DRAE HAVEN GARCIA
Kumikidlat sa labas, sinamahan pa ng sunod-sunod na kulob. Malakas ang bawat dagpis ng hangin. It was as if the heavy rain was drumming on the roofs of every house.
Nagkukulong ako sa aking silid habang minamasdan ang pagdaloy ng tubig sa simento mula sa itaas na bahagi ng village. Wala akong masiyadong nakikita dahil nag-fo-fog sa labas, at nag-mo-moist ang sliding glass window. Pero hindi ko parin maialis ang tingin ko sa labas. Namangha ako sa lakas ng unos sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Kung matitigan ko ang labas ay parang ngayon lang ako nakaranas na masilayan nang mabuti ang eksena ng malakas na ulan.
Maya-maya pa, isang imaheng naglalakad papalapit sa direksyon ko ang lumitaw sa aking paningin. I creased my brows in confusion. He looks pretty creapy. Silhouette niya lang ang nakikita ko, pero alam kong isa siyang lalaki base sa kaniyang pigyura. Pero hindi ko siya nakikilala dahil makapal ang suot niya na sa palagay ko ay kapote. Madilim at tanging liwanag lang ng posteng kalapit ng apartment ko ang nagbibigay liwanag sa labas. Kahit sapat na ang ilaw ng poste upang maaninagan ko ang kaniig na paparating, hindi iyon sapat para makilala ko siya.
Napakurap ako nang mapansing halos tatlong metro na lamang ang agwat namin. Sa pagkakaalam ko ay mayroon namang gate ang apartment ko. Paanong dire-diretcho lang ang lakad niya?
Patuloy ko lang siyang pinagmasdan mula sa bintana. Nagsisimula na akong makaramdam ng kaba. Pero hindi ko iyon pinapahalata. I didn't move a single finger. I am silently praying, hoping he won't notice me staring at him.
Ngunit habang tumatagal ang pagkatitig ko sa labas ng bintana, nahagip sa gilid ng aking paningin ang reflection ng isang taong nakatayo sa aking likoran.
Nanlaki ang mga mata kong pinagkatitigan ang reflection ng mukha niya sa glass window. Hindi ko siya kilala, pero pamilyar siya sa akin.
Ramdam ko ang paglakas ng t***k ng puso ko na ani mo'y sasabog na. Dahan-dahan ko na sanang lingonin ang taong nakatayo sa likoran ko nang madapo ulit ang paningin ko sa taong nasa labas. Ngayon ay tila abot kamay ko na lamang siya sa sobrang lapit. Kung wala itong pader, tiyak na maaabot ko na siya.
The scene left me speechless. I even forgot to breathe as I watched him walking near me.
Maya-maya pa, biglang may dinukot na kung ano ang lalaking nasa harapan ko sa kaniyang bulsa. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang baril ang ngayo'y hawak-hawak na niya. Itinuon niya iyon sa lalaking nasa likod ko. Nahigit ko ang aking hininga. Dali-dali kong nilingon ang taong nakatayo parin sa aking likoran. Mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang mapagtantong ang taong kanina pa nasa likod ko ay si Shin. Ibinuka ko ang aking bibig upang tawagin siya ngunit naipit ang mga salita sa aking lalamunan, walang lumabas na boses. Mariin akong tumayo upang itulak siya ngunit nahigit ko na lamang ang aking hininga nang makitang huli na ang ginawa kong aksyon.
Isang malakas na tunog ng putok ng baril ang nagpatigil sa akin. Nakita ko mismo ang pagtama ng bala sa dibdib ni Shin.
“Ahh!” sigaw niya nang mariin.
Napaawang ang aking bibig. Hindi pa nag-sink in sa utak ko ang nangyari. Basta't ang nagawa ko na lang ay ang saluin siya nang bumagsak siya sa harapan ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin. May dugong lumabas sa kaniyang bibig. Namula ang kaniyang mga mata na kalaunan ay unti-unti nang lumuluha.
“Shin! Shin! Hindi! Lumaban ka, Shin!” Pilit ko siyang padilatin nang makitang unti-unti na siyang pumipikit. Napaluhod ako dahil sa panghihina at dahil na rin sa bigat ni Shin.
Hindi siya nagsasalita. Patuloy lang sa pagpatak ang mga luha niya. Napahagulhol na ako ng iyak. Nanginginig ako. Hindi ko alam kung ano ang una at dapat kong gawin. Tuluyan na akong napaupo sa sahig habang nasa hita ko naman ang ulo ni Shin.
Natigilan ako nang maalalang nandito pa ang taong bumaril kay Shin. Para akong binuhosan ng malamig na tubig pero mas nanaig ang galit ko.
Nilingon ko ang may sala. Kung nakapapatay lang ang pagtingin ng masama, malamang ay kanina pa natigok ang taong ito—“Dad?”
“I warned you,” malamig na tonong sabi ni Dad.
Ni-slide ko ang aking pang-upo, paatras mula sa kaniya. Pilit kong tinakpan si Shin kahit na alam kong imposible. Hinawakan ko nang mahigpit ang katawan niya, hinihila palayo. I was trembling as f*ck. This is f*cking insane.
I couldn't stop cursing inside my mind until I could already feel the gun being pointed at my head. It made me freeze.
I slowly look at my dad. His face was unreadable. His gaze was dark and serious.
Then, I saw him pulling the trigger. My eyes widened.
“Dad, stop!”
“I warned you, Drae,” he repeated what he had said to me earlier, and finally, he shot me right in the head.
Parang sumabog nang tuluyan ang puso ko. Mariin akong napasinghap at napadilat. “No!”
Dali-dali akong bumangon at wala sa sariling napasigaw ulit. “No, Dad!”
Agad akong natauhan. It was just a dream. A f*cking insane nightmare!
Palinga-linga ako sa aking paligid. Hindi umuulan, walang bakas ng barilang naganap.
Kinapa ko ang aking ulo. Walang dugo. I am fully intact. Unharmed, breathing, alive.
“Son of a . . .” Pilit kong kinalma ang aking sarili.
Pinakiramdaman ko ang aking silid. Naka-on ang air-conditioner pero mukhang nilublob ako sa tubig, o binuhusan ng tubig sa basa ng aking damit dahil sa pawis.
Napadausdos ako ulit sa aking higaan. Inaalala ang parang makatotohanang panaginip ko. Mariin akong pumikit, huminga nang malalim.
I glanced at the wall clock. It'll be fifteen minutes more to make it to three o'clock.
Wala sa sarili akong dumiretso sa closet at basta na lang na nanguha ng damit. I grabbed my phone and wallet and put them inside my pajamas' pockets.
Nang makababa na ako mula sa kuwarto, doon ko na hinubad ang white t-shirt ko na basa sa pawis, at pinalitan ng t-shirt na basta ko lang na nahablot galing sa drawer. Huli na nang mapansin kong ang nakuha ko palang damit ay ang terno nitong pajama pants na suot ko. Now, I look like a kid in my sleepwear.
Huminga ako nang malalim. Dumiretso ako sa garahe upang kunin ang bike ko. I bet there's no longer a taxi in these hours. Kaya magba-bike na lamang ako.
I started pedaling my bike when I was finally outside my apartment. Isinara ko muna ang gate. Pagkatapos, tuloy-tuloy na ang pag-pedal ko.
Nanginginig ako sa lamig. Dapat kasi sweater, o jacket ang kinuha ko kanina. Habang nagpatuloy lang ako sa pag-pedal, bigla akong natigilan. Hindi ko pala alam kung saan ako pupunta!
“F*ck! Why am I here? What am I doing?” bulalas ko nang mapagtantong wala pa ako sa tamang huwisyo.
“Sh*t!”
Nilingon ko ang daang tinahakan ko. I've come too far. Nilingon ko ang aking paligid. Kaunti lang ang mga ilaw. Hindi ako sanay sa madilim. Or should I say, I don't like dark places?
Barks. I heard dogs starting to bark from afar. Palapit iyon nang palapit. I am totally f*cked up!
I started pedaling, praying that the sun would shine right now. Pero naalala kong alas-tres pa ng madaling araw. Imposibleng dinggin ang panalangin ko.
I pedaled faster until I could already see the street near our campus. Oo, ganoon na kalayo ang narating ko. Kaurat!
Pumasok ako sa maliit na eskinita dahil maraming poste doon. Wala akong nadaanang 24 hours open na mga mini stores dahil hindi naman ako dumaan sa National Road. And the reason why I didn't? I don't know. Ni hindi ko na nga maalala kung saan ako sumuot-suot ng ruta.
Inisip kong dito ko na lamang palipasin ang mga oras. Maybe I will play with my phone. However, everything became worse. Ang buong akala ko ay nilubayan na ako ng mga hinayupak na aso. But I was wrong. There are more dogs here. Napagkamalan na naman akong dog food!
“Sh*t!”
Mabilisan akong sumakay sa bike at nag-pedal ulit. Napahinto ako sa tapat ng isang bahay. Hindi ko na yata kayang mag-pedal pa. Hindi na ako nasanay. Matagal narin mula noong nakapag-exercise ako.
Bumibigat na ang talukap ng mga mata ko. I am so thirsty. I grabbed my phone and started to dial someone. Someone I didn't expect I needed to see right now.
Matagal niyang sinagot ang tawag. Well, of course, she might be in her dreamland.
Biglang bumukas ang pinto ng bahay na nasa tapat ko kasabay ng pagdadabog ng isang babae.
“Teka lang! Bw*sit, walang maayos na signal sa loob kahit ganitong oras na, eh!” aniya sabay pindot ng kaniyang cellphone.
Biglang sinagot ang tawag ko.
“Hello! Ano bang trip mo, at napatawag ka sa ganitong oras?”
Nanlaki ang mga mata ko. Nabitawan ko ang aking bike na nakaparada, at tumakbo papalapit sa babaeng kanina ko pa gustong makita.
I hugged her tight. “I am glad to see you.” Hindi ko maiwasang mapaluha. I am extremely happy. The reason? I don't know either.
“Drae! Ayos ka lang ba? Bakit ka nandito? May nangyari ba? Paano mo nalaman ang bahay ko?” bulalas ni Catalina, mukhang hindi rin inaasahan ang pagdating ko.
Lumayo ako bahagya at natawa. “Hindi ko rin alam. Sabihin na lang nating dinala ako ng mga aso rito,” nakangiting sagot ko.
Dumaan ang pag-aalala sa mga mata ni Cath. I stared at her for a second too. If I am not mistaken, she's really worried about me. She looks—
“Namumutla kang hayop ka,” pagmamatapang na wika niya.
Bahagya akong natawa. “Ikaw rin, mukhang sabog.”
Nag-iba ang expression niya. Pinaghalong hiya at galit. “Pumasok ka nga! Saka hindi ko ini-expect na ang isang introverted, cold type, campus' prince ay may terno sleeping attire na Winnie the Pooh.” Ngumisi siya sa akin. Ngayon pa lang ay parang gusto ko nang sabunutan ang sarili ko.
“Shut up,” I almost whispered.
Pumasok na ako sa bahay nila. It was smaller than my rented apartment. But it was so homey. Simento parin ang bahay, pero ang lakas maka-Pilipino ang disenyo. Gawa sa varnished woods ang mga furnitures. Dinaig din ng kalinisan ang bahay kaya nagmukha itong cute and classy. Nakabukas pa ang lahat ng ilaw. I bet paminsan-minsan silang gumigising. Of course, there's a patient here.
Lumapit ulit si Cath sa akin at may inabot na isang basong tubig. Malugod ko iyong tinanggap. Pinasalamatan ko rin siya.
“Ay, oo. Tama nga. Huwag kang maingay. Baka isipin nilang nagdala ako ng lalaki rito. By the way, nagugutom ka ba? Bakit ka ba nandito? Saka anong ginagawa mo, at gising ka pa sa ganitong oras na?” Tumingin siya sa wall clock nila. Napatingin din ako roon. “Alas-tres y medya pa lang, oh.”
Bumuntonghinga ako at umiling. “I had a nightmare. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong nagsimula nang mag-pedal sa daan. Tapos nang tuluyan akong matauhan, hinahabol ako ng mga aso hanggang sa mapadpad dito. I am sorry to bother you.”
Napabuhakhak siya nang tawa, pero agad niya ring tinakpan ang bibig.
“Hali ka nga! Ikwento mo. Tutal nawala ang antok ko nang dahil sa’yo, eh,” aniya at hinila ako paloob sa silid na sa tingin ko ay kuwarto niya.
Tunog ng electric fan ang sumalubong sa akin nang makapasok ako sa loob. The bed is kind of messy, but it looks comfy. May drawer sa corner ng room, at may isang study table sa tabi ng kama. Napangiti ako roon.
“Pasensya ka na sa magulo kong kuwarto. Maupo ka muna.” He offered me a chair. But I chose to sit on the bed. She rolled her eyes at me.
“Tungkol saan ba ang panaginip mo, at ganito kalala ang naging epekto niyon sa’yo?” tanong niya ulit, at umupo sa tabi ko.
Sandali ko siyang tinitigan. Parang nahihilo ako. Pakiramdam ko ay hinihigop ako ng higaan. O inaakit ako ng kama.
“My dad killed both me and Shin. Binaril niya kami pareho. That was what my nightmare was all about. It was terrifying . . . It terrified me.” Mariin akong lumunok.
Naalala kong hindi ako pumunta rito para makipagbiruan. I was here because I was honestly scared. I must admit that I need some comfort—
Natigilan ako nang maramdaman ko ang paglapit ni Catalina sa akin. Niyakap niya ako at pinapatahan. Hinahaplos ang likod ko na parang bata. Nakapa ko ang aking pisngi. Basang-basa na pala iyon. So, I was crying all the way while explaining it to her.
Hindi ko na pinigilan ang aking sarili at inilabas na ang lahat ng emosyon ko. I cried. I tightened my hug on her. Para akong batang nagsusumbong sa magulang.
Then I remember my grandparents. I missed them so much. Sila lang, si Lolo at Lola lang ang nakakapagbigay sa akin ng comfort na talagang nagpapatahan sa akin. Nasanay akong silang dalawa ang pagsabihan ng lahat ng mga hinaing ko kahit gaano pa kalit o kalaki ng problema ko. Sila lang din ang nakakaalam na iyakin talaga ako. But I guess Catalina is the third person who can fit the whole in my heart too. As a friend, maybe.
“Shhh. Opposite naman ang panaginip, eh. Magiging okay rin ang lahat,” mahinang tugon niya, nanatili parin sa pagkakayakap sa akin.
Ipinikit ko ang aking mga mata. Huminga nang malalim at tumango.
May init na humaplos sa puso ko. Hindi ko maiintindihan. Parang ayaw ko munang paniwalaan. But there's a part of me that wants to stay here longer. I couldn't even let go of her.
“Cath?” mahinang pagtawag ko sa kaniya.
“Hmm?”
“C-Can I stay here a little bit longer?” nahihiyang tanong ko.
Kumalas siya sa pagkakayakap. Pilyo niya akong nginitian, at napamaywang. “Pero sa sahig ka tatambay. Matutulog pa ako, eh.”
Ngumiti ako nang matamis. “Sure!”
Tumawa siya at ginulo ang buhok ko. “Baliw, joke lang! As if naman may balak kang masama sa akin. As if din hindi kita kayang sapakin kung may sasanib na kalokohan sa utak mo. Sige na. Itulog mo na lang ulit iyan.”
Tumayo si Cath at iniharap sa akin ang electric fan bago bumalik sa pwesto niya. “Good night and good morning, Drae,” aniya, at humiga na.
Nanatili akong natahimik. Napalunok ako bago gumapang sa space sa tabi niya. Nakatalikod siya sa akin. Ang pwesto ko naman ay nasa harapang bahagi, paharap sa study table at electric fan. Humiga na ako roon. It is so awkward as f*ck.
Hinarap ko ang electric fan at napapikit. Kahit papaano ay natanggal ng malamig na hangin na dala niyon, ang awkwardness at hiya na bumabalot sa akin.
Tumalikod ako para mahanginan din ang likoran ko. Pero nang maidilat ko ang aking mga mata, napagtantohan kong nakaharap na pala sa akin si Cath.
Nag-init ang mukha ko. We're so close. Our faces were just a few inches away. Her eyes were closed, but I could see the corner of her lips were starting to curve into a smirk.
I quickly looked away. I am f*cking feeling my face turning into a red tomato.
“Matulog kana, Drae. May kababalaghan pa naman dito sa bahay tuwing alas-tres. Sige ka,” she murmured, trying to scare me, and turned her back on me again.
Napahinga ako nang maayos. Mabuti nang hindi na siya nakaharap. Iyakin ako, hindi matakotin!
Ngayon ko lang nadiskobreng ang awkward ko palang klaseng lalaki. I need to fight this boring style of mine.
Nilingon ko si Cath at mabilisan siyang niyakap mula sa kaniyang likoran. Mariin akong pumikit, nahigit ko ang aking hininga. Nope, ayaw ko nang huminga!
However, she didn't complain, nor protest a single word of opposition. Did she just let me hug her?
Rinig ko ang paghinga niya nang malalim sabay sabing, “Well, thank you. Giniginaw rin ako.”
Nanlaki ang mga mata ko. Kahit kanina pa ako pinagpawisan, napangiti ako nang malapad at sinagot siya. “Ako rin.”