KINABUKASAN, Sabado na. Maaga akong gumising para bumili ng agahan. Matapos kumain, lumabas ulit ako para bumili nang kaunting groceries.
Hindi ko na naitago kagabi ang pera, dahil kitang-kita na iyon ni Papa. Pero hindi ko sinabing tungkol iyon sa deal namin ni Drae.
Inatasan akong hiramin muna ang pera para pampagamot ni Papa. Pero sinabi kong para talaga iyon sa pagpapagamot niya. Kaya no need na itong bayaran.
Kailangan ko talagang mag-grocery kahit kaunti. Ubos na kasi ang stocks sa bahay. Then, the rest ng pera ay para na sa pagpapagamot ni Papa.
“Alam mo kase, ’ma, ’pa, madalas busy si Drae sa kaniyang pag-aasikaso sa music club ng school namin. Kaya ako talaga ang laging gumagawa ng mga projects, assignments, notes, at mga reports niya. Mayaman iyon, kaya hindi masakit sa bulsa niya ang magbigay ng limang libo para lang sa mga serbisyo ko. At isa pa, huwag po kayong mag-aalala. Worth it po iyong mga ginawa kong projects para sa kaniya. Top nga siya sa klase namin, eh,” rason ko kina Mama at Papa kagabi.
Napabuntonghinga na lamang ako.
At nine o'clock mag-open ang mall, kaya palakad-lakad muna ako rito sa plaza na hindi kalayuan sa mall na pupuntahan ko mamaya.
Hindi rin ako mapakali. Medyo naninibago ako sa feeling ng may malaking halagang pera na hawak-hawak. Actually, kanina pa ako napa-paranoid na baka biglang may dudukot sa bag ko, ho-holdup-in ako.
Kukuhanin ko sana ang cellphone ko mula sa aking bag. Ngunit ang maliit na notebook na bigay sa akin ni Drae kahapon, ang nahawakan ko.
‘Oo nga, hindi ko pa ito napag-aralan, o napagplanohan nang maigi.’
Kinapa ko ulit ang aking cellphone sa loob ng bag. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko nang mailabas ko iyon. Limang minuto na lamang ay magbubukas na ang mall. Nagsisimula na akong maglakad papaalis nang biglang may humablot sa pulsuhan ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa marahasang paghablot ng kaniig sa akin. Hindi pa man ako makalingon, inambahan ko na siya ng suntok.
Diretso sa mukha ng lalaki ang kamao ko, pero hindi ko siya napatumba—Malas!
“F*ck!”
Napasinghap ako nang marinig ang pamilyar na boses. “Hala, Drae!”
Agad ko siyang nilapitan at kinapa ang mukha niya. “G*go, bakit ba kasi bigla kang nanghihila? Dati ka bang snatcher?”
“B*tch, dati ka bang boxingera? Babae ka ba talaga?” hasik niya nang hindi parin inalis ang kamay niya sa kaniyang mukha.
Tinawanan ko lang siya, at pabirong sinuntok ulit sa dibdib. “Dati akong wrestler, h*yop!”
Napapahid siya sa kaniyang pumutok na labi na may kaunting dugong lumabas. Rinig ko pa siyang magsalita nang mahina. “B*tch.”
Napangiwi lang ako. “Ang ganda ko namang b*tch,” aniko, at malokong tiningnan siya.
Seryoso siyang napatingin sa akin, at napakurap nang ilang beses. “I am sorry. I didn't mean to call you like that. I was just . . . I was referring to your fist.”
Napairap ako. “So, basically, ako parin ang tinutukoy mo.”
“Sorry . . . Sorry.” Tinapik-tapik niya ang kaniyang bibig. “My mouth is the blame.” Ngumiti siya nang malapad.
Napabuntonghinga na lamang ako at kinapa ulit ang bag ko, ni-check if nandito pa ba sa loob ang pera. Matik na kung nalaglag.
Kinapa ko sa loob ng bag ang wet wipes, at inabot sa kaniya nang makuha ko na.
“Sorry and thank you.” Tinanggap niya iyon at nanguha ng isa, saka pinahid sa pisngi at labi niya. “I deserve this, actually.”
Bahagya akong napangiti at napayuko. “Yeah.”
Tumikhim si Drae at binalik sa akin ang wet wipes. “Saan ka pupunta ngayon? Shopping?”
Tiningnan ko siya nang masama. Ano ang akala niya sa akin, pinapaulanan ng swerte?
“Mag-go-grocery lang nang kaunti.”
Ngumiti siya sa akin at tinapik ang balikat ko. “Sama ako,” aniya.
HALOS isang oras ang ginugol namin para sa pag-go-grocery. Siyempre, hindi iyon karamihan. Pero for survival na ang mga ito, for this week.
Tumambay muna kami sa food court ng mall. Siyempre, hindi ako ang nagyaya ni Drae papunta rito. Kaya obligado siyang ilibre ako kung mag-aya siyang kumain. And yes, may burger, milk tea, and fries lang naman ako ngayon—charot.
“Matabang iyong ice tea nila,” reklamo ni Drae sa order niya.
Napangiwi na lamang ako at mas pinagtuonan ng pansin ang siomai ko. Siomai lang talaga ang pinabili ko, saka steamed rice at soft drinks. Tahimik lamang kaming kumakain hanggang sa mangangalahati na ang pagkain namin.
Ako ang unang pumutol sa katahimikan. “About pala doon sa bucket list number one mo. May naisip akong ideya ngayon lang.”
Seryoso siyang napatitig sa akin at malimit na tumango.
“Kailangan mong umastang bilang madaldal, confident, at flirty. Like . . . A playboy.”
Biglang nabulunan si Drae. Dali-dali kong inabot sa kaniya ang kaniyang ice tea, at mabilisan niyang tinunga iyon. Panay ubo siya habang pilit na pinapakalma ang sarili.
“Ano ba ang problema mo?” inis kong sabi.
“Cath, wala akong power na umastang ganiyan. Hindi ba't parang ang weird isipin? Isang tipikal na estudyanteng hindi marunong makipag-usap sa iba, bigla na lamang umastang parang . . . wait are you saying I should copy Shin's attitude?”
Ngumisi ako. “Medyo oo, medyo hindi.”
“What the f*ck are you talking about?”
Napakamot ako ng batok. “Ganito. Kilala mo si Jenny? Famous iyon, at safe din kung siya ang lalapitan mo. Marami nang naka-link sa kaniya na mga lalaki, even sa taga-ibang school. Kaya hindi na magtataka ang mga estudyante kung magkasama kayo. Also, kailangan mong umastang ibang tao, para maisip din ng iba na naimpluwensyahan ka sa ugali ni Shin. Alam mo namang kahit loyal 'kuno' si Shin, malapit iyon sa mga babae.”
“Ang gulo niyan, Cath,” medyo nababahalang ani Drae.
Huminga ako nang malalim. “Eh, iyan lang ang naisip ko, eh. Saka isa pa. Ideya mo iyan na unang inilista mo.”
Umiling siya. “Wala ka bang gustong bagohin sa lists?”
Umiling ako pabalik at seryosong tiningnan siya. “First quarter exam na next week. Sa abot ng makakaya ko, tutulungan kita. Pero wala akong time para bagohin pa ang mga planong ginawa mo. Ang atin lang . . . is dapat ma-accomplish natin ang mga plano.”
“Ah, kailangan mo rin palang umaktong manlier, at cold sa mga babaeng panay ang pagdikit sayo. Kumbaga, hard to get ka. Hindi ba't iyan ang nakasulat dito? "Act cold"?” dagdag ko pa.
Tuluyan nang na-frustrate si Drae, sumuko na lamang, at sumang-ayon sa mga sinasabi ko. Ngunit biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
“What if ikaw na lang ang babaeng i-fi-flirt ko? Gagalingan ko talaga,” nakangiting sabi niya.
Agad ko siyang kinutusan. “Baliw! Masyadong halata kapag iyan ang gagawin mo! Mas lalo lang magiging involve ako ulit kay Shin,” galit kong sabi.
“Sa ngayon, ayaw ko pa siyang makita o makausap. Saka na lang.” Napayuko ako.
Nangunot naman ang noo niya. “Akala ko ba, gusto mong magkabalikan kayo? Isn't this your chance? Ako lang siguro ang klase ng tao na gwapo, na handang ipagpaubaya ang minamahal niya, sa ex nito.” Ngumisi lang siya, at agad ring napailing.
Matalim ko siyang tiningnan. “Hindi, ah! Wala akong sinabing magbalikan kami. Well, wala rin akong sinabing hindi ko na siya mahal. At mas lalong wala akong paki kung pinapaubaya mo na siya sa akin. No choice lang ako, kasi sunod ka nang sunod. Nakakainis ka. Saka . . . Saka need ko rin ng pera.”
“Aray, ang harsh mo naman sa akin,” sarkastikong reaksyon niya.
“Seryoso, kailangan kong mag-focus sa exam sa susunod na linggo. Scholarship ang goal ko. At iyon muna ang gusto kong isipin, Drae. Saka isa pa, unang kasunduan natin ay dapat kang makipag-cooperate sa akin, hindi ba?”
Masuyo siyang ngumiti at tumango. “Well, I think ngayon palang, kailangan ko nang tawagan si Jenny,” aniya, at kinindatan ako.
Napairap naman ako doon. “Mabuti at nagkaliwanagan tayo.”
Tumayo na kami at naglalakad na papalabas sa mall. Si Drae na ang nagdala ng mga pinamili namin, hanggang sa makaabot kami pabalik sa ospital.
“By the way, paano mo pala ako natagpuan sa plaza kanina?” tanong ko nang makalapit na kami sa may entrance ng Sebastian Public Hospital.
Ngumisi lang siya. “Dati kasi akong manghuhula.”
Tumaas ang isang kilay ko. “Ah, talaga? Hulaan mo nga kung yayaman ba ako sa hinaharap.”
Tinawanan lang niya ako at tinapik ang balikat ko. “Oo naman. Sa tingin ko, soon, isang Sugar Daddy ang aahon sa ’yo mula sa kahirapan.”
Tinulak ko na siya at kinuha ang groceries ko. “Diyan ka na nga! Galingan mo ang pag-arte mo sa Lunes, ah?”
Ngumiti si Drae at kumaway na. Tumango siya sabay sabing. “Yes, Ma'am!”
Inirapan ko lang siya at tumakbo na ako papunta sa loob. Hinihingal pa ako nang makapasok sa ward ni Papa. Ang lakas ng t***k ng puso ko sa hindi ko maiintindihang dahilan.
It's either dahil sa ginawa kong pagtakbo, or dahil sa mga ngiti ni Drae buong umaga.