Chapter 46... Thunder POV... BUMILING AKO sa aking pagkakahiga, dahilan para magising ang diwa ko kaya't nagbalik tihaya ako saka pinakatitigan ang kisameng bumungad sa mga mata ko. Ang ganda ng pag kakagising ko dahil wala nang problema sa amin ni Sabrina. Nag-usap na rin kami nito kung kailan kami aalis sa islang ito at saan gaganapin ang kasal namin. Ilan ang gustong magiging anak at saan kami maninirahan after wedding. Nag-angat ang magkabila kong baraso at inilagay iyon sa ilalim ng ulo ko. Maliwanag ang mukhang kong, lumikot ang aking mata sa mga iniisip ko kasabay ng labi kong may ngiti. Tiyak kong masarap pa ang tulog nito, katulad nang sa akin pakiramdam masaya din ito. Napakagat labi ako at naningkit. Bigla kong naalala ang mainit na halikan namin kinagbihan. Agaran iwinak