Chapter 50... LUMIPAS ANG tatlong araw na magkasama sina Thunder at Sabrina sa isla. Naging tahimik ang kanilang pamumuhay at pagsasama. Lalo nilang nakilala ang bawat isa. At dahil maganda ang liwanag ng buwan, naisipan ni Sabrina'ng magpahangin sa labas nag bahay. Si Thunder naman, nagluluto ng kanilang hapunan. Nagpaalam siya rito at siya naman ay pinayagan. Bukas, matutuloy na din ang pinag-usapan nilang kasal ng binata. Naupo siya sa may hagdan, ilang hakbang ang layo sa may pintuan. Sa lakas ng lagasgas ng tubig, sinasampal naman siya ng malakas na hangin sa mukha. Hinayaan niyang nakapatay ang ilaw sa ganoon tanging buwan lang ang magiging sinag niya para makita ang puting buhanginan sa kaniyang paanan. Tumayo siya, nagpasyang bumaba na lamang para maglakad-lakad. Aminin 'man,