Chapter 55... "MAAWA KA, Gaspar. Kung mahal mo ang isang tao, hindi mo hahayaan na umiyak at masaktan ito. Hindi mo hahayaan na magdusa ito sa isang bagay na ayaw nito." Lumuluhang sabi niya habang nakatingin si kay Gaspar. Baka sakaling matauhan ito sa sinambit niya. Nagawa na nitong nakaibabaw sa katawan na niya. Nakatukod ang magkabilang baraso sa magkabila niyang tagiliran. Wala siyang laban dahil nakatali ang mga kamay niya maging ang mga paa. "Gasssppaaaarrr..." Halos ungol na lamang ang pagkkaarinig niya sa pagtawag ni Thunder sa pangalan ni Gaspar. Alam niyang hirap na hirap na ito sa itsura nito, ngunit pinipilit pa rin nitong magsalita. Lalo na nang makita nitong pasampa nasi Gaspar sa kama. Lalo itong naghumiyaw sa galit. Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman nang kani