Chapter 45... Sabrina POV. SINADYA KONG magising nang maaga para masilayan ang ganda ng dagat. Naging maingat ako sa paglabas ng kuwarto. Dinaanan ko si Thunder at mahimbing na natutulog sa may sopa, ngunit bago ako umalpas palabas ng bahay, pinakatitigan ko ang itsura nito kung paano ito matulog. Nakatagilid ito habang ang dalawang palad ay magkadaop at nakalagay sa ulo. Ngunit hindi maiwasang titigan ko ito sa mukha. Para itong nakangiti at walang problema. Nagpumilit ako kagabing matulog na lang ito sa tabi ko, pero hindi ito pumayag kaya't hinayaan ko na lang. Bago kami naghiwalay, nauwe kami sa mgandang paliwanagan at nalaman namin kung ano ang mga totoo. Para akong nakasampa sa ulap kagabi habang ang mata ay nakatingin sa taas at nagpapasalamat. Maraming bagay ang hindi ko ina