Chapter Nine

1511 Words
AFTER TALKING with Shin, naging comfortable na ako sa relasyon namin. I mean, hindi naman kasi kami iyong tipo ng mga magkasintahan na halos nilulunod na ang mga sarili sa ka-corny-han. Today is Friday. I went to school like normal school days, being late, acting like not giving a d*mn to every single thing I see, and hanging out with my club mates like what I usually do. Pero hindi parin panatag ang loob ko everytime na nakakasalubong ko si Catalina. Her eyes were visibly swollen even though I suspected she was wearing light makeup today. Obviously, she's been crying all night. I felt guilty. I hope time will heal her fast. I know I don't have the right to feel and hope for her good. Technically, I just stole her boyfriend. Sino naman ang hindi masisira ang araw tuwing nakikita mo palagi ang karibal mo? That's why I understand her. Napabuntonghinga akong naupo katabi ni Shin ngayon sa ilalim ng puno ng mangga na sadyang itinanim sa gitna ng school ground. Walang katao-tao rito sapagkat ang karamihan ay nasa room na dahil ilang minuto na lamang ay magsisimula na ang klase. May schedule ako para sa practice namin mamaya, kaya hindi na akong nag-abalang isiping magmamadaling pumasok. Madalas humahabol na lamang kaming dalawa ni Shin sa mga homeworks, projects, at mga activities. Hindi na namin kailangang tumagal sa aming upuan buong araw sa aming classroom. Exempted naman kaming dalawa dahil athlete si Shin, at ako naman ay president ng music club na binansagan pa nila ng ka-artehan at tinawag pa akong Musical Prince of The Club. “Ang lalim naman ng iniisip mo riyan. Share mo nga,” nakangiting ani Shin. Napailing naman ako at napasandal sa puno. “Hindi ka ba nag-aalala kay Catalina?” tanong ko sa kaniya. “Really, Drae? Heto na naman ba tayo?” walang gana niyang tanong pabalik. Hinarap ko siya nang maayos. He looks good in a complete uniform. Mukhang wala silang training ngayon kasi white sando lamang ang nakikita kong inner shirt niya. Madalas kasi ang jersey ang pinapailalim niya sa kaniyang uniform tuwing may aasahan silang practice. “I am just concerned about you. Shin, I know you are smart. Kaya alam kong hindi ka tanga para hindi makita ang mukha ni Catalina these past three days. I just feel guilty and sorry for her,” mahinang tugon ko. Ramdam ko naman ang pag-usog niya palapit sa akin at pasimpleng isinandal ang ang kaniyang ulo sa aking balikat. He smelled so manly yet so sweet. I can't help but sniff his head as I savor the smell of his shampoo and the natural scent of his hair. “What do you want me to do, Drae?” biglang pagsasalita ni Shin nang hindi umalis sa pagkakasandal sa akin. Minsan, napapaisip na rin ako kung ganito rin ba siyang maglambing kay Catalina at sa iba niya pang mga ex—kung mayroon man—noon? I felt envious, but I still feel honored to be part of his life right now. I don't have any ex-lovers. I once had a best friend who I fell in love with before. But that was five years ago. Puppy love lang iyon. I was just fourteen at the time. Pero nasa London na sila ngayon ng family niya. And I've heard maaga siyang nabuntis kaka-join niya sa mga bulgarang parties doon. Spoiled brat kasi si Yvonne kahit noon pa man. Ewan ko nga bakit nagustuhan ko siya dati. Maybe because she's very charming and pretty. However, she's being influenced by that "London-life" type of living. Kaya iyon na nga ang nangyari sa laniya. Ito rin siguro ang rason kung bakit wala pa talaga akong masyadong experience sa pag-handle ng relationships. It is because I haven't had a girlfriend ever since. I once discovered I was bisexual the first time I saw Shin. He was in his seventh grade, while I was in my eighth grade. Ang akala ko lamang ay ini-idolo ko lang siya sa galing niyang mag-basketball. Pero habang tumatagal, lumalalim ang feelings ko sa kaniya. Mas matanda ako nang isang taon kay Shin. Kaya noong nag-senior highschool na ako, timing ding nawala ang pinakamamahal kong lola, nag-decide akong tumigil muna sa pag-aaral. Isa rin sa nais kong magawa ay ang makapag-transfer sa HUMSS para mas madalas ko nang makita si Shin. Na realize ko kasi na dalawang taon na lamang ay ga-graduate na kami. I don't want to lose one more year to not expressing myself to him. Si Lola na rin mismo ang nagsabi sa akin; na gawin ko ang mga bagay na gusto ko bago pa mahuli ang lahat at pagsisihan na lamang ang nakaraan. But when I discovered that Shin and Catalina—who also happened to have a huge crush on him—were already together, mas lalo lang akong naging introvert at nawalan ng ganang magpatuloy sa pag-aaral. I thought, anong silbi ng pag-aaral kung either mag-e-excell ako sa klase o hindi, eh, ako parin naman ang mga mag-le-lead sa business namin pagdating ng panahon. Para bang si Shin lang talaga ang rason bakit nagpapatuloy pa ako. But I knew it was wrong. But everything changed, and it seemed like fate gave me a chance to experience Shin's company. During our last summer vacation, coincidentally, Shin's relatives moved in near to my grandparents' house. Madalas kaming nagkikita doon. And since ako lang ang ka-level ng edad at kilala niya sa lugar na iyon, at wala rin siyang close na mga pinsan, madalas siyang tumatambay sa bahay ng lolo ko at laging nagpapaturo sa aking magpatugtog ng gitara. Hindi lang friendship ang nabuo sa dalawang buwan naming laging pagsasama. I knew it was wrong to show my motivation towards Shin, to act differently and treat him in a special way, because he still had Catalina. But then, during the last week of our vacation, he suddenly approached me, saying he wanted to explore my world, and he wanted me to teach him more about life beyond his understanding. Ang saya ko noon. But I am still guilty because Catalina was a very kind girlfriend to him. Kitang-kita ko sa mga mata ni Cath na mahal na mahal niya si Shin. And until now, kahit official na kami at official na ring wala na sila, alam kong labis pang nasasaktan si Cath sa nangyari. She doesn't deserve it. Pero ayaw ko ring bitawan ang pagkakataong mahawakan ko si Shin nang ganito ka lapit. Parehas lamang kaming matagal na naghintay. Maybe fate was just being fair to the both of us. “Drae? Are you listening to me?” Nagbalik ako sa kasalukuyan nang muling magsalita si Shin. Oo nga pala, he was asking me what he should do. “I want you to talk to Catalina in a formal, decent, and peaceful way, Shin,” aniko sabay haplos ng kaniyang buhok at nanatili paring nakadikit ang aking ilong, sa ulo niya. Narinig ko ang kaniyang pagbuntonghinga na hindi ko na lang pinansin. “Alright, love.” The f*ck! Biglang nag-init ang systema ko at mariin akong naubo sa sinabi niya. “What the f*ck did you just call me, Shin?” Tumawa lang si Shin na para bang iyon na ang pinakanakatutuwang joke na narinig niya. “It was just an endearment, Drae. Don't tell me you're allergic to that?” nakangisi parin niyang sabi. How I wish I could wipe that grin off his face. Napairap na lamang ako. Timing ding nag-ring na ang bell ng school—nagpapahiwatig na ala una na, at kailangan nang pumasok ng lahat. Patayo na sana ako nang makarinig ako ng shutter sound ng camera. Hindi iyon kalayuan sa aming direksyon. Mukhang hindi iyon pansin ni Shin dahil abala ito sa pag-ayos ng uniform niya. “Drae, sa classroom ang punta ko ngayon. May meeting kayo sa club, hindi ba? Magkita na lang tayo after classes. I'll talk to her. Don't worry now,” aniya nang may maamong boses. Napangiti naman ako at tinanguan siya. Kinuha ko na ang sling bag ko, saka ang gitara kong nakasandal sa puno. Sandali akong nilapatan ng halik ni Shin sa pisngi kaya mabilisan akong napaatras at napailing—patagong napangiti. Akmang uulitin niya pa iyon nang makarinig ulit ako ng shutter sound. This time, pati si Shin ay napalingon din at mukhang napansin din iyon. “Whoever the hell you are, you better shut up. Or else I'm going to smash not only your camera but also your balls—” putol na saad ko. “Drae, calm down.” Tiningnan ako ni Shin nang may mapaniguradong tingin. “It's fine.” “Hindi iyon fine, Shin. A certain f*cker is spying on us!” hasik ko sa kaniya. Tinawanan lang niya ako saka siya napailing. Humakbang siya papalapit sa akin saka may binulong. “Don't worry. I'll protect you. And by the way, I don't like it when you curse too much, Drae.” Naitikom ko na lamang ang bibig ko bago nag-iwas ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD