Chapter 53... "BUMANGON KA DYAN! Tama nga ang kutob ko! Putangina mo, hayop ka!" Isang malakas na boses ang gumising sa mahimbing na pagtulog ni Thunder. Naisubosob pa niya ang puwitan sa utrong nang makita ang mga ilang kalalakihan sa kaniyang harapan at sa gilid ng pintuan ay si Gaspar. Madilim ang mukha nito at handang manakit ang itsura. Paano nito nalaman na dito sila nagtatago ni Sabrina? Walang nanalaytay na takot sa katawan niya kung ano ba ang mangyayare sa kaniya sa mga oras na iyon. Bigla naalala niya ang kaniyang asawa. Wala ito sa kaniyang tabi. Doon, binalot siya nang malakas na kaba, nag iba ang kaniyang mukha at napuno din iyon nang matinding galit. Ayaw niyang isipin na nakuha na nito si Sabrina habang mahimbing na natutulog siya. At kung tama nga ang naglalaro sa