Chapter 63... MABILIS NA HINAGILAP ni Sabrina ang Information kung saan puwede niyang pagtanungan dahil doon dinadala ang mga batang nawawala. Bawat daanan niyang Sales lady pinagtanungan niya kung saan ba ang daan. Isang Manager na bakla kaagad ang lumapit sa kaniya, hindi naman siya tinarayan nito na 'di tulad nang iba. Mabilis siyang nagpatulong. Inakay naman siya nito at sinamahan pumunta nang information. "Hen at Ria po ang pangalan nila. Mahigit kalahating oras na o hindi lang siguro, at hindi ko din sila makontak." aniya sa kaharap. Taglay pa rin ng katawan niya ang panginginig dahil sa takot. Akmang magsasalita pa sana siya nang tumunog ang kaniyang cellphone. Mabilis niyang sinagot nang makitang si Ria ang nasa kabilang linya. "Ria, nasaan na kayo?" nag aalalang bungad niy