Chapter 64... DALAWANG ARAW NA ang nakaraan nang magsabi si Thunder kay Attorney. Andrea Folks nang kaniyang nararamdaman. Dalawang araw na ring hindi sila nito nagkikita at nag-uusap, pero laking gulat niya nang tawagan siya nito dahil nagpapatulong ito sa isang bagay. Nakikiusap itong ipag drive niya ito ngayong gabi dahil umuwi ang driver nito sa probinsya dahil magpapasko. Eksakto, wala naman siyang gagawin. Mabilis siyang pumayag sa pakiusap ng dalaga. Mabilis naman sinabi nito kung saan niya ito susunduin nang pumayag siya. Kapwa sila tahimik sa mga oras na iyon sa loob ng sasakyan. Tila ba nakikiramdaman sila kung sino ba ang mauunang magsasalita sa kanila. At siya ang nataya, dahil hindi niya naitis ang nakakabinging katahimikan sa pagitan nilang dalawa ng dalaga. "Puwede b