan kong pagkasiyahin yung pera ko hanggang matapos itong month na to. Nang makahanap na siya ng upuan ay siya na ang nag presinta na Umorder. Sinulyapan ko siya habang naka pila siya sa counter. Napanguso ako. Ang tangkad niya pala. Kinukumpara ko siya sa mga kasama niyang pumila. Angat na angat yung tangkad at hitsura niya. Gwapo. Physique pa niya. Gosh! Ito yata yung sinasabi ni Cita na 'Yummy buds!' kasi hindi siya mataba, pero hindi rin siya payat. Nagtataka lang ako, bakit hindi ko pa siya nakikitang naka uniporme na pang police? Ano kayang hitsura niya pag naka uniporme? Naiimagine ko kasi yung mga nakikita ko sa Tv na mga naka pulis uniform. Gusto ko siyang makita na ganun.. Gosh! Bakit ko ba tinititigan? Kasalanan to ni Cita! Imbes na maaayos yung pag iisip ko, dinumihan niya! Umiling iling ako.. "Are you okay?" napalundag ako ng bigla siyang sumulpot sa gilid ko. Dala dala yung tray na may laman a pagkain. "Ahm.. O..oo naman.. Okay lang ako.." May dala dala siyang burger at fries na nasa bucket at Dalawang rice meal na may sweet and sour pork. Nag umpisa na kaming kumain ng tahimik. Bigla akong nakaramdam ng hiya sa kanya. Kasalanan to ni Cita. "Bakit ka nakangiti?" tanong ko sa kanya nang mapansin na titingin siya sa akin tapos ngingiti. "Gusto ko lang." kibit balikat na sabi niya. Inirapan ko siya. "Sungit mo ata ngayon?" Hindi ko siya sinagot. Nakakaasar naman kasi! Kung pwede ko lang kainin na lahat to pati plato ginawa ko na para matapos agad ako. "Anong pinag uusapan niyo ni Cita kanina?" Mabilis akong nag angat ng tingin sa kanya. s**t? Don't tell me.. Narinig niya kami kanina? May narinig siya? Meron? "Mag kano po yung sa akin?" pag iiba ko sa usapan. Mabilis kong inayos yung gamit ko at inilabas yung wallet ko. Gusto ko na lang umuwi at mag pahinga. Nagtataka niya lang akong tinignan. Wala ata siyang ideya kung anong tinutukoy ko. "Yung share ko sa food, magkano po?" nilabas ko na yung walet ko. "Seryoso ka?" seryosong tanong niya. Pakiramdam ko sa tono niya, galit na naman siya. "Hindi mo ako kailangan bayaran." "Pero nakakahiya po kasi.." "Alright. Just drop the 'po' then quits na tayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD