"Ate, gaano mo kakilala si Rogerr?" tanong ko kay Ate habang nag hahapunan kami. Napatigil siya sa tanong ko.
Naisip ko lang kasi kanina habang kumakain kami sa labas ni Rogerr. Hindi ko pa talaga siya kakilala. Oo, nakakausap ko siya pero bilang tao lang. Yung wala namang koneksyon, dalawang tao lang na nagkakausap. Yun lang.
"Kakilala ko siya." ani ni Ate at sumubo ng pagkain.
Napanguso ako. Hindi naman kasi niya sinagot yung tanong ko. "Alam ko Ate.. Pero.. ibig kong sabihin.. Alam mo ba yung pagkatao niya?"
"Ha? Oo naman.. Kaibigan ko si Rogerr pati yung pinsan niya na si Matias.
Simula college hanggang ngayon. Bakit mo naitanong?"
"Napansin ko lang kasi na masyado mo siyamg pinagkakatiwalaan.."
"Aahh! Yun ba?" aniya "Pinag kakatiwalaan ko talaga siya. Parang kapatid ko na kasi talaga siya. Kaysa pa nga ata kay Cita.."
"Ate naman.." kawawa naman yung kaibigan kong iyon.
"Biro lang. Pero seryoso Charlene, alam mo.. Kung iisipin ko ngayong mabuti, hindi ko rin alam kung bakit tumagal yung pagkakaibigan namin. Dahil sa totoo lang, masyado na kaming busy sa mga career namin ngayon."
"Hindi ba siya masamang tao, Ate?"
"Anong masamang tao?"
Tumigil na ako at hindi nakapag salita. Nakakahiya naman kasi. Siguro nag ooverthink lang ako ngayon talaga. Hindi kasi siya mawaglit sa isip ko simula nung umuwi ako dito sa bahay e. Tapos idagdag mo pa yung naririnig ko yung boses ni Cita sa utak ko.
"Ano ba ang pinagsasasabi mo, Charlene?" kunot noo na si Ate.
Napayuko naman ako. Guilty. Ang dami kasing laman ng utak ko. pakiramdam ko puro hangin na lang.
"Mahiya ka nga sa tao. Aba, ang dami na niyang tinulong sa atin. Mabuti rin siyang kaibigan sa akin. Bakit mo ba naisip yan?" nanliliit na mata na sabi ni Ate. Pakiramdam ko namumutla na ata ako. Oo na alam ko naman kasing mali yung naiisip ko. "Bakit, may ginawa bang masama sayo si Dylan?"
Mabilis akong umiling. "Ate, Wala.."
"Hindi! Sabihin mo ang totoo, huwag kang matakot! Kakampi mo ako. Anong ginawa sayo ni Dylan?!"
Hinawakan ko na siya. "Hindi Ate.. Wala talaga. Promise!" Tinaas ko pa ang left hand ko para patunay.
"Eh, bakit mo tinatanong sa akin yan?"
"Wala lang. Si..guro.. Hindi lang ko sanay sa kanya.." sabi ko ng wala na akong maisip na dahilan.
"Siguro nga.. Wala ka naman kasing ibang kinakausap kung hindi si Cita at ako lang. Palagi kang may sariling mundo. Pero sa totoo lang matagal ka na niyang kilala Charlene. Siguro nga bago lang siya sayo. Pero ikaw, hindi ka na bago sa kanya."
Sa palagay ko sobrang nakakapagod yung araw na to. Pero sa totoo lang, araw araw naman na ito ang ginagawa ko. Maliban lang dun sa kumain kami ni Rogerr. At naiinis ako dahil puro Rogerr na lang ang laman ng isip ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Simula pa kaninang umaga siya na lagi ang laman ng utak ko, ano bang meron?
Kanina nung kumakain kaming dalawa ni Rogerr, sa totoo lang nakakahiya talaga. Dahil hindi naman kami mag kaibigan para mag sabay kumain diba? At para sa akin hindi maganda iyon. At kanina siya pa ang nagbayad ng kinain ko. Kahit kasi anong gawin ko ayaw niyang tanggapin yung bayad ko.
Napapikit ako saglit at biglang naalala yung muka niya habang mag kaharap kami kanina. At yung sinabi niya na i -drop ko na yung 'po' bakit kaya? Bakit ayaw niya sa po? Isa iyong pag papakita ng paggalang. Isa siyang Police at isa lamang akong Civillan, kaya dapat lang naman na isama ko yun sa bawat salitang sasabihin ko pag kausap siya. Hindi ako pumayag sa sinabi niyang yun kaya habang kumakain kami ay sobrang tahimik namin kahit maingay ang paligid. Kaya nung pauwi na kami ay pakiramdam ko nagalit siya.
"Dito na lang po ako.." sabi ko sa kanya nung nasa tapat na kami ng bahay pero nag tuloy tuloy lang siya na para bang hindi ako nag sasalita.
"Lumagpas na po tayo.." ulit ko ulit pero hindi pa rin niya ako pinansin. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa daan. Ano? Bingi.
"Lumagpas na tayo sa bahay namin." sabi ko at maingat niyang tinigil bigla ang sasakyan sabay nag u turn. Tumaas ang kilay ko. Seryoso?
"Lumagpas na pala tayo? Hindi ko namalayan." aniya. Muka naman siyang sarcastic.
kunot ang noo ko habang nakatingin sa tanaw ko ng bahay namin.
"Salamat po.." sabi ko bago bumaba.
"Not counted." iling naman niya.
"Salamat." sabi ko na lang para matapos na.
Ewan ko ba sa kanya bakit parang big deal sa kanya yung pag 'po' ko sa kanya.
"Charlene, ano to si Cita? Hindi ka daw niya matawagan. Blinock mo daw siya?" si Ate. na biglang pumasok sa kwarto ng hindi ko namamalayan. Napaupo ako sa kama ko.
Napapikit ako bigla. Oo nga pala.. Yung isa pa na yun.. Nakalimutan ko na. Kung hindi pa sinabi ni Ate baka nakatulugan ko na yung pag block sa kanya.
"Wala yun te.. Nakulitan lang ako sa kanya kanina.."
"Kausapin mo na nga yun! Ako ng ako yung kinukulit e." napapakamot pa si Ate.
"Sige po.." sinabi ko na lang para tumigil na si Ate. Dahil sa totoo lang masyado ng pagod ako ngayon at ayaw ko nang dumagdag pa si Ate. Nilingon ko yung cp ko sa gilid ng kama ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Wala naman akong balak na iunblock si Cita. Bukas na lang para panibagong araw na.
Buti na lang kamo linggo bukas at wala akong pasok. Sa tingin ko makakapag pahinga ako bukas. Salamat Lord!
Napangiti ako. Excited na ako para bukas.
Wala naman akong pupuntahan pero, yung isipin na makakapag isa ako dito sa bahay, walang kinakausap at walang ingya ay isang napaka gandang bagay na para sa akin.
Sa sobrang pag iisip ay nakatulog ako.
Nagising na lang ako nung nag paaalam na si Ate na aalis na siya papuntang work.
Pikit ang isang mata na tinignan ko ang kuwadradong orasan sa dingding. 6 am pa lang. Nag inat ako ng katawan.
"Haay... Sarap.."
Ang sarap ng tulog ko. Nakaka good mood kaya bumangon ako para makapag handa na nang pagkain. Mahaba haba na araw ang gugugulin ko ngayon. Excited na ako for today!
Habang nag luluto ng itlog ay iniisip ko na yung mga gagawin ko. Nag lista kasi ng mga gagawin ko ngayon araw.
* Mag didilig ng halaman. 6:30
*Maglilinis ng bahay. 7:00
*Mag rereview. 10:00
*Movie marathon. 11:00
*Magbasa ng libro. 1:00
*Linisin ang drawer. 3:00
*Magluto ng Chicken pastel (Ulam namin.) 4:00
*Siyesta. 5:30
Sa ngayon natapos ko na yung mag dilig ng halaman. Pagkatapos kong kumain ay mag papahinga lang ako at mag lilinis na.
Ang babaw ng kaligayahan ko. Pero para sa akin, hindi. Hindi kasi ako kagaya nila Ate at Cita na nahahanap yung kasiyahan pag may kasamang iba.
Ako iba. Gusto ko ako lang mag isa, pero minsan ayokong mag isa.
Minsan lang ako mag karoon ng ganitong araw dahil minsan palagi akong nahahablot ni Cita sa kung saan saan. May mabuti rin pala na naidulot yung pag block ko sa kanya.
Umupo na ako sa sofa pagkatapos ko itong iangat para mawalisan ang ilalim. Nakakapagod pero masaya.
Hanggang sa bigla na lang.. Halos mapatalon ako sa gulat ng kumalampag yung gate namin.
"Abad, Charlene Abigail! Lumabas ka diyan!"
Sinilip ko iyon sa bintana at nakitang si Cita iyon. Nang hina ako bigla. Jusko po! Ano na naman ba ang kailangan niya?
"Abad! Lumabas ka diyan! Alam kong nandiyan ka!"
Umayos ako ng upo sa sofa. Nandito si Cita.. Paano na yung 'to do' list ko? Paano na yung pag babasa ko ng libro?
"Abad!"
Excited pa naman ko ngayong araw na ito para mapag isa at magawa ang mga gusto ko..
"Abigail! Ansakit na ng kamay ko ha!"
paano na...