"Goodmorning!" bati ko kay Cita paggising niya. Ako rin ay kanina pa gising pero hindi muma ako lumalabas, dahil gusto kong hintayin magising si Cita para makumusta ko na siya. Kagabi kasi ay umaga na kami nakatulog. Pinakwento ko sa kanya lahat lahat ng nangyayari sa kanya. At nang malaman ko lahat, ay halos hindi ako makapaniwala. Ang bigat na pala ng dinadala niya, hindi pa niya sinasabi sa akin. Kung titignan siya ay okay lang siya, ginagawa ang mga gawain niya. Mall, bar at inaasikaso ang restau niya.. alam ko na na parang may mali kay Cita, pero hindi ko man lang siya tinanong. Nakakaguilty bilang bestfriend niya na hindi ko man lang natutulungan sa problema niya. O hindi kaya mapayuhan man lang. "Goodmorning din!" balik na bati niya habang kinukusot ang namamagang mata. Napan