HINDI tinablan ng lamig ang init ng ulo ko, kahit na malakas ang air-conditioner dito sa loob ng police station. Dito ang ending naming apat matapos ang nangyaring kaguluhan kanina.
Ang adviser namin na nakakita sa amin kanina, ang kaagad na nagpatawag ng guard para ipadakip si Carl at ipalagay rito sa prisinto, nang agad na nakapagpaliwanag si Drae sa kaniya bago pa mabaliktad ni Carl ang kuwento.
Magkasama si Drae at Catalina sa loob ng opisina habang iniimbestigahan ang kaganapan kanina. Siyempre, kakasuhan ang walanghiyang Carl na iyon sa ginawa niya. At ako? Bakit naman ako matatakot kung kakasuhan niya rin ako dahil sinuntok ko siya? Ni hindi nga ako binalingan ng tingin ng police na nagposas sa kaniya kanina, eh. Ibig sabihin, valid reason ang inimungkahi ko, at hindi ako kakasuhan, o makakasuhan.
Well, sana iyon nga ang mangyari. Malakas pa naman ang kapit sa gobyerno ang mga magulang ng walanghiyang lalaking iyon. Baka mamaya, may pa-lawyer-lawyer na ang animal na iyon.
Bumukas ang pinto ng opisinang pinasokan nila, at una kong nakitang lumabas si Drae. Nagkasalubong ang mga mata namin. Siya ang unang ngumiti. Nanatili namang walang emosyon ang mukha ko. Siguro dahil sa pagod at gutom na rin. Pati pag-angat ng kilay ay hindi ko na magawa.
Sumunod na lumabas si Cath. Hindi ko mabasa ang kaniyang mukha. Mukhang inaantok na parang galing sa boxing at nais nang sumusuko.
“Wala talaga tayong laban sa mga mayayaman, ano?” biglang pagsasalita ni Cath.
Napatingin naman ako sa kaniya. “Bakit?”
Huminga ng malalim si Drae, at magaang inakbayan si Cath. Doon ko naiangat ang isang kilay ko nang hindi sinasadya.
“Ang bilis niyang nakasabing papyansahan niya na lang daw. Na huwag na lang daw ipaalam sa mga magulang niya. Panay sorry rin siya kay Catalina. Aminadong may tama ng alak kaya nagkakaganoon,” ani Drae.
Napatayo ako. “How about ang university niya? Wala man lang bang aksyon? Huwag nilang sabihing i-to-tolerate nila ang mga ganyang klaseng colleges nila.”
“Tinawagan ng police ang university niya. Suspended siya for one month, saka ban din siya ngayong school year sa chess club na kinabibilangan niya sa kanilang paaralan, at ban din siya sa nalalapit nilang chess competitions na dapat sana ay sasali siya. Kailangan niya ring mag-fine ng hindi bababa sa halagang sampung libo para sa kaso niya. Pero, sa tingin ko, sisiw lang sa kaniyang bayaran iyon. Saka hindi na rin siya makaka-apak pa ulit sa campus natin. Sa tingin ko, iyon na ang mahalaga,” mahabang paliwanag ni Cath.
Napalunok ako, at tiningnan silang dalawa. Actually, kanina ko pa silang gustong tanongin nito. “A-Ayos lang ba kayo? Nasaktan ba kayo? Pwede niyo pang ireklamo kung may iba pa siyang ginawa—” Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil biglang parang nilamutak ang kalamnan ko. “Ahh!”
“Shin! Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Cath.
Napapikit ako sa sakit ng tiyan ko. Pero agad din akong natawa nang magsalita si Drae.
“Anong katangahan na naman ba iyan, Catalina ko? Nakita na ngang mukhang may iniinda, tatanongin mo pa ng kung ayos lang ba siya. Malamang hindi!” sita ni Drae.
“Huwag mo nga akong ma "ko, ko”! Hindi mo ’ko pagmamay-ari!” sagot naman ni Cath.
Napangiwi na lamang ako. Dahan-dahan akong tumayo, at tiningnan sila. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makitang mukhang magkasundo na sila. Parang noon lang, eh, ang daming drama ni Drae na baka hindi magiging okay si Cath sa relasyon namin. But they look good together, though.
Natigilan ako. Muntik ko nang mabatukan ang sarili ko sa aking iniisip. Bakit parang boses nagpapaubaya ako sa iniisip ko?
“Shin, kaya mo pa bang maglakad? Dadalhin ka namin sa Ospital,” seryosong tanong ni Drae sa akin.
Agad akong umiling at tumanggi. “Huwag. Kailangan ko nang umuwi. Walang kasama si Bryle sa bahay.”
Inirapan ako ni Drae na siyang nagpapangiti sa akin nang hindi inaasahan.
‘Bakla, malala.’
Pero siyempre, hindi ko iyon sinabi. Baka siya pa ang tatapos sa natitirang mga araw ng buhay ko, eh.
“Tara na, Shin.”
Hinawakan ko si Drae sa kaniyang braso at umiling. “Ayaw ko nga. Promise, gutom lang ito. Kanina pa kasi akong hindi kumakain. Isang beses lang ako kumain ngayon. Saka lagpas alas-sais na, wala parin akong kain. Hindi ko yata nabanggit na may hyperacidity ako't hindi ako dapat na malipasan ng gutom. Ikain ko lang ito, gamot, at pahinga. Iyon lang.”
May dumaang pag-aalala sa mga mata ni Drae. Pero agad niya ring inalis ang kaniyang tingin sa akin at idinako kay Catalina. They stared at each other as if they were communicating through their minds.
Pero agad rin nila akong hinarap. Ngumiti si Cath sa akin, and I smiled back to her. I miss her, though. I really do.
“Maghapunan muna tayo? Sagot na ni Drae ang lahat,” nakangiting wika ni Catalina, habang si Drae naman ay napangiwi na lamang.
Napakamot ako ng ulo. “Naiwan ko ang wallet ko sa bahay, eh. Pasensya na.”
Mahinang natawa si Drae at masuyong tinapik ang balikat ko. “Sige na,” nakangiting wika niya.
Wala sa sarili akong napatango at napangiti. Naramdaman ko rin ang bahagyang paglayo ni Catalina nang magsimula na kaming maglakad.
Nilingon ko siya. “Ayos ka lang ba?”
Ngumiti siya, tumango, at nag-thumbs up.
Nang makalabas na kami sa police station, dumiretso kami sa seafront kung saan mayroong malawak na kainan; ang Food Street Kingdom. Mas dinadagsa ito ng mga tao tuwing sasapit ang gabi. Ika nga'y isang malawak na outdoor restaurant na tila pang isahang baranggay ang puwedeng kakain. Gabi-gabi parang may fiesta rito. Although last time kong kumain dito ay noong date namin ni Catalina dati. Masaya talaga ang lugar na ito. Walang pinagbago.
Pasado alas-ciyete na ng gabi. Puno na ng nagagandahang mga ilaw ang paligid. Amoy na kahit mula sa malayo ang mga pagkain, usok mula sa mga nag-ba-barbeque, at amoy ng mga samo't saring mga street foods.
Kumakalam ang tiyan ko sa sensasyong puro pagkain na ang nadadaanan namin. Napalingon ako kay Catalina. Malawak ang kaniyang ngiti, at nagtama ang aming mga mata. Perhaps we're thinking the same thing.
‘We've been here before. The place hasn't changed. Only the date is.’
I smiled at her, and she gave me her undying warm smile back. It melts my heart in a good way. There I realized, she's no longer the Catalina I loved before. Her warm gazes were obviously full of sincerity and pureness. Pain wasn't even in her eyes when I was holding someone's hand, not her's. She's enjoying the place, though she might remember our past. But her eyes show acceptance. Nothing but huge support.
I almost cried thinking she still supported me, even here. She definitely loved me. So I was for her, of course.
Maraming mga taong humahanga sa akin dahil sa talento ko sa pag-ba-basketball. Pero aside from that, wala na akong kayang ipagmamalaki. Popularity has its consequences too. Kung may humahanga, may ayaw rin sa akin. Maybe because of my selfishness and arrogance. But who cares? Perhaps they're not the right people for my small circle. Because after all, I still have these two who accept me unconditionally despite my flaws.
“Ang drama natin ngayon, ah?” bungad ni Drae na nagpapabalik sa akin sa kasalukuyan.
Natawa lang si Cath. At ako naman ay parang naaalimpungatan.
“Naalala mo siguro ang last date ninyo ’no?” panunukso ni Drae.
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. “Mind reader ka ba?”
Ngumisi lang siya. “Hindi. Pero kung ako naman ikaw, tiyak maaalala ko talaga kung kailan ako huling kumain dito. In fact, I remember my first date with a lady was here too,” mahabang latinya ni Drae.
“May naging girlfriend ka rin pala?” hasik ni Catalina.
Napangiwi na lamang ako. Actually nabanggit iyon ni Drae sa akin noon. Unfortunately, may sariling pamilya na iyong babae ngayon.
“Chismosa. Pero, Catalina ko, pwede bang mag-take a break muna tayo? I mean, let's make this time a typical dinner as friends, nothing else,” ani Drae kay Catalina.
Nangunot ang noo ko. “Take a break? Friends, nothing else? Ano’ng ibig mong sabihin?”
Tumawa lang si Cath, at hinarap ako. “Ang ibig niyang sabihin, take a break muna. Hindi ba't galing tayong exam, tapos may action scene pang naganap? Saka madalas kasi kaming may alitan nitong impaktong boyfriend mo. So friends muna kami ngayon,” paliwanag ni Catalina, binalingan ng tingin si Drae, at masamang tiningnan.
Nagkibit-balikat na lamang ako at natawa. “S-Sige. Mukhang masaya ’yan.”
“Tara na! Namumutla na si Shin, oh! Anong klase ka bang boyfriend?” paninyermon ni Catalina kay Drae.
Natawa ako nang husto. Well, honestly, hindi ako nagugutom kapag si Catalina ang kasama ko dati. Madalas ma'y ubos ang pera ko, pero nanlilibre rin siya.
Omo-order na kami, at ngayon ay naghihintay na lamang na i-serve ang pagkain. Sosyalin kasi itong Food Street Kingdom na ito. May parang waiter din.
Naaaliw lang akong nakikinig sa dalawang kaharap ko na mukhang matagal nang magkakilala sa dami ng pinag-usapan. Actually, hindi ko ma-imagine how possible this is. Like, Catalina is my ex-girlfriend, and Drae is the person with whom I am currently in a relationship. I just find it amusing how these two became close despite the circumstances. Is this what they call a "healthy relationship"? Hmm . . . Hindi ko rin ganoon na masasabi. Despite their closeness, I can still sense something is wrong. Or maybe I am just overthinking things because I am starving.
Pilit kong binura ang mga iniisip ko. But I just can't help but keep thinking. And when I look at them, I get a strange feeling.
Envious? Wait . . . No! Why would I be jealous? At kanino naman ako magseselos? Kay Catalina? Kay Drae? Or am I like . . . seems being the third wheel here?—
“Ito na po ang order niyo.”
Napaigtad ako nang upo nang dumating na ang waiter na nag-serve sa aming order. Nakahinga ako nang malalim. Buti na lang ay makakain na ako. Baka mamaya ay tuluyan na akong mabaliw kaka-isip ng mga kababalaghan.
ALAS-OTCHO Y MEDYA, nang biglang mag-ring ang cellphone ni Catalina. Malapit na kaming matapos kumain. Tumayo siya't nagpaalam na sagutin niya muna ang tawag.
Katahimikan ang sandaling bumalot sa aming dalawa ni Drae. Pero siyempre, ako ang unang bumasag sa katahimikang iyon. “Salamat dito, Drae. Sa sunod, ako na naman ang manlilibre. Naiwan ko lang talaga ang wallet ko,” nahihiyang wika ko.
Sa totoo lang, nakakahiya talaga, eh. Ramdam na ramdam ko ang pagiging palamunin ko ngayon. Pero may side din sa akin na nagsasabing mas masarap talaga ang pagkain kapag libre. Pero at least, nahihiya parin ako. Iyon ang mahalaga. Palamunin, pero mahiyain. Napangiwi ako sa kaisipan kong iyon.
“Ayos lang. Saka celebration na lang natin ito kasi successful ang exam natin. Nakapag-study ka ba?” nanunuksong tonong tanong niya.
Ngumisi ako. “Ako pa.”
Bahagyang tumawa si Drae at nagpatuloy na sa pagkain. Sinubo ko na rin ang natitirang pagkain sa plato ko.
Balisang naglakad si Catalina pabalik sa kaniyang pwesto kanina sa tabi ni Drae. Nag-aala kaming tinanong siya kung ano’ng nangyari.
“Kailangan ko nang umuwi. May trabaho pa si Mama mamayang alas-nuwebe. Walang magbabantay kay papa. Maiwan ko na muna kayo. Drae, si Shin ha? Una na ako,” nagmamadaling paliwanag ni Catalina.
“Sandali, ano ba ang meron at kailangan mong bantayan ang papa mo?— Wait, nagkita na kayo ng totoong Papa mo? Or stepfather mo ba iyan? Saka ano’ng ako?” Nabuhayan ako bigla, kaya hindi ko naiwasang sunod-sunod na napatanong.
Ngumiti lang si Cath. “I mean, si Drae na ang bahala sa iyo kung masakit pa ang tiyan mo. And yes, umuwi na si Papa. Pero may malubha na siyang sakit. Kaya kailangan niya ng tagapagbantay palagi.” Tumalikod na si Cath. “Una na ako, Shin, Drae.”
“Ingat!”
“Ingat, Cath!”
Napatingin ako kay Drae. “May alam ka ba sa buhay ni Catalina? Kailan lang umuwi ang papa niya? Alam mo bang hindi sila in good terms noon? Ano kayang nangyari?”
Ngumiwi lang si Drae. “Chismoso ka rin, eh, ’no? Sa pagkakaalam ko, noong araw mismo ng nakipaghiwalay ka sa kaniya . . . Dumating ang papa niya.”
Natigilan ako sandali. I didn't know that happened! It might have doubled her pain that time. I am starting to regret my recklessness.
“Anong sakit?” tanong ko ulit.
“Liver cancer yata, kung hindi ako nagkakamali, and other internal organ complications,” sagot ni Drae sa akin.
Patango-tango ako habang nanatiling nakatitig sa kawalan.
“S-Shin, ihatid na kita sa daan. Taxi na lang ang sakyan mo para sigurado. Tara na.” Tumayo na si Drae at kinuha na ang kaniyang bag.
Tiningala ko siya. “Ayaw mo bang gumala muna?”
Umiling lamang siya at nag-iwas ng tingin. “Masama ang pakiramdam mo, Shin.”
Umiling din ako. “Ayos na ako,” I insisted. Although ang totoo ay walang nagbago sa tiyan ko.
“Kahit na. Ayaw ko parin, Shin. Tara na.”
Tumayo ako, at pinantayan siya. “Can you be honest? Iniiwasan mo parin ba ako? Are you just doing this because you're worried? And now that you think I am already fine, you'll leave me again. Pwede ko bang malaman kung bakit mo ito ginagawa?” Seryoso ko siyang tiningnan. Honestly, the way he's acting like this makes me really irritated.
“Hindi kita iniiwasan, Shin. Kailangan ko lang itong gawin—ang lumayo sa’yo.” I can see mixed emotions running through Drae's eyes. His eyes became teary, although he was trying to hold his tears back.
“Bakit kailangan mong lumayo? Drae, nasasaktan mo na ako sa ginagawa mo. If may nagawa akong hindi kaaya-aya noon, please tell me so I can say sorry. Please help me to make things right. Pero kung wala, please give me an honest reason.”
“Hindi mo maiintindihan, Shin. Hindi ko pa rin kayang sabihin. Hindi ko alam kung papaano—”
“Just tell me. Iintindihin ko. Is this about testing me? Tini-test mo ba kung hanggang saan aabot ang pasensya ko?”
“Hindi! Pero kung wala ka nang pasensya, magsabi ka lang!” galit niyang sabi.
Napalunok ako. “Why are you acting like this, Drae? Hindi ako nauubusan ng pasensya, kaya pasensya na rin.” Huminga ako nang malalim.
“Fine, uuwi na ako. Ako na ang bahala. A jeepney will do. May pamasahe pa naman ako. Kaya no need nang mag-taxi.”
“No, I insist mag-taxi ka. Ako na ang bahala. Makinig ka naman, Shin!” sigaw ni Drae.
Hindi ko maiwasang mapangiwi. “Hindi mo nga ako pinapakinggan, eh.”
Huminga siya nang malalim at napayuko. “H-Hindi ko lang talaga kayang sabihin. Hindi pa ako handa.”
Masuyo ko siyang tinapik at nginitian. “Fine. I won't force you to explain. Pero pwede bang huwag mo na akong layoan, o iwasan?”
Tiningnan niya ako. May halong gulat at takot sa mga mata niya na ikinabahala ko. Ano ba kasi ang dahilan?
“Umuwi na tayo, Shin.”
“Hindi ako uuwi kung hindi tayo magkakasundo ngayon!” pagpupumilit ko.
Napakagat-labi siya at umiiling-iling. “Shin, please. I can no longer do this.”
“Do what?”
Ramdam ko ang pagtaas-baba ng dibdib ni Drae. He's breathing heavily. Namamasa ang kaniyang mga mata, at balisang nakatingin sa akin.
Hindi ko mapigilang mamula at makaramdam ng panlalamig. Wala sa sarili kong ibinuka ang aking bibig. “A-Are you giving up on me, Drae?” halos pabulong ko na lamang na tanong.
Marahas siyang umiling at tuluyan nang umiyak. “No!”
Niyakap ko siya nang mahigpit. People might say we are having a public display of affection. But I no longer care about them. We stayed like this for a while longer until I could already feel Drae's breathing becoming calmer.
“S-Si Bryle, walang kasama sa bahay, hindi ba? Umuwi ka na,” aniya at nagpupunas ng kaniyang mukha.
Ngumiti siya sa akin at tinapik ang ulo ko na para bang ginawa akong bata, at kunwari mas matangkad pa siya sa akin. Napangiwi ako roon, at the same time ay natawa.
“Shin, I have something to tell you.”
Tumango ako at hinintay siyang magpatuloy.
“Good bye.” Masuyo niya akong nginitian.
Nangunot ang noo ko. “Huh?”
Mahina siyang tumawa. “’Bye na. Uuwi ka na, hindi ba?”
Ngumiti ako pabalik at niyakap siya ulit. Ganoon din siya sa akin.
Umalis na kami sa Food Street Kingdom at nag-antay na ng masasakyan kong taxi.
Nilingon ko siya. “Taxi naman lang din ang sasakyan ko, bakit hindi ka na lang sumabay?”
Umiling siya. “Una ka na lang. Sasakay rin ako sa iba. Mas malayo kasi ang ruta kapag pabalik-balik ang taxi. Opposite direction tayo, eh. Kaunti na lang ang pocket money ko.”
Tumango na lamang ako. “Pero kasya pa iyan? Sabi nang okay lang na ako na lang ang magbabayad sa pamasahe, eh. Jeep na lang sasakyan ko.”
“Tumigil ka nga, Shin! Ayan na, oh! May taxi na!” Galit na si Drae.
Pinara niya ang taxi. Sinabihan niya ang driver sa address ko, at inabutan niya na ng bayad. Halatang alam na alam ang estimated na pamasahe papuntang amin.
Ngumisi na lamang ako. “Huwag mo na akong iwasan, ah?” aniko bago maglakad na papalapit sa taxi na pinara niya.
Ngumiti lang siya sa akin at hindi ako sinagot. But I guess silence means yes.
Sumakay na ako at nag-wave na lamang ng aking kamay bago pinaandar na ng driver ang sasakyan.