Chapter 54... HUMARAP SI SABRINA'NG puno nang luha sa kaniyang magkabilang pisngi. "Nakikiusap ako saiyo Gaspar," bigaks niya, "Maawa ka sa 'kin, sa amin ng asawa ko. Hayaan mo kaming mamuhay ni Thunder nang masaya at walang iniisip na pangamba." lumuluhang pakiusap niya nang makaharap siya kay Gaspar. Ngunit ang naging sagot nito ay tatlong palatak. "Tsk! Tsk! Tsk!" kasabay nang pag -iling nito. Sunod-sunod. "Nakikiusap ako, parang awa mo na. Hayaan mo kami." umiiyak na sambit pa niya. "Come on baby, kanina pa kita hinihintay." malayo sa sagot niya, "Napagod akong kakahanap saiyo, alam mo ba iyon? Tapos nasa ilalim ka lang pala ng kuwarto ninyo." malamlam na pagkakasabi nito. Alam niyang nagkukunware lamang ito. Siya naman ngayon ang umiling. Ngayon paano siya aalapas nang paglab