DRAE HAVEN GARCIA
It took everything for me to stay focused on doing my homework. Pabalik-balik pa rin sa utak ko ang tawagan namin ni Shin kanina nang makauwi ako.
“We finally broke up. Can you curse me for a second, Drae?” aniya sa telepono, nanginginig ang boses at mukhang hindi mapakali.
“You're an assh*le, Shin.” Pagsunod ko sa utos niya.
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. It was not genuine laughter, but an obviously guilty and fake laugh. Hindi niya ako maloloko sa tawa niyang iyan.
“So, are we official now?” seryosong tanong niya sa akin.
Malimit akong napangiti saka sumang-ayon.
Shin and I started dating for almost three months without Catalina's knowing.
Yes, ganoon lang kadali. Kami na nga—officially. And f*cking yes, hindi ito madali para kay Catalina. She doesn't deserve this. Shin and I were both assh*les.
Shin really has this personality that really surges my eagerness to punch him straight in the face. Ang kaniyang padalos-dalos na mga desisyon. Na kahit ako ay nabigla na lamang nang sabihin niya sa akin noon—while we're hanging out at my lolo's house, on the veranda, while we watch the setting sun—that he wanted to explore and experience being such one—being bisexual—like me. Na medyo nauumay na raw siya sa buhay na lahat na lang pagpupuri ang natatanggap niya. That he missed judgments and challenges, and he's starting to worry about his future. Na baka lalaki ang ulo niya't hindi na niya matutuhang maging flexible sa pag-intindi sa iba dahil palagi na lang siyang na sa ibabaw at pinupuri ng mga tao. He said that he wanted to step down and try something new. And when he said he wanted to explore my world, he meant he wanted to be like me.
I warned him that this was not a typical item that he could own and return if he became bored with it. Gender identity is not a trial and error thing. That gender just naturally occurs. That it naturally resembles oneself. Hindi iyon try-try lang. And for heaven's sake, hindi ako laruan lang para i-test niya kung compatible ba ako para sa kaniya o hindi.
Pero ayaw niyang makinig. With all his efforts, he kept on coming after me. Until I realized he seemed to be doing the courting thingies.
And I knew I was f*cked up when I let him into my life.
Pinakiusapan ko siyang maging private lang muna ang relasyon namin hangga't hindi pa siya sigurado sa nararamdaman niya. I explained to him that being bisexual doesn't mean you're gay. It means you can go both ways. Kaya habang hindi pa siya sigurado—since "try-try" pa lang iyong pagsasama namin noon, I wanted our relationship to be private first.
Pero mukhang parehas talaga kaming baliw, eh. We're both indeed assh*les. Dahi habang tumatagal ang "exploration" namin sa aming sarili, hindi naman mabiro ang mga puso namin at may lakas pa talaga kami ng loob para mahulog sa isa't isa.
How pathetic.
I appreciate his efforts towards me. Talagang ma-effort nga si Shin, gaya nang narinig ko galing kay Catalina noong kausap niya ang best friend niyang si Faith.
I wonder if nagawa na rin ba nila ang mga bagay na ginagawa namin ni Shin? I mean . . . why the actual f*ck I am blushing right now? What I meant was the dinner-together and simple-yet-sweet things that happened to us. For heaven's sake, wala akong balak na gapangin o magpagapang kay Shin! Oh, God, that's way too far from what I was expecting when talking about romantic moments together with a lover.
Call me a j*rk, but I prefer cuddles and kisses rather than s*x before marriage.
What the hell? Hindi ako makapaniwalang may time pa talaga akong mag-isip ng tungkol sa s*x!
Alright, back to my homework. And by tomorrow, hindi na ako magtataka kung makakailang sampal ako galing kay Catalina. She deserves to slap me, and I am more deserving of being slapped.
NAPAUPO ako nang tuwiran nang mag-ring ang cellphone ko ngunit agad ring mag-off.
Inis ko iyong dinampot at tiningnan kung sino ang nag-mi-miss call. It was Dad.
I-da-dial ko na sana nang tumunog ulit iyon. Those were notification ringtones, not for calling rings. Sunod-sunod ang pagpop-up ng mga notifications sa cellphone ko. Mga messages iyon galing sa opisina ni Dad.
Napabuntonghinga ako nang maisip ang mga parents ko. Kahit simpleng pangungumusta ay pinadadaan pa nila sa email with formal format of messages. At hindi pa talaga sila iyong personal na nag-type ng mga messages na iyon. Pinapa-type at pinapa-send pa nila itong mga messages, through their secretaries.
Pagak akong natawa. Para akong client na formal nilang ini-inform na uuwi sila rito next week.
Binato ko ang cellphone ko sa aking higaan at napatingin sa wall clock. Lagpas alas ciyete na. I need to make dinner for myself.
Sandali ko munang nilapatan ng tingin ang aking mga homework. I checked it to see if natapos ko ba talaga. And yes, I did.
Lumabas ako sa kuwarto at bumaba na papuntang kusina. Sakto namang tumunog ang doorbell kaya kunot-noo akong napatingin sa pinto.
Hindi na bago sa akin ang ganitong oras na pagbisita ng taong ito sa akin.
Shin was always stubborn. At mukhang wala itong planong bagohin ang ugali niyang iyan.
“Give me more than five reasons why you're here,” malamig na tonong sabi ko nang pagbuksan ko siya ng pinto.
Ngumisi lang siya at biglang tumalon sa akin, at mabilisang hinalikan ang magkabilang pisngi ko, noo, baba, ilong, at nagtangka pang halikan ako sa bibig. Pero buti na lang ay agad akong umilag at agad ko rin siyang tinulak.
“Shin!” sita ko sa kaniya.
Tumawa lang siya nang malakas sabay sabing, “Lima.”
“Ano?”
“Limang kiss pa lang iyon. Ang sabi mo more than five, eh,” pagbiro niya at muli akong nginisihan.
The f*ck! Kung mas mataas lang sana ako sa basketball player na ito, malamang kanina ko pa siyang pinatumba.
“Whatever. Ano iyang dala mo?” pag-iiba ko na lamang ng topic.
I wonder what's happening to him. Bakit parang wala lang sa kaniya ang manakit ng babae? As if nakipag-break siya dito noong nakaraang taon pa.
“Ulam. Tara, sabay na tayong kumain,” aniya at walanghiyang tuloy-tuloy lang na pumasok sa bahay ko. And then I realized something.
“I appreciate this, Shin. Pero kailangan mo nang umuwi. You are f*cking drunk, and you sound, smell, and act stupid.” Galit ko siyang tiningnan.
Pero ngumiti lang siya at patuloy lamang sa pangunguha ng plato sa kusina ko.
“Shin, please,” pakikiusap ko.
Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Naging seryoso ito at napatitig rin pabalik sa akin.
“Drae, let's eat first,” aniya.
Wala akong kibong sumunod sa kaniyang sabi at tahimik na napaupo sa hapagkainan.
Plano ko pa namang mag-enjoy sa pagluluto at kumain nang mag-isa ngayong gabi para kahit papaano ay gagaan ang loob ko. But the awkward dinner with Shin I am experiencing right now is too much to bear.
Nahuli ko pa ang pagbuka ng bibig niya. Ngunit inunahan ko na siyang magsalita.
“How dare you still have the balls to get yourself drunk, come here to kiss me, and have dinner with me like nothing happened wrong? Alam kong wala ako sa listahan ng mga iniisip ni Catalina araw-araw. Pero ngayon, siguradong ako na ang pinaka-unang tao sa listahan ng mga kinasusuklaman niya. And here you are, Shin, acting so fine and happy. If what you had was true, you shouldn't act like this!”
“So, anong gusto mo? Tayo na, pero na kay Catalina parin ang attention ko, ganoon ba?” sabat niya sa akin.
Natigilan naman ako at mahinang napailing. “But at least show empathy. Huwag iyong parang nag-pa-party ka na sa tuwa dahil wala na kayo,” mahinang tugon ko.
“What we had was true, Drae. Catalina was a very kind and supportive girlfriend, not to mention her undying love and care for me. Nararamdaman ko iyon. Alam ko. And I loved her so much. Pero hindi naman kasi porque nakahanap ka na ng taong mahal ka, sapat na iyon. Paano ang sarili ko, Drae? Catalina loved me to the point I was drowning in it. And I loved her so much to the point I know longer remember when was the last time I enjoyed spending time with myself, discovering things by myself, got satisfied with simple bondings with myself.” Sandali siyang natigilan at napapunas sa kaniyang pisnging ngayon ay basang-basa na sa kaniyang mga luha. And it took everything in me just to restrain myself from pulling him for a hug. I want to hug him so badly, but I still need him to explain more. I want to listen more. And he must give me five literal reasons to satisfy my mind.
“Being with Catalina before was so fascinating. We dreamed together, made inside jokes together, traveled, and saved money to spend it on a simple yet cute date. Pero habang kay Catalina na lamang umiikot ang mundo ko, I already forgot who I really was. Bukod sa pag-ba-basketball, ano pa ba ang magagawa ko?
Then I discovered you during our last vacation. Alam kong hindi tayo close dati dahil pa-mysterious ka. Para akong naging bata ulit noon. Manghang-mangha sa mga bagong bagay na nadiskobre ko. You taught me to balance my heart between a certain person and myself. Noong na sa bakasyon tayo, that was the first vacation na hindi ko naikwento kay Catalina. Because palagi na lang kahit sa tuwing lumalabas ako ng bahay ay pinapaalam ko sa kaniya. And even if I was busy with my training, I felt obligated na bumawi sa kaniya dahil baka magtampo siya. And hey, Drae, let me be honest by telling you that it chokes me already. Nasasakal na ako. I want to discover things more. Things beyond Catalina's company, things beyond basketball, things beyond my world. And I wanted to experience those things with you, Drae. I want you to show me the things I haven't discovered yet in my life.”
Napayuko ako at pasimpleng napatango. Tanging malalim na paghinga at mahihinang paghikbi niya ang tanging ingay na maririnig sa loob. Hinahayaan ko siyang umiyak habang nakadukdok ang ulo sa ulo, while I am still absorbing everything he said to me.
“Pero what if masasakal ka lang din sa akin pagdating ng panahon? Iiwan mo rin ba ako with the same reasons why you left Catalina?” Nanginginig ang mga kamay ko sa hindi ko alam na dahilan. I felt pressured matapos ko siyang maiintindihan. He is still discovering himself. What if mapatunayan niyang straight talaga siya? Paano ako?
Oh, damn. And here I am, muntikan nang makalimutang I can do both ways. Do I sound legitimately gay right now?
Nahuli ko siyang malimit na napangiti at umiling. “I don't think that will happen.”
“No, it'll happen,” putol ko sa kaniya. “Because I'll literally choke you if you do something stupid in your life in the future. Debale na kung iiwan mo ako, soon. Basta't hindi mo lang babagohin ang pananaw mo sa buhay. Keep exploring until you discover the things that will finally satisfy you. Sa ngayon, susuportahan muna kita . . . bilang boyfriend mo,” seryoso kong sambit sa kaniya. At inaamin ko, kinikilig ako sa huling katagang binitawan ko.
I think we must take this thing one step at a time. I really hate pressure. Kung ano man ang mangyayari sa aming dalawa, I don't know. Pero hindi ko parin maiwasang sekretong mapadasal na sana . . . Sana ay hindi niya ako iiwan kagaya ni Lola, o kagaya ng pag-iwan niya kay Catalina.