Chapter Sixteen

2167 Words
NASA stable condition na raw si Papa. Kaya naman nakahinga na kami nang maluwag kahit papaano. Nagpaalam si Mama na umalis nang saglit upang bumili ng pananghalian. Pasado alas-dos na ng hapon at wala pa silang tanghalian. Naiwan kaming dalawa ni Drae sa loob ng ward kung saan naka-confine si Papa na mukhang mahimbing ang tulog. Napabuntonghinga ako habang nanatiling nakatitig sa monitor na panay ang tunog, nagpapahiwatig sa heart rate ni Papa. “Ang lalim naman.” Napalingon ako kay Drae na nakangiting nakatingin sa akin. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. “Wala ka bang balak umuwi?” Umiling lamang siya at tiningnan si Papa. “Perhaps your father is a really good person.” Nangunot ang noo kong tiningnan siya. “Paano mo naman nasabi?” He chuckled softly and looked straight into my eyes. “Hula ko lang.” Taka ko siyang tiningnan. Ganito ba talaga si Drae? Dreamy kumilos, weird kung makatingin, confusing kung magsalita? “Also, hearing what your mother said earlier, your father seems honest about his condition. Madalas kasi, tinatago nila ang kanilang totoong karamdaman para hindi na mag-aalala ang mga mahal nila sa buhay. Pero ang totoo, mas lalo lang nilang pinapalala ang sitwasyon. Imbes na sabihin ang totoo habang maaga pa—para maagapan kaagad—mas pinili nilang ilihim iyon hanggang sa puntong huli na ang lahat,” mahabang latinya ni Drae. Napayuko ako saka napatingin kay papa. “Iyan ang ginawa niya dati. Iniwan niya ang mama ko nang walang sapat na rason, dahil takot siyang mahusgahan ng mga tao, at baka mag-aalala lang ang mama ko. Ngayon lamang siya nagtapat. Ngayong may cancer na siya, ngayon lang niya ipinaliwanag sa amin ang lahat.” Nilingon ko si Drae at seryosong tiningnan. “Pero hindi pa naman huli ang lahat, hindi ba?” Huminga siya nang malalim. “Depende. Pero sa tingin ko, hindi pa huli ang lahat.” Tinuro niya ang screen ng monitor na nasa tabi ng higaan ni Papa. “After all, he's still fighting for his life. Sa palagay ko, may plano pa siyang sulitin ang mga araw na meron siya, para sa inyo. Hindi ko alam kung ano talaga ang conflict na meron ang pamilya mo. Pero sa tingin ko, gusto niya pang makabawi sa inyo, at makasama kayo nang matagal. Kaya, relax ka lang.” Palihim akong napangiti sa sinabi ni Drae. Sana nga iyon ang plano ni Papa. Labing-siyam na taon ding wala akong kinikilalang ama. Labing-siyam na taon ding nagpapakatatay ang mama ko, para lang hindi ako maiinggit sa ibang mga bata. Sana nga matagal ko pang makakasama ang tatay ko. Isang panyo ang dumapo sa mga palad ko. Tiningnan ko ang kamay na naglagay niyon sa aking kamay. Ngumiti lamang si Drae, tinapik ang balikat ko. “Magpapahangin lang ako sa rooftop. Babalik ako mamaya.” Saktong dumating si Mama nang tumayo si Drae mula sa bench. Parehas pa kaming nasindak sa biglaang pagbukas ng pinto ng ward. “Hijo, pasensya na kayo kung natagalan. Halika, kumain muna tayo,” ani Mama kay Drae. “Tapos na po ako, Tita. Sa rooftop po muna ako para magpapahangin. Maraming salamat po sa alok ninyo,” wika ni Drae, at nagpaalam nang umalis. Hindi na nakapagprotesta si Mama, at hinayaan na lamang si Drae na makaalis. “Lalapitin ka talaga ng mga gwapo, anak, ’no?” pagbibiro ni Mama. Napairap na lamang ako at tinulungan siyang ilabas ang mga pagkain mula sa supot. ‘Nako, hindi mo lang alam na ang gwapong tinutukoy mo, ’ma ay ang taong ipinalit ni Shin sa akin.’ Agad ko na lamang binura ang naiisip kong ka-drama-han. Baka mamaya ay hindi ko pa mapigilan ang sarili kong masabi ito kay mama. Wala pa naman akong balak sabihan ang mga magulang ko. “Anong pangalan ng binatang iyon?” tanong ni Mama nang magsimula na siyang kumain. “Drae Haven Garcia ang pangalan niya. Sikat siya sa campus dahil president siya sa music club ng school,” sagot ko. Tumango lang si Mama. Kaunting katahimikan, hanggang sa muli siyang magsalita. “Hindi na tataas sa sampung libo ang natitira nating ipon sa banko, anak. Mukhang kailangan ko ng extra racket pagkatapos nitong leave ko sa trabaho, sa susunod na linggo. Tulungan mo akong bantayan ang papa mo, ah?” Walang buhay akong tumango, at pinagkatitigan si Mama. Bakas sa mukha niya ang pagiging pagod dulot ng ilang gabing walang maayos na tulog. Madalas kasing nagigising si Papa tuwing gabi. Hindi na makakatulog si Papa kapag magising sa gabi. Kaya kailangan ni Mama na hindi na rin matulog. Minsan nag-uusap lang sila buong magdamag. Madalas ay dahil sa biglaang p*******t ng katawan ni Papa, kailangan ni Mama na maging aktibo sa gabi upang subaybayan ang kondisyon niya. Magluluto, mag-iinit ng tubig, at kung ano-ano pa. Kung may pera lang sana ako, isang operasyon lang, tapos na ito, eh. Kinakabahan ako kung sakaling hihintayin ko pang magkakaroon kami ng sapat na ipon, baka huli na ang lahat. Hinawakan ko ang kamay ni Mama, dahilan upang matigilan siya. Ngumiti ako at pinisil ang kamay niya. “Ako na ang bahala, ’ma,” aniko, at tumayo na. “Busog pa po ako. Mamayang hapunan ko na lang po kakainin ito. Tapos na kasi akong mananghalian. Puntahan ko lang po si Drae.” Naglakad na ako papuntang pinto. Alam kong may sasabihin pa si Mama, pero I'm sure tatanongin niya lang ako tungkol sa kung ano ang ibig kong sabihin sa "Ako na ang bahala" na sinabi ko. Saka ko na lamang aminin kapag maayos na ang lahat. BAHAGYANG nakabukas ang pinto palabas, patungong rooftop nang maabutan ko ito. Itinulak ko iyon, at bumungad sa akin ang liwanag sa labas. Agad din akong binati ng sariwa, malumanay, at malamig na hangin. Napangiti ako sa sensasyon. Parang pansamantalang tinangay ang bigat ng aking pakiramdam. Parang pansamantalang nawala ang mga problema ko. Humugot ako ng malalim na hininga at dahan-dahang ibinuga iyon. Hindi ko alam kung ilang minuto ko iyong ginagawa. Nanatili akong nakapikit, sinasamantala ang masarap na pagdagpis ng hangin sa aking balat. “First time mo bang mahanginan, Cath?” Tinangay ng hangin pati ang pag-mo-moment ko nang magsalita ang walanghiyang lalaki sa tapat ko. Nakangisi lang siya na para bang aliw na aliw sa ginagawa ko. Ang kapal ng mukhang gawin akong clown sa paningin niya. Matalim ko siyang tiningnan. “Tinatanggap ko na ang offer mo. Pero kailangan ko ng advance payment. Kailangan ko rin ng guide kung ano ang gagawin ko. At higit sa lahat, kailangan ko ng cooperation mo.” Nanlaki ang mga mata ni Drae. “Talaga?” aniya, sabay takbo sa may railings ng rooftop. “Yes!” sigaw niya, at may patalon-talon pa. “Oh, goodness! Yes! . . . Yes!” Napanganga ako sa reaksyon niya. How to unsee? Bakit parang isang lalaking sinagot ng babae ang nakikita ko sa reaksyon niya? “Oh my God! I love you, Cath!” sigaw niya pa, at impit na umirit. Namangha ako nang kaunti, pero napangiwi rin. “Hoy, bakla! Ano’ng "I love you"?” sigaw ko pabalik sa kaniya. P*tang ina? Ganiyan lang ba kasimple para sa kaniya ang pagsabi ng "I love you"? Ganiyan din ba siya kay Shin kung pinapaligaya siya nito—paligaya . . . literal na pinapasaya—hindi iyong—Ugh! Ano na naman ba itong iniisip ko? “As a friend, siyempre,” aniya na abot taingang nakangiting naglalakad papalapit sa akin. “Tanggapin mo na lang. Minsan ko lang binabanggit ang "I love you", ’no!” “At bakit parang kasalanan ko pa?” galit kong sabi. G*go? Ano’ng pakulo na naman ba ang trip ng lalaking ito? Ngumiti lang siya nang malapad. Ipinuwesto niya ang kaniyang mga kamay sa aking balikat gaya noong ginawa niya sa akin sa school ground kanina. Ang kaibahan lamang ay mas malapit na ang mukha niya sa akin ngayon, kumpara noong ginawa niya ito sa akin kanina. Mas nagkaroon ako ng access na makita nang malapitan ang mukha niya, ang mga mata niya. Kung kanina—noong ginawa niya ito sa akin—umiiyak at nanginginig siya, ngayon naman ay nakangiti siya sa akin. Pero hindi abot sa mata ang mga ngiting iyon. Namumula ang mga mata niya at ang kaniyang ilong. Maya-maya pa, isinandal niya ang ulo ko sa kaniyang dibdib at mahigpit akong niyakap. Hindi rin nagtagal, unti-unti ko siyang naririnig na humihingos sa kaniyang sipon, mahinang humihikbi, habang hawak-hawak ako sa magkabila niyang braso. ‘Mabango siya . . . in all fairness.’—Taksil na utak na ’to! Walang ibang emosyon ang dumaloy sa aking puso kung hindi ay kasiyahan, sa mga sandaling iyon. Ngunit nang kumalas si Drae sa pagkakayakap sa akin, unti-unti akong nakakaramdam ng pangangamba. Pakiramdam na mukhang may hindi kaaya-aya ang mangyayari. Ibinalik ni Drae ang kaniyang mga kamay sa aking balikat. Tumingala ako sa kaniya. Doon ko tuluyang napatunayan ang tunay na nararamdaman ko; takot, walang kasiguradohan, at pangangamba. ‘Pero wala akong choice, hindi ba?’ May kung anong dinukot si Drae mula sa kaniyang bulsa. Tiningnan ko iyon. Isang maliit na kulay asul na pocket notebook ang inabot niya sa akin. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Para saan ito?” Ngumiti siya nang kaunti at binuksan ang unang pahina ng notebook. “I spent nights making these lists. These are supposed to be my plans for how to get away from Shin. I tried bucket list number one this morning, but I failed. Hindi ko siya kayang harapin,” aniya. Binasa ko ang bucket list number one na tinutukoy niya: “Talk to him coldly, get along with a girl.” “Also, I don't have a friend that is a girl. Well, I don't really have any friends. Maybe you're the first one.” Napahimas siya sa kaniyang batok at napatingin sa ibang direksyon. Napairap na lamang ako, at binasa ang iilan pang nakasulat. Namamangha ako, honestly. Despite panget ang penmanship ng lalaking ito, organize na organize naman ang plano nito. “Hanggang twelve lang iyan, Cath. Isang dosenang tactics. Kung hindi parin uubra, hinding-hindi na kita guguluhin pa. We have twelve weeks to accomplish these. Ibig sabihin, four months. Which also means, one tactic per week.” Inilipat niya sa sunod na pahina ang notebook, at itinuro ang note na may red mark. “If hindi talaga ito uubra, lilipat ako ng ibang school sa next semester. Pero sa abot ng makakaya ko, natin, nais kong ga-graduate sa mismong paaralan natin. Kase . . . Kase sa paaralang iyon ko naranasang ma-expose ang passion ko sa music. Doon ko rin . . . Doon ko rin nakilala ang taong dahilan ng problema ko ngayon.” Ngumisi ako at bahagyang sinundot ang tagiliran niya. “Ang sabihin mo, sa paaralang iyon mo naranasang mabakla sa ex ko!” “For your information, hindi ako bakla!” Nauwi sa iyakan at tawanan ang usapan namin ni Drae sa rooftop, ng hapong iyon. Doon ko rin nadiskobre na hindi naman pala masamang tao si Drae. In fact, parang nalulunod ako sa lalim ng mga imahinasyon niya. Mature, baliw, at minsan tanga siya kung mag-isip. Siguro mali lang ang judgements ko sa kaniya noon. Also, nag-a-adjust pa rin siya sa kaniyang s****l orientation. Hindi ko inakalang mix emotions ang mangyayari sa akin ngayong araw sa iisang tao lang. Parang kanina lang ay ayaw ko siyang paniwalaan, pero ngayon, pakiramdam ko, tamang desisyon ang ginawa kong pagtitiwala sa kaniya. Ewan ko na lang kung hindi ako sasakalin ni Faith kapag malaman niya itong gulong pinasok ko. NAUNANG nagpaalam si Drae na umuwi. Pasado alas-sais na ng gabi nang magpaalam siya. Bago siya tuluyang umalis, inabot niya muna sa akin itong perang kanina ko pa hawak-hawak. Banda alas-ciyete na. Hindi pa bumalik si Mama. Nagpaalam ulit kasi siyang bumili ng pagkain para panghaponan namin. Tulog parin si Papa. Kaya para akong timang na nakaupo rito sa bench, iniisip ang puwedeng rason kay mama kung bakit may limang libo ako rito. Kainis naman kasi! Padalos-dalos, pabigla-bigla ang walanghiyang Drae na iyon. Parang si Shin lang. Bakit hindi niya kaagad ito binigay sa akin noong nasa rooftop pa kami? Para matulongan niya akong mag-isip ng explanation kung saan galing itong pera! Ani pa niya, "thank you" salary ko raw ito. Nakakag*go lang. Pero napapaisip din ako. Ang ganda siguro kung lahat ng boss ay kasing mapagbigay ni Drae, ano? “Ano ba ’yan? Tulong! Send tips kung paano magsinungaling—” “Anak? Nasaan ang mama mo? At ano’ng "paano magsinungaling"?” Si Papa na mukhang nagising sa ginagawa kong ingay. Nanlaki ang mga mata ko at umiiling-iling. “Wala po, papa.” Pinilit kong tumawa sa harap niya, at iwinagayway ang aking mga kamay. “Kamusta po ang pakiramdam niyo?” Nangunot ang noo niyang pinagkatitigan ako, tapos ang kamay ko. “Ang dami mong pera, anak, ah?” ‘Diyos ko po!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD