Chapter 51... "HELLO XANDER. Nice to meeting you again." dinig niyang bati ni Ria kay Xander. Malauwang ang pagkakangiti ni Ria nang batiin nito ang binata pero wala siyang narinig na sagot mula sa kakamabal ng minamahal niya dahilan para magtaas kilay si Ria sa binata nang magsalita ulit ito. "Pst!" mahinang paswit niya kay Ria. Pero malabong marinig nito dahil halos pabilongna lang niyang sabihin iyon. "Huwag kang juicy dyan, hindi ka guwapo." nakaismid na sabi nito sa binata, "Saka may boyfriend ako, uy! Guwapo, macho, at higit sa lahat malaki ang hinaharap na 'di tulad saiyo." Pinagkadiinan pa nito ang huling sinabi kay Xander. Pero nakita niyang walang epekto iyon kay Xander dahil ang mukha nito tila ba wala itong narinig kahit na ba kalahating hakbang lang ang layo nito kay Ria.