HINDI ako makapaniwalang ang isang mayayamaning Drae Garcia ay luluhod sa akin, magmamakaawang tulungan ko raw siya. Pero hindi talaga riyan nakasentro ang isip ko. Kung hindi ay sa sinabi niya kamakailan lang.
At ngayon, hindi niya parin inalis ang kaniyang mga tingin sa aking mukha, hinihintay ang magiging kasagutan ko.
Well, first of all, I am not obligated to respond. Second, wala akong naiintindihan sa sinabi niya, bukod sa; manganganib ang buhay ni Shin kung ipagpapatuloy pa nila ang relasyon nilang dalawa.
Eh, ano naman ngayon—teka . . .
“Anong ibig mong sabihin, Drae? Anong manganganib? Bakit?”
Napatikom siya ng kaniyang bibig na kanina pang nakaawang, at napapahid siya sa kaniyang mga luha. Tumingala ulit siya sa akin bago magsalita.
“My family found out about my affair with Shin. We have reputations to protect, and me being with Shin is totally screwed up. They blackmailed me. If hindi ko siya mahihiwalayan, may masamang gagawin ang ama ko, sa kaniya. I am not yet certain what my daddy will do to him. But knowing how my family manipulates people and how they could ruin a person's life who they dislike, Shin would totally be in bad shape in the future.”
Habol ang mga hininga ni Drae. Bakas sa kaniyang mukha ang pagkasindak, pangangamba, at pait.
Pero hindi ko siya maiintindihan. Kung talagang mabigat ang kaparusahan ng ugnyan nilang dalawa ni Shin, bakit hindi na lang sila maghiwalay nang maayos? Mapag-usapan naman ito, hindi ba?
“Bakit hindi siya ang kinausap mo? Mas kilala ka ni Shin. Clueless ako sa mga bagay-bagay tungkol sa iyo. Hindi ko rin batid na ganiyan pala ka strikto ang mga magulang mo sa pakikipagrelasyon mo sa kapuwa tao. Not to mention your same-s*x relationship.”
Napahilamos siya sa kaniyang mukha at napaupo nang tuloyan sa damohan. Umupo rin ako sa tabi niya at pinagkatitigan siya.
Inaamin ko, ayaw ko talagang masangkot sa gulo at problema ng iba. May sarili rin akong problemang kinakaharap. Pero bakit tila ikakamatay ko ang simpleng pagsabi ng “hindi” sa hiling ng iba?
“I know I've been so selfish to you, Catalina. But I have to tell you this too: I can't do this by myself. Hindi ko kayang harapin si Shin after what I've done to him. Matapos ko siyang ilagay sa sitwasyon niya ngayon—”
“Matapos mo siyang mabakla?” Pagbibiro at putol ko sa sinabi niya.
“Well, sort of.” Bahagya siyang natawa, at ako naman ay napairap.
“Matapos ang lahat nang ito, hindi ko siya kayang hiwalayan sa pamamagitan ng usapan. Bukod sa ayaw ko siyang masaktan, nahihiya ako, or what, nadudurog din ang kaloob-looban ko,” pagpatuloy niya.
Napabuntonghininga na lamang ako. “Pero iyan ang pinakamabisang solusyon, eh. Iyan ang pinakamadali.”
“I don't need to choose the easiest solution to solve my problem. Ang nais ko ay ang matapos ito nang hindi masyadong ganoon kalaki ang impact ng mga pangyayari sa buhay namin. Iyong tipong . . . na kapag nangyari ang isang malaking trahedya, makakaya parin naming bumangon ulit. Kung mamadaliin kasi, pakiramdam ko, katapusan na ng lahat.”
Napailing ako at napasandal sa puno. “Sa bagay. Pero malay mo, ikaw lang ang nag-iisip ng ganiyan.”
Umiling din si Drae at bahagyang ngumiti. “Akala ko kaunting paghanga lang ’to. I never cried for a person before, not even for my beloved Yaya. I didn't cry this much. I have never poured my heart out to someone before, especially to a man. I am such an idiot for ruining other people's relationships and grabbing Shin into my fantasies. I forfeited myself to my own game. How awful.”
“Siguro mahal mo nga lang talaga si Shin.”
Palihim akong bumuga ng malalim na hininga nang banggitin ko ang mga salitang iyon. Kumirot ang dibdib ko nang maalala ko kung pano ko mahalin si Shin dati.
“Mahal ko rin si Shin, Drae. Mahal na mahal ko pa.” Nais ko sanang sabihin kay Drae.
Pero kahit sabihin ko man kay Drae iyon, wala rin naman mangyayari. Mas lalo lang bibigat ang mga nararamdaman namin. Mas masasaktan lamang siya, at alam ko ang pakiramdam na iyon.
Wala naman siyang kasalanan, eh. Kita ko rin namang mahal na mahal niya ang mahal ko. At ginagawa niya ang lahat para ma-protektahan ang dati kong tagapagprotekta.
“I want to end my selfishness by being selfish for the last time, Cath. Please, bigyan mo ako ng pagkakataong maituwid ang lahat. Bigyan mo ako ng chance na maibalik sa ’yo ang dati kong inagaw. Let me clean up my mess. Pero at the same time, kailangan ko munang hiramin ang tiwala mo,” aniya.
Napatitig ako sa kaniya. Wala akong maisagot. Sa halip ay naisipan ko siyang tanongin ulit.
“How about ang parents mo? Eh, kung i-try mo silang kausain nang maayos? I'm sure maiintindihan din nila kapag masabi mo sa kanila ang lahat ng mga hinaing mo.”
“Hindi sila ang tipikal na mga magulang, Cath.” Tinuro niya ang kaniyang mukha. “My dad did this when I tried to explain. Walang usapang nangyari. My mother even collapsed because of too much stress. Hindi . . . Hindi ko sila makakausap kagaya ng sinabi mo. I cant talk to my father with my oppositions. Kung ganoon lang kadali, hindi na dapat ako narito—”
Biglang nag-ring ang cellphone ko dahilan upang madako ang atensyon namin doon.
Kinuha ko mula sa aking bulsa ang cellphone, at mukha kaagad ni Mama ang bumungad sa screen.
Sinagot ko kaagad ang tawag. “’Ma? Napatawag po kayo?”
Hindi nagtagal, sumagot agad si Mama, pero nanginginig ang boses. “Anak, punta ka rito sa San Sebastian Public Hospital. Si Papa mo, nagsusuka ng dugo. Isinugod namin siya ngayon. Nasa taxi na kami,” sunod-sunod na wika ni Mama.
“Po? Opo! Papunta na ako riyan, ’ma.” Agad ko nang binaba ang tawag at tiningnan si Drae.
“Si Papa, isinugod sa ospital. Aalis na ako, Drae. Pakisabi na lang kay ma'am na half day muna ako. Emergency lang talaga.” Dali-dali ko nang kinuha ang bag ko at tumakbo na papuntang gate.
Napatingin ako sa wrist watch ko, kinse minutos na lamang ay mag-a-ala-una na ng hapon.
Nang makalabas ako sa campus, palinga-linga ako sa daan. Walang jeep!
“Catalina! Dito, sakay!”
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Drae, hawak-hawak ang pinto ng taxi, at sinisenyasan akong sumakay roon.
Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Agad na akong tumakbo papunta sa taxi at sumakay roon.
“San Sebastian Public Hospital, kuya,” aniko sa driver nang tuluyan na nitong pinaandar ang sasakyan.
Habol pa ang hininga ko, at hindi rin normal ang pagtibok ng puso ko.
Sana walang mangyaring masama sa ama ko. Please . . . Please lang!
“Calm down, Catalina. Magiging okay rin ang papa mo.”
Nilingon ko si Drae. Nakaakbay siya sa akin habang kandong-kandong niya ang bag ko.
Napakurap ako nang ilang beses. Nawala sa isip ko si Drae. Tumikhim ako at pasimpleng kinuha ang bag ko na nasa kandungan niya.
“Bakit mo ako sinundan?”
Malimit lang siyang ngumiti sa akin. “I want to help.”
Napabuntonghininga ako. “Family matters ko na ito, Drae. Kung iniisip mong tutulungan na kita pagkatapos ng pagtulong mo sa akin ngayon, pwes nagkakamali ka. Saka, hindi ko naman hinihingi ang tulong mo.”
Nangunot ang noo ni Drae. “Forget about earlier. Ang papa mo muna ang isipin mo ngayon,” aniya.
Napatango na lamang ako. “Ako dapat ang magsabi niyan.”
NANG makapasok kami sa loob, agad kong kinausap ang secretary na naatasan sa pagtanggap ng mga patient's visitor. Agad kong tinanong ang room number ng papa ko, kung nasaan sila naka-confine.
Panay sunod lamang si Drae hanggang sa maabot namin ang ward na pinag-i-stay-han ni papa.
“Mama, ano pong balita? Bakit po nangyari ito?” bungad ko nang sa wakas ay nagkita kami ni Mama.
Pilit na ikinalma ni Mama ang kaniyang sarili bago ako sagotin. “Kakagising lang kasi ng papa mo. Pagkagising niya, tinawag niya ako. Sabi niya, hindi raw siya makahinga. Parang may-umiipit daw sa tiyan at dibdib niya. Hanggang sa bigla siyang umubo. Pero may dugong lumalabas sa bibig niya. Nang umupo siya, bigla na lamang siyang nag-collapse. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganoon!” Hindi na nakatiis si Mama at tuluyan nang umiyak.
Niyakap ko siya at pilit na ikalma. Pati ako ay kinakabahan din sa nangyayari.
“Kailangan niya raw ng operasyon. Malubha na ang kalagayan niya. Ang complications niya sa atay ay malala na. Nakitaan rin siya ng iba pang komplikasyon sa baga. Ang asthma niya noong kabataan niya, bumalik. Iyon ang unang sabi ng doktor. Pero i-che-check pa raw nila para malaman kung ano ang dapat nating gawin. Catalina, wala tayong pera para sa operasyon.” Napahagulhol na si Mama habang ako naman ay samo't saring ideya at emosyon na ang tumatakbo sa aking isip at sistema.
Dumako ang tingin ko kay Drae na nakatingin sa amin. Bakas sa kaniyang mukha ang pakikiramay, pag-aalala, at pagiging seryoso.
I guess I don't have a choice but to negotiate with Drae Garcia. Sa ngayon, kailangan ko munang lunokin ang lahat ng emosyon ko at magtiwala sa kaniya. Kailangan kong mapagamot si Papa.