Chapter 49... Thunder's POV. KINAUMAGAHAN, NAGISING na lamang ako na wala na sa tabi ko si Sabrina. Dumako ang paningin ko sa may bintana, naninilim iyon at medyo malakas pa rin ang hangin sa labas. Nakangiting tumagilid ako. Inaalala ang mainit na namagitan sa amin ni Sabrina kingabihan. Kung gaano kami maligaya sa mainit na pinagsaluhan namin nang paulit-ulit. Sabay kami nitong kumain ng hapunan. Tulong din kaming naghugas nang pinagkainan. Magkasabay din kaming naligo nito sa banyo at muli, may mainit na namagitan na naman sa amin. Hindi ko sasayangin ang araw na kasama ko ito. Hanggang't magkasama kami nito sa iisang bubong, lulunurin ko ito nang pagmamahal na may halong pagpapasarap ng katawan. Tumayo na ako sa pagkakahiga. Inalis ko muna ang blanket na nakapatong sa akin. Muli,