Chapter Eighteen

2587 Words
SHIN HAROLD BAUTISTA Wala na si Drae sa kaniyang apartment nang sundoin ko siya. It was quite strange. He used to slack off every morning. But now, he's way too early. Huminga ako nang malalim at pumara na ng jeep papuntang school. I wonder if galit pa ba siya sa akin. It has been almost a week since we last talked to each other. I am starting to worry about him. Walang traffic kaya mabilis ang naging biyahe patungong paaralan. Pasado alas-ciyete pa nang makarating ako sa entrance gate ng campus. Pagkapasok ko, una kong nakita si Drae na mukhang masayang nakikipagkwentuhan kay Jenny, ang tinaguriang Campus' Muse. She's a cheerleader for the cheer dance club at school. ‘Tsk, ano kayang nakain ni Drae para kausapin ang babaeng iyan?’ He used to disgust people who had been given some cringey nicknames. Kahit ako, ayaw niyang naririnig na tinatawag akong Campus' Crush, Campus' HBP—Hot Basketball Player, at kung anu-ano pa man. Even to himself. Ayaw niya sa mga titulong ipinapangalan ng mga tao sa kaniya. At first, akala ko nag-iinarte lang siya noon. But seeing him with that fancy girl, talking and looking so fine together, I realized how disgusting it really is. At pumasok pa talaga siya nang maaga para i-entertain ang Jenny na iyon, huh? “I didn't know you had a great sense of humor, Drae,” pabebeng wika ni Jenny kay Drae, with matching haplos pa sa braso nito. Drae, on the other hand, feeling so confident while wearing his wide and cheeky grin, stroking Jenny's hair. Napaawang ang bibig ko. Halos isang metro na lamang ang lapit ko sa kanila. At mukhang hindi man lang sila nakakahalata. ‘They're making some pranks for me, aren't they?’ Tumikhim ako upang makuha ang atensyon nila. Hindi ko inalis ang titig ko kay Drae. Wala akong paki kung anong klaseng ekspresyon ng mukha ko ang meron ako sa ngayon. But one thing is really certain. I am totally pissed off. “Would you mind getting off your hands from my boyfriend?” walang emosyong wika ko kay Jenny. Sa halip na ilayo ng babae ang kaniyang kamay mula kay Drae, mas lalo lang niyang idinikit ang kaniyang sarili, pinulupot ang braso sa baywang ni Drae. Mas lalong lumawak ang ngiti ni Drae at tumingin sa akin. His eyes were sparkling with amusement. I do not believe this! “Don't be rude, Shin. Jenny and I were planning a good collaboration for nutrition month next month. Well, of course, cheer dancers were always the music club's partners. Mas maganda kasing habang maaga pa, makilala ko si Jenny. Not just a Campus' Muse, but also in person.” “In person?” pag-uulit ko sa sinabi niya. Is he kidding me? He's kidding me, right? Bumuntonghininga si Drae at bahagyang lumapit sa akin. He's driving me crazy. He's acting weird. “Drae, are you drunk?” wala sa sarili kong tanong. Malimit niya lang akong nginitian. Tinapik niya ang balikat ko na para bang mas maliit ako kaysa sa kaniya. “Makakatulong din ito para mas maganda ang pag-che-cheer nila sa team ninyo sa susunod na buwan, Shin. Don't be mad at her.” Naitikom ko na lamang ang bibig ko. “Buong araw akong magiging busy sa music club ngayon for rehearsal. Una na ako, Shin,” aniya at tinapik ulit ang aking balikat. Nangunot ang noo ko. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa medyo makalayo layo na siya. “Wait, Drae!” sigaw ko, at agad siyang natigilan. Nilingon niya ako. Walang emosyon niya akong tiningnan. Nasa bulsa ang mga kamay niya, at casual niya lang akong hinarap. “A-Are you still mad at me?” nauutal na tanong ko. Ngumiti siya sa akin at umiling. “Ano ka ba, Shin? Hindi ako galit. Busy lang talaga ako.” Tumalikod na si Drae. “Sige, una na ako,” aniya at nagsimula nang maglakad. “Sandali lang!” Mabilisan ko siyang nilapitan. “Nagmamadali ka ba? Masyado pang maaga. Maglakad lakad muna tayo—” “Pagod ako, Shin. Saka na lang. Marami akong gagawin ngayon,” malamig na tonong sabi ni Drae. Humakbang na siya papalayo. Subukan ko pa man siyang pigilan, hindi ko na nagawa. Mabilis siyang nawala sa paningin ko. Napabuntonghinga na lamang ako. Mukhang galit parin siya sa akin, hindi niya lang pinapahalata. HAPON nang maabutan ko si Drae sa may Cafeteria. Nasa school ground pa ako ngayon, tanaw-tanaw siya mula sa malayo. Balak ko sana siyang sunduin mula rito. Pero, kasama niya ulit si Jenny at ang mga kapuwa nito coloring books. Coloring books ang tawag ng marami sa kanila kasi kinulang sila sa papel at ang mga mukha na lamang nila ang kanilang napag-trip-an na kulay-kulayan. Ano ba kasi ang meron? Nandilim ang paningin kong pinagmamasdan sila. Masyadong touchy si Jenny, at masyadong walang pakialam si Drae. Umuusok na ang ilong ko sa inis. Mabilis akong naglakad papunta sa direksyon nila, pero agad din akong natigilan nang lumitaw sa paningin ko si Catalina na papalapit kay Drae. Seryoso ang mukha niyang may kung anong sinasabi kay Drae. Nawala na rin ang nakakainis na ngiti ni Drae sa mga babaeng coloring books na nakapaligid, at halos dumidikit na sa kaniya. Nais ko sanang lumapit, pero hindi ako komportableng maabutan si Cath. Well, it's not that hindi na kami friends. Maybe hindi na nga. Basta . . . hindi. Period. Saka isa pa, nagsinungaling ako kay Drae noon na nakausap ko na si Cath for closure. At dinagdagan ko pa ng storya ang tungkol sa closeness ni Catalina at Carl. Tiningnan ko ulit si Drae. Laking gulat ko nang wala na siya sa kaninang kinatatayuan niya! Tinakbo ko ang Cafeteria, baka natabunan lang siya ng mga nagkukumpulang mga estudyante. But he's no longer here. Kinapa ko ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tiningnan. Walang message. Hindi man lang siya nagpaalam. I tried to dial his phone. Matik! Wala akong load! Napahilamos na lamang ako sa aking mukha. Ano ba ang problema niya? Hanggang kailan niya ba ako iiwasan? Nag-iinit ang ulo ko, padabog na naglalakad papalabas na sa gate. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko hanggang sa makaabot ako sa National Road. Napabuntonghinga akong tumawid sa daan. Pagkatapos, pumara na ako ng masasakyan pauwi. Mag-isa akong umuwi ngayon. Ngayon . . . kinabukasan . . . sa sumunod na araw . . . hanggang sa sumapit ang biyernes—What is really going on with him! ONE WEEK LATER, sa wakas, bumalik na si Drae! Siguro bumabawi siya sa mga araw na hindi kami masyadong nagkakasama. Nandito na ulit siya sa tabi ko, sabay kaming kumakain ng pananghalian. But the problem is, Drae seems not to be paying attention to me. He seems to not really give a single thought to my stories. Sa tuwing nagsasalita ako, parang lutang siya at mukhang hindi naman nakikinig. Isa pa, kapag tinatanong ko siya tungkol sa mga sinasabi ko, binabara niya lang ako. I tried to tease him, but he only gave me weird smirks. Nagiging mas tahimik si Drae, at hindi na nagagalit sa tuwing iniinis ko. Kaya kahit na nandito siya sa tabi ko, parang mas malayo naman siya sa akin, kumpara noong hindi kami masyadong nagkakasama. Nakakapagtaka lang kasi mukhang dumidistansya si Drae sa akin. Ramdam ko. Hindi ko mapigilang mag-isip kung ano ang nagawa ko. “You're not listening, Shin.” Napaigtad ako nang upo nang magsalita si Drae. Napakurap ako nang ma-ilang beses bago mag-sink in sa akin ang kasalukuyan. I've always been thinking of Drae for not paying attention to me, but I ended up being the one who wasn't listening. “I am sorry. Ano nga ulit iyon?” Huminga siya nang malalim at ibinuntong iyon. “I was just asking how your training has been these past few days.” Nangunot ang noo ko. “Eh, Drae, mukhang pangatlong tanong mo na iyan sa akin.” I tried my best to not sound offensive. “Oh, I'm sorry,” aniya, at nagpatuloy na sa pagkain. The awkward atmosphere is killing me. Iyon na lang ba ang sasabihin niya? Ganito na lang ba ang mangyayari sa amin hanggang matapos kaming kumain? “Drae, may problema ka ba?” Hindi ko na napigilang magtanong. Nagtama ang mga mata namin, pero siya rin ang unang umiwas ng tingin bago umiling. “Loaded lang ako sa mga school activities ngayon,” malimit na sagot niya. “Pero hindi ka naman ganiyan dati kapag loaded ka sa school activities, eh. Tinutulongan mo pa nga ako.” Inabot ko ang kamay ni Drae. “Ah, alam ko na. Anong subject ba iyan? Gusto mo hati tayo riyan? Free naman ako ngayon. So, baka matulongan kita—” putol na saad ko. Biglang tumayo si Drae. “Hindi na kailangan. Aalis na ako, Shin,” ani Drae at mabilisang iniligpit ang kaniyang baonan at mga pinagkainan niya. Hindi pa ako nakakapagsalita, pero agad na niya akong tinalikuran. This is too much! Tumayo ako at mabilisan siyang sinundan. Hinayaan ko na muna ang mga gamit ko sa cafeteria. I grabbed his hand and stared at him madly. “Drae, what the hell is going on with you? Pag-usapan naman natin ’to, oh. Saan ka pupunta? Don't tell me, comfortable kang makasama sina Jenny at ang mga kasamahan niya?” He just gave me his weird, confusing, and awful smirk that is literally pissing me off. “So, when did you learn to say "hell", Shin?” sarkastikong sabi niya. Napaawang ang bibig ko. Mabilisang sumanib sa utak ko ang memoryang pinagpapalo ako ni Mama dahil nagmura ako noong bata ako. Sinabihan ko kasi ng baliw ang lalaking panay himas sa buhok ko dahil mabango at malambot daw. Eh, hindi ko naman siya kilala! Pilit kong binura ang emosyong marahil ay dumaan sa mga mata ko. Hinarap ko nang maayos si Drae, at muli siyang masamang tiningnan. “I can curse too. I just don't want to do it most of the time. And don't you dare change the topic.” Inis niya akong tiningnan at pinantayan ang galit ko. “Ano ba kasi ang pinagsasabi mo? Ayos lang nga ako! Marami lang talaga akong ginagawa. Ano bang kasi ang gusto mo? Puwede bang tigilan mo muna ako, Shin?” Nanlaki ang mga mata ko. “Tigilan? Ni hindi na nga tayo nagkaroon ng oras para sa isa't isa, eh! Tigilan talaga, huh? Iniiwasan mo nga ako, oh!” Pumipiyok na ang boses ko kakapigil sa sarili kong mapaluha at mas mataasan pa siya ng boses. Napamaywang si Drae at sarkastikong tumawa. “Sinabi nang marami akong ginagawa!” “Drae, boyfriend mo ’ko! Nakalimutan mo na ba?” Tinuro ko ang sarili ko. “Well, Shin, estudyante tayo. Naiintindihan mo ba?” sagot niya naman na sandaling nagpapatigil sa akin. Pero naalala ko ang palagi niyang pagtambay sa club ng mga cheer dancers. “Kung marami kang ginagawa, eh, bakit doon ka laging tumatambay sa puder ng mga cheer dancers?” “Sinabi nang may ginagawa kaming practice—ugh—Whatever, Shin! Aalis na ako—” “Hindi ka naman tinutulongan ng mga babaeng iyon, eh! They're obviously trying to flirt with you!” “Jealousy can kill, Shin. Beware,” malamig na tonong sabi niya. Umalis na nang tuluyan si Drae. Hindi ko na siya nagawang pigilan. I can't really win during our fights. What should I do then? EXAMINATION DAY, araw ng Biyernes, pero parang gusto ko nang umuwi at doon na lang sagotan ang mga test papers. Alphabetical order ang seating arrangement namin ngayon. Ibig sabihin, nasa front row ako—Bautista. Si Drae naman ay nasa likoran ko—sa ika-tatlong row. Hindi parin kami maayos na nagkakausap. Late din akong dumating ngayon, kaya hindi ako prepared na kausapin siya before the exam will starts. Bawal din ang lingon nang lingon sa likod. Kaya kahit batiin ko man lang sana siya ng good luck, eh, hindi ko magawa. Huminga ako nang malalim at itinuon na lamang ang focus ko sa exam. Naalala kong nangako pa naman ako kay Mama na lakihan ko ang scores ngayong exam. Saka si Bryle ang maghuhugas ng mga pinggan, for one week, kung ako ang mas makakalamang sa mga scores niya. “Bro, nag-study ka ba kagabi?” Nilingon ko si Xen, ang may lahing Tsino kong ka-teammate, na suki naman sa bench. Inirapan ko lang siya at binigyan ng walang ganang tingin. “Ano sa palagay mo? Ganito ba ako ka-frustrated tingnan kung nag-study ako kagabi?” sagot ko sa kaniya. Ngumisi lang siya at tinuro ang katabi kong si Domi. “Ang swerte mo, may katabi kang matalino,” bulong ni Xen sa akin. Sinundot ko ang tagiliran niya nang lingonin kami ni Domi. Awkward kong nginitian si Domi, at umayos na ako sa pagkakaupo. Pahamak ang Xen na ito. Nag-study ako kagabi, ’no! Ayaw ko lang talaga magpapakopya. Palihim akong natawa sa sarili ko, at hindi ko na lamang pinansin si Xen na panay suyo sa katabi niyang pakopyahin siya. NATAPOS ang buong examination day. Wala parin ako sa sarili. Wala talaga akong maayos na tulog kagabi. Lunch lang ang kinain ko ngayon dahil hindi ako nakakapag-almusal kaninang umaga. Nakakapanghina ring isiping hanggang ngayon ay iniiwasan parin ako ni Drae. Hindi naman sa gi-give up na ako. But if he really wants some space, then maybe I'll give it to him. Matamlay akong naglalakad papuntang public comfort room, bandang likod ng classroom namin. Hindi ko talaga alam, pero pinaghalong antok, pagod, at gutom ang nararamdaman ko ngayon. My bed is hunting me. Pero agad ding nawala ang antok at pagka-exhausted ko nang makita ko si Drae at Catalina na humihingal, magkayakap ngunit halos nakadapa na sa lupa. Naughty imaginations crept inside my head, but not until I saw Carl Dizon on the same ground, but in the opposite direction of Catalina and Drae. Mukhang lantang gulay si Carl na nakahiga sa may basurahan, basag ang suot na eyeglasses, at napuno ng putik ang kaniyang pang-ibabang kasuotan. “Drae, Cath, ano ang nangyari sa inyo?” bungad ko nang makalapit ako sa kanila. “Carl tried to harass Catalina. Buti na lang at naabutan ko sila. Kung hindi, baka may mas masama nang nangyari kay Cath,” sagot ni Drae. Bakas sa kaniyang boses ang pagkasindak dulot ng pangyayari. Ako naman, ang kaninang nahihimlay kong katawan ay parang sinaniban ng apoy. Nandilim ang paningin kong nilingon si Carl. Mabilisan ko siyang nilapitan at kinuwelyohan. Ang lakas ng loob niyang gawin ito! Hanggang kailangan siya titigil sa bisyong ito? At isa pa, bakit nakakapasok siya rito anytime? Hindi ba't bawal ang mga outsiders dito? “How dare you touch her?” Pinantayan niya ang matutulis kong tingin. “Bakit? Ano pa ba ang role mo sa buhay ni Catalina? Hindi ba't tinapon mo na siya na parang basang basahan, at ipinagpalit sa baklang Drae na iyan? Maka-asta ka parang ang linis mong tao—” Pinatigil ko siya sa pagsasalita sa pamamagitan ng suntok. I don't care if ma-suspend ako nito. Wala siyang karapatang mang-harass kahit sino pa man ang taong iyan. “Ang daming kalat—Mister Bautista! Anong kaguluhan ito?” Sabay-sabay kaming napalingon sa pinagmulan ng boses na iyon. Iyon na lamang ang pagkagulat ko nang makitang si Miss Celine, ang classroom adviser namin ang siyang nakakita sa amin, nadatnang akong sinuntok ko si Carl.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD