Chapter 65... HINAYAAN NI SABRINA'NG paliguan si Hen nang mga katulong ni Ria. Nagstay siya ng sala dahil hanggang ngayon nanginginig pa rin ang dalawang tuhod niya. Halos ayaw nang gumalaw n'on nang makita niyang hinapit ni Thunder ang babaeng kaharap niya. Si Andrea. Hindi na rin siya bata para malaman kung anong meron ang dalawa. At nang mawala sa paningin niya si Hen, habang si Ria ay nasa harapan niya at pinapanood lamang siya. Hindi na niya napigilan ang sarili. Inilabas niya ang luhang gustong umalpas sa dalawang mata. Kanina lang na nasa sasakyan sila, hinayaan niyang tumulo iyon ngunit walang boses. Ngunit nang makaupo siya sa sopa, ramdam niyang para siyang sasabog. Naninikip ang dibdib niya, gusto niyang humiyaw kaya humagulgol siya habang nakapatong ang dalawang palad sa mukh