Mabilis na umuwi sila Chacha at Cita matapos matanggap ang tawag ng kaniyang auntie. Namamawis, kinakabahan at naiiyak na si Chacha habang pauwi sa bahay ng kanyang auntie. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Gusto ng lumabas ng kung anuman mula sa dibdib niya at hindi ito tumitigil sa pagkalabog. Puno ng takot ang kaba. Habang nasa palengke, biglang tumawag ang auntie niya at sinabi lang na kailangan na nilang umuwi agad, dahil may nangyaring hindi maganda kay Abigail. Halos gusto na niyang buhatin ang trisikel para lang makarating agad sa bahay nito. Nang dumating sila sa tapat ng bahay nito ay halos parehas sila ni Cita na hindi alam ang gagawin, ng makita nilang may iilang tao doon sa bahay ng auntie niya na hindi pamilyar. Nagkakagulo. "Ate cha.." si Cita, na naiiyak n