Kabanata 14

1550 Words
Dumiretso ako sa foodcourt at siya naman ay nakasunod lang sa akin. Nakaka ilang pa nga kanina habang nakasakay kami sa escalator ay nasa likod ko pa rin siya. "Dito ka na umupo.." turo ko sa upuan sa pinaka likod. Tinitigan pa niya ako na parang mali yung sinabi ko. Hindi niya yata alam kung bakit ko sinabi iyon "Mag oorder na ako ng food natin." pakiramdam ko ay aangal pa siya kaya umalis na ako kaagad. Ayoko na kasi ng maraming pagtatalo.. baka kasi humaba pa. Nakalimutan ko pa ngang tanungin kung ano ang gusto niyang pagkain. Ay nako, bahala na. Nag iisip pa ako ng pagkain habang naglalakad. May nadadaanan akong stalls ng mga pizza at fries at marami pa, pero may umagaw sa pang amoy ko. Yung Sizzling sisig. Ang bango naman.. Pumila ako at tamang tama naman na walang pila iyon kaya mabilis lang akong nakakuha. Nag order ako ng dalawang sisig at 2 cup of rice. Ang masarap pa nito ay maanghang pa ang sisig! Maraming sili kaya siguradong nakadagdag iyon sa sarap. Isa ang sisig sa mga paborito ko na pagkain. Ewan ko.. Kahit pa sinasabi ni Ate na hindi naman healthy ang sisig dahil marami daw betchin yung ibang nag luluto, ay gusto ko pa rin iyon. Nabigla ako ng nakarating ako sa lamesa namin. "Ano yan?" tanong ko pagkalapit. Napatitig naman siya. Ang daming food. May pizza at isang platter pa ng spahagetti ng isang fastfood. "Food." kibit balikat na sabi niya. Tumayo siya at maingat na kinuha sa kamay ko yung dala dala ko. Siya na rin yung nag ayos nun sa lamesa. "Upo ka na." aniya. Naupo naman ako. Nakanguso pa ako. Tinignan ko naman siyang habang tinatanggalan ng plastic yung ibabaw ng pizza. Siya na rin yung naghalo ng sphagetti. Sabi ko naman sa kanya na ako ang bibili ng food e. Anong nagyari sa 'okay' niya? "Diba.. sabi ko.. Ako yung mag babayad ng kakainin natin?" Napatigil siya sa paghalo ng sphagetti. "Oo nga." sagot niya "E, ano yan?" tingin ko doon sa mga pizza. "Ikaw naman ang bumili nito diba?" aniya sa sisig. "Dinagdagan ko lang naman.." Hindi na lang ako nag salita at kinuha ko na lang yung binili ko. Siya rin ay nakita ko na kinuha rin ang sisig at agad na sinubo iyon. E mainit iyon kaya nung napapikit siya sa init nun ay hindi ko mapigilan ang matawa. Nakakatawa kasi yung hitsura niya habang pilit na iniihipan iyon sa loob ng bunganga niya, halos mailuwa na niya iyon e. Napatingin naman siya sa akin. "Dapat kasi inihipan mo muna.." nakangiti pa ring sabi ko. Napailing siya at uminom ng tubig. "Nabigla e." "Pwede akong humingi ng isang slice?" tukoy ko sa pizza. Hindi niya ako sinagot bagkus siya na mismo yung nagbigay sa akin. "Salamat po.." sabi ko. "Not counted." mabilis niyang sagot. "Bakit ba ayaw mo sa 'po'?" kuryosong tanong ko. "Hindi naman sa ayaw ko, hindi ko lang gusto pag ginagamit mo sa akin." "Isa kang Police, tapos mas matanda ka pa sa akin, kaya dapa-" "Gusto kitang maging kaibigan, Charlene.. muna.." narinig kong sabi niya. Pero hindi na lang ako sumagot at inumpisahan kainin ng ang pagkain ko. Tutal ay wala lang naman iyon. Kanina pa kasi ako nagugutom. Pakiramdam ko nga lumilipad na ako dahil sa gutom. Mabilis akong nagnakaw ng tingin sa kanya. Pero nakatingin din siya sa akin kaya mabilis akong umiwas. Gusto ko lang naman tignn kung paano siya kumain e. "How are you?" tanong niya. Hindi ko alam kung bakit niya tinatanong iyon pero uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Ayos lang po.." sagot ko. "Kumusta ka na?" ulit niya. Oo nga pala, Not counted yung may 'po'. "Ayos lang.." "Sabi ni Chacha sa akin, may nangyayari daw sayo." Mabilis na nanlaki ang mata ko. Pati sa kanya? May sinabi ba sa kanya si Ate? Bakit ba ang hilig akong i chismis ni Ate? Wala na talaga siyang pinipili na pagsabihan. Ayos lang na sinabi niya iyon kay Cita, pero pati kay Rogerr? "Anong.. may..sinabi sayo si Ate?" "Sinabi na ang weird mo daw." Nakahinga ako ng maluwag. Napainom ako ng tubig ng wala sa oras. Yun lang ba yung sinabi ni Ate? Buti naman. Mas okay ng weird kays-- "At kung ano-anong sinasabi mo." Muntik ko na maibuga yung tubig sa bunganga ko. Jusko po! "And.. Iniisip ni Chacha na, baka na trauma ka daw sa banta sa iyo." Mabilis akong umiling "Ano.. Hindi.. Ano, ayos lang talaga ako. marami lang kasi akong ginawa that day. Kaya siguro maraming hangin ang pumasok sa isip ko, kaya kung ano ano na lang ang nasabi ko kay Ate. Pero okay lang talaga ako." Napatango siya at salamat naman dahil muka naman siyang nakumbinsi. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko at umiwas na lang sa mga tingin niya. Dahil alam ko na marami pang folder sa utak niya na puno ng katanungan. Nalungkot ako bigla ng maubos ko na yung kanin ko. Pero may ulam pa ako.. Iniisip ko pa kung bibili ako ng extra rice.. pero nung nilingon ko yung sisig stall ay mahaba haba na yung pila, kung pipila ako, lalamig na itong sisig. Pero nalingunan ko yung pagkain ni Rogerr.. Hindi naman niya ginagalaw yung kanin niya, pinapapak niya lang yung sisig at kumakain nung siomai. "Rogerr.." tawag ko sa kanya. Kakapalan ko na. Tutal hindi naman niya kinakain. Masasayang lang iyon, kung walang kakain. "Ayaw mo na ng kanin, mo? Pwedeng akin na lang?" "Yes. Sure." mabilis naman niyang sagot at nilapit sa akin ang kanin. Maligaya ko naman na kinuha iyon. "Malakas ka pa lang kumain.." komento niya. Umliling ako. Hindi naman kasi ako malakas kumain. Malakas akong kumain pag gusto ko yung pagkain. Pero pag hindi, kahit isang subo hindi ako titikim. "Pili lang." "What's your favorite food?" "Hmm.. Ito, sisig. Gusto ko rin yung mga siomai, siopao tapos barbeque at chicken carre.." "What's your favorite movie?" "Yung national treasure ni Nicholas Cage. Basta mga sci-fi.." "Favorite drinks?" "Mcfloat." mabilis na sagot ko. Nakangiti pa ako. "Unhealthy." nanliliit na matang komento niya. Napanguso ako. "Alam ko. Pero hindi ko naman siya everyday na iniinom e. Mga 3 times a month lang.." "Still.. Hindi pa rin healthy.." aniya. Alam ko yun. Pero hindi naman ko papapigil sa pag inom nun dahil paborito ko nga "May iba ka pa bang plano ngayong araw?" tanong ni Rogerr. Kakatapos lang namin kumain at nag umpisa na ulit maglakad. Nandito siya sa gilid ko. Iniisip ko pa nga kung uuwi na ba ako. 12:30 pa lang kasi sa relos ko, at medyo nasiyahan na rin ako sa pagpasyal dito sa mall. Tutal nasira na rin naman yung plano ko para ngayong araw e, kaya dapat siguro kahit papaano ay mag enjoy na lang. Umiling ako. "Wala. Dapat kasi nasa bahay lang ako." "Bakit nandito ka?" "Nagpasama lang si Cita sa akin." Napatango naman siya. "Nasaan siya?" "Ewan ko. Diba nga sabi ko kanina, may ka blind date siya ngayon." Nang makakita ako ng bakanteng upuan ay inaya ko siyang maupo roon. Sa may tapat nun ay yung pagawaan ng salamin. "How 'bout you? Hindi ka sumama sa kanya?" tanong niya ng nakaupo na kami. "Makipag date?" tanong ko. Tumango naman siya bilang sagot. "Ayoko kasi ng ganoon. Ayaw ko ng biglaan na date sa isang lalaki na hindi ko pa naman nakikilala.." habang nagsasalita naman ako ay mataman lang siyang nakikinig. "At wala pa naman yan sa isip ko. At kung magkakaroon man, hindi ko pa siguro gugustuhin.." pagkasabi ko non ay narinig kong napatikhim siya at nag iwas ng tingin. Nanliit ang mata ko. Kung alam ko lang, siguro umiiwas lang to na matanong ko siya tungkol sa lovelife niya. Pero syempre hindi ako papayag na makalusot siya. "E, ikaw? May girlfriend ka na?" Ilang segundo siyang hindi nag salita at nakatingin lang sa akin. "Huy!" "Wala.. wala pa.." "Wala pa? Nililigawan kung ganon?" "Wala rin.. Ayaw pa daw niya." "Bakit daw?" tanong ko pa. Nakaka curious kasi. Para sa akin ang interesado talaga ng buhay ng isang lalaki no? Parang kakaiba.. ang daming mysteries. Hindi ko rin maintindihan minsan, pero ang cool kasi pag nag uusap ng seryoso yung mga lalaki. Tulad na lang sa school, minsan yung mga ka blockmates ko na guy, may mga usap sila na hindi ko maintindihan pero at the same time, na aamaze ako. Hindi ko alam kung bakit. Kaya ngayon na kakaka kwentuhan ko si Rogerr, feeling ko ang dami ko nang nalalaman about sa boys. "Hindi pa siya ready." "Parehas pala kami." sabi ko. "Siguro kasi priority rin niya yung pag aaral niya.. Ay! Wait.. Working na ba siya?" Nakangiti siyang umiling. "No. Nag aaral pa siya.." "Iwewait mo pa rin siya, kahit na ganoon?" "Oo naman. Mahal ko siya kaya hihintayin ko siya, kung kailan siya magiging ready. And besides, kahit ano ang mangyari.. Sisiguraduhin ko na sa akin din siya mapupunta sa huli." napalunok ako ng wala sa oras. Nakaka kaba naman. Pakiramdam ko nag babanta yung tono niya. "Eh paano kung, hindi naman pala maging kayo?" pahabol ko pa. "Hindi pwede.." mariin at seryoso niyang sabi. "Hindi ako papayag.." "Ganon?" "Ganon." Napanguso ako at nag iwas na lang ng tingin. Ganon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD