Kabanata 13

1369 Words
"Ayoko nga lumabas.." paulit ulit na sabi ko kay Cita. Para siyang crab na nakakapit sa akin ngayon. Pinipilit na naman niya kasi akong pumunta ng mall, para lang lakad lakad doon at ayoko ngang sumama sa kanya. May plano na ako ngayong araw na ito at ang pag punta ng mall ay hindi naka lista. "Ano ba naman kasing gagawin mo dito sa bahay niyo? Mag lilinis at kakausapin yung hangin? Nako! Samahan mo na kasi ako ng makalanghap naman ng sariwang hangin yang katawan mo. Para na rin maarawan ka at hindi ganyan na namumutla ka!" Napapikit na ako dahil sa frustration. Ang mga plinano ko kagabi para ngayong araw ay naglaho na. Ang pagbabasa ng paborito kong libro ay natunaw na. Kanina ng sumugod siya rito at nag sisigaw sa may gate ay alam ko na, na ganito ang mangyayari. Minsan iniisip ko kung tama ba na nakipag kaibigan ako kay Cita. Na iistress na rin kasi ako sa kanya minsan. Ang dami niya laging gustong gawin. samantalang ako maupo lang sa harap ng tv ay solve na. "Ayoko talaga Cita.." giit ko pa. "Ayain mo na lang yung boyfriend mo.." "Wala na akong boyfriend!" sigaw niya at binitawan na ang kamay ko at umupo sa gilid ko. Napakunot naman ang noo ko. "Agad?" Tumango siya. "Kaya nga samahan mo ako mag move on!" Nagulantang naman ako. Move on talaga? "Pero kahapon lang naging kayo ng umaga diba? Ano ang imomove on?" "Ano ba? Wala sa tagal yan!" "Pero.. hindi nga kayo nag tagal.. Oras pa lang kayo. Hindi niyo pa nga nabubuo yung 24 hrs." "Basta! Samahan mo na kasi ako! Nabuburyong na talaga ako sa buhay ko!" "Oo na. Huwag ka ng sumigaw.. Magpapaalam lang ako kay Ate.." kukunin ko na sana ng telepono pero nag salita ulit si Cita. "Si Ate nga nag sabi na kulitin daw kita. Siguro alam niya na mabubulok ka ngayong araw dito sa bahay niyo. Tsaka may sinabi rin si Ate kanina na kung ano ano na daw ang pinagsasabi at iniisip mo, kaya ayain daw kita lumabas. Ano ba mga sinasabi mo kay Ate Chacha?" Si Ate talaga. Sinabi pa kay Cita. Hindi ko naman rin sinasadya yung mga nasabi ko kagabi e. Lutang lang siguro ako kahapon kaya ko nasabi iyon. "Wala lang yun.. Sige na mag bibihis na ako.." sabi ko na lang. Knowing Cita, kukulitin nanaman niya ako tungkol don. Pakiramdam ko naubos na kaagad yung energy ko ngayong umaga. "Saan ba kasi tayo?" reklamo ko kay Cita. Kanina pa kasi kami nandito sa mall nakatayo sa gilid ng isang shop pero hindi naman niya sinasabi kung bakit. At nangangawit na rin ako kanina pa. Inayos ko pa saglit yung t-shirt ko na sumabit sa zipper ng bag ko. Nag tshirt lang kasi ako ngayon na may print na mukha ni spiderman. Kulay pula iyon, at tinernuhan ko lang ng itim na maong short at high cut na converse. "Basta nga! Sandali na lang. Parating na daw sila." aniya habang papalit palit ang tingin sa cellphone. Kumunot naman ang noo ko. "Wait.. sinong sila?" napabaling naman siya sa akin. parang natauhan siya. Maya maya ay bumuntong hininga na siya. "Ganito kasi yan, Abi.." nanliliit na yung mata ko. Dahil unang sentence pa lang parang may mali na agad. "May ka blind date kasi ako ngayon.." "Sabi ko na nga e.. Cita naman.. nananahimik ako sa bahay tapos guguluhin mo ako para lang diyan?" "Mag papasama lang sana ako.." "Ayoko.. Diba sabi ko naman sayo delikado yang mga blind date na yan? Tapos ginagawa mo pa rin? Umuwi na tayo.." "Saglit lang naman Abi! Titignan ko lang yung mukha. Pag chaka siya uuwi na tayo." palusot pa niya. Napairap ako. "Eh paano pag gwapo?" tanong ko na nag patahimik sa kanya. Napailing ako. "Uuwi na ako Cita." ani ko. "Umuwi na tayo.." "Ang kj mo Abi.. Sandali lang talaga to! Promise." Hindi na ako nag salita at nagmartsa na lang paalis doon. Tinatawag pa niya ako pero hindi ko na sya pinansin. Naiinis kasi talaga ako. Kung sinabi niya lang na ganito pala yung gagawin niya ngayon edi sana hindi na ako lumabas ng bahay! Samantalang kanina lang sinabi niya na mag momove-on siya dahil wala na yung isa niyang boyfriend, tapos ngayon may ka blind date na agad siya? Ano ba naman yun. Kinansel ko pa yung dapat na mga gagawin ko ngayong araw para lang masamahan siya tapos ganito lang pala. Naasar talaga ako! Habang naglalakad ay nakaramdam ako ng ngalay at pagod sa paa. Sa haba ng pagtayo ko doon kanina at paglalakad ng mabilis. Nag pasiya akong magpahinga muna sa isa sa mga upuan doon yung may puno na plastic lang. Luminga linga ako don. Maraming tao ngayon sa mall. Linggo kasi. May mag boyfriend pa sa may kabilang side na nag hahagikhikan. At sa kabila naman ay mag nanay na kumakain ng cotton kendi. Nagpunas muna ako ng mukha dahil pinagpawisan ako kahit pa naka aircon naman itong mall na to. After nun ay nilabas ko na ang phone ko at may nakita akong mga texts at calls. Hindi ko pinansin dahil sigurado akong galing iyon kay Cita. Mangungulit lang naman yan. Nasilip ko ring alas onse na pala ng umaga. Kailangan ko ng kumain ng lunch. "Papahinga lang ako.." bulong ko sa sarili ko. Bigla akong napangiti ng may makita akong nagtatakbuhan na mga bata. Siguro mga nasa 5 yrs old lang ang mga to. Nadapa pa nga yung isang naka bonet na kulay yellow, mabilis naman siyang dinampot ng Papa niya at hinalikan sa ulo. Sumasaya talaga ang puso ko pag nakakakita ako ng kumpleto at masayang pamilya. Kahit pa hindi ko iyon naranasan ay masaya ako para sa mga nakakranas nun. Ang sabi kasi ni Ate sa akin ay anim na buwan daw nun habang buntis si Mama sa akin ay inatake daw si Papa ng asthma niya at namatay. Si Mama naman pag kapanganak niya sa akin ilang araw lang ang lumipas ay nawala rin. Sabi ni Ate deppressed daw kasi si Mama noon kaya ayun yung kinamatay niya at ilang infections din. Kaya nga siguro napalapit sa amin si Cita dahil parehas kami ng buhay. "Charlene." halos mapatalon ako ng may nag salita sa gilid ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Si Rogerr. "Uy.." nasabi ko lang. "What are you doing here? Bakit mag isa ka?" napaka seryosong sabi niya. para siyang baby na napaka linis tignan. Naka itim siyang v neck shirt at pantalon. Nag papapansin din ang relos niyang silver na mukang sobrang mahal. Napatayo naman ako. "Hello po.." "Sino kasama mo dito?" tanong pa rin niya. Napakamot ako sa kamay ko. Ano bang sasabihin ko? Pag sinabi kong si Cita yung kasama ko baka tanungin niya kung nasaan ito. Syempre ang sagot don may ka blind date. Baka magalit siya pag nalaman niya iyon. Wait.. e ano naman? Tsaka bakit siya magagalit? Tsaka lagi naman siyang galit diba? Anong bago? "Si Cita. May ka blind date kasi siya..nasamahan o lang.." "How 'bout you?" Mabilis akong umiling. "Wala po.. Hindi po ako sumama sa kanya.." depensa ko. Tumaas naman ang isang kilay niya. At napatingin din sa relos niya. After nun yung muka niya hindi ganon kagalit. "Nag lunch ka na?" tanong niya. Lumikot naman ang mata ko. "Hindi pa po. pero.. Pauwi na rin po ako.." "Sabay na tayo mag lunch.." "Ay.. Huwag na po sa-" "Ayaw mo sa akin." sigurado na sabi niya. Kinabahan naman ako. "Hindi naman po sa ganon.." "No. It's okay.." aniya. "Alis na ko." Bigla naman akong nataranta. Pakiramdam ko na offend ko siya. Abi naman! "Wait lang po!" habol ko sa kanya. Mabilis naman siyang lumingon sa akin. "Amm.. Lunch na po tayo.." "No. It's fine. Hindi ako namimilit kung ayaw.." "Hindi po. Okay lang po talaga." sabi ko. "Pero in one condition po.." tinaas ko pa ang hintuturo ko. Nakita ko naman na para siya naguluhan. Wala ka ide- ideya kung ano yung sinabi ko. "Ano yun?" "Ako po yung mag babayad ng lunch natin.." Ilang saglit siyang napatitig sa akin. Hindi ko alam kung nakita ko ba siyang napangiti o guniguni ko lang. "Okay.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD