NAAALIMPUNGATAN ako sa liwanag na nagmula sa bintana. Sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko magawa. Nang mapadilat ako nang tuluyan at mapayuko, doon ko natutuhang nakapulupot ang mga braso at binti ni Catalina sa buong katawan ko. Napalunok ako nang mariin. How dare she get the audacity na gawin akong hotdog pillow? Natawa ako sa naisip. Napailing na lamang ako at nahiga ulit nang komportable. Sinusuklay ko ang buhok niya gamit ang aking mga daliri. Nakatutok lang ako sa kisame habang nag-iisip ng kung ano-ano. Sa sobrang pag-iisip, na-curious tuloy ako kung naaamoy niya kaya ako. In fact, hindi ako naligo kagabi. Pagkatapos, puro pawis pa ako nang mapunta rito. “Oh, my God,” bulong ko sa sarili. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Nanlaki ang mga mata ko nang may maramdaman. ‘M-My