Chapter 57... TATLONG LINGGO na lamang ang ay magpapasko na. Gan'on na din katagal sina Sabrina at Gaspar na mamamalagi sa Germany—ang kalibliban ng Almania doon siya dinala ng binata. Up and down ang bahay na sa pagkakaalam niya ay agarang nabili nito nang walang kahirap-hirap. At dahil bukiran iyon, nag-iisang bahay lang nila ang nakatayo doon at trenta'y hakbang naman ang layo ng kapitbahay nila. May nakapalibot din sa gilid bahay nila ng iilang punong Mansanas, halos nga nagkalat iyon sa daan. Siguro normal na iyon sa Germany. Ngayon lamang kase siya nakapnta sa lugar na iyon. Para malibang siya at huwag balutin nang matinding lungkot, madalas siyang nakaupo sa harapan ng bahay nila. Inaabangan ang pagsikat ng araw. Muli naalala niya... Bawal niyang kumustahin si Thunder kay Gasp