Chapter 52... 5:45 IN THE MORNING. Papikit na sana ang magkabilang mata ni Sabrina. Napigil iyon nang makarinig siya nang isang malakas na putok galing sa labas ng kuwarto. Wala siyang idea kung ano ba iyon, at dahil wala rin naman sa loob niya, inignora na lamang niya iyon habang ang dalawang mata awtomatikong napatitig sa bintanang nakauwang. May kaunting sinag na nanggagaling na doon. Bumaba ang paningin niya sa asawang mahimbing na natutulog sa kaniyang tabi. Napangiti siya. Wala itong pang itaas na damit at tanging nakasuot lamang rito ay boxer short. Pahirapan pa niyang nakunbinsi itong mag suot 'non. Ngunit napilit din niya ito bandang huli. Ngunit may kapalit. Limang minuto pa lamang silang nakakahiga ng kama, pihadong pagod na pagod ito sa itsura dahil iyon ang oras na matap