Chapter 58... "ARE YOU OKAY TWIN?" boses nang kaniyang kakambal na hindi niya namalayan ang pagpasok nito sa loob ng kuwarto niya. Hiling-huli siya niXander habang malayo ang tingin niya sa madilim na langit. Nakatayo siya sa bintana habang nakatitig doon. Mabilis naman siyang nagising sa isang malalim na pag-iisip. Dahil nakatagilid siyang nakasandal, humarap siya sa kakambal na may pekeng ngiti sa labi. Ngiting nakalimutan ang lahat nang masasakit na ala-ala, sa ganoon hindi na ito magtanong pa. "Three weeks already Thunder." dagdag na wika pa nito sa kaniya. "Okay lang ako twin, don't worry." malamlam at maikling sagot niya na hindi pa rin inaalis ang pagkakangiti sa labi niya. "Thats good!" gumalaw ito at nagtungo sa nakalapag na hard wine sa table, malapit sa bintana na kinata