Chapter Ten

1126 Words
SHIN HAROLD BAUTISTA Napabuntonghinga ako nang mariin habang prina-practice sa isipan ko ang sasabihin kay Catalina. Hindi na bago sa akin si Cath, kaya naiirita ako sa inaasta ko ngayon. Well, of course I should feel awkward like this because it's all my fault that everything has become this complicated. “Bahala na. I'll just talk to her, and then leave,” bulong ko sa sarili. Bitbit ang bag ko, palinga-linga ako sa ground ng school, nakatayo sa ilalim ng puno. Dito madalas na dumadaan si Catalina tuwing uwian para i-arrange ang mga gamit niya sa bag, bago umuwi. Maganda kasi talaga tambayan ang punong ito. Marami ang nakikinabang na mga estudyante. Nag-iisa lang ito rito sa school ground. Ito rin ang pinakamalaking punong naitanim ng school. Ang ibang puno naman ay inilagay na sa may mural at sa may gate. Itong puno lang talaga ang agaw-pansin dito sa gitna. I wonder where she is right now. Nang mag-ring kasi ang bell kanina, parang mga kabayong nakawala sa kulungan ang mga kaklase ko, at nagmamadali kaagad na nagsisilabasan. Nang makalabas ako, hindi ko na nakita si Cath. Ang liit niya talaga kahit kailan. Lagi talaga siyang nawawala sa paningin ko noon, lalo na't kapag sa crowded places kami pumupunta noon. Napailing na lamang ako. Ideya ito ni Drae, eh. He really does think too much. Ni hindi nga masisigurado kung iyon ba talaga ang nararamdaman ni Catalina ngayon. The way she still looks at me, participates in class, and does her duty as our class president, is just normal. I don't think she's really that offended by our breakup. Matapang kasing tao si Cath. Ika pa niya sa akin noon, dibale nang mawala raw ako sa piling niya, basta't makaga-graduate siya. Kung biro man iyon, well, it doesn't seem to be a joke. She really works hard to maintain good grades. She's mentally strong. Pero tama rin naman si Drae. I haven't talked to her ever since we separated. Furthermore, the tension and the awkwardness between us is still undeniable. Kaya mas mabuti ngang magkamustahan kami. For peace lamang siguro, at sa ikatatahimik ng konsenya ni Drae. Wala sa sarili akong palakad-lakad sa school ground nang mahagilap ng mata ko si Carl. Nangunot ang noo ko. “Ano’ng ginagawa niya rito?” And then a sudden realization hits me. Natigilan ako nang makita ang babaeng mukhang natabunan ng katawan niya kanina kaya hindi ko kaagad nakita. It was Catalina. They were so fine together. A glimpse of happiness is visible in Catalina's eyes. Napalunok ako roon. Then, my chest suddenly ached. For no particular reason, I felt weird, confused, and distracted. How come ang bilis naman yatang magkapalagayan ng loob ng dalawang iyan. Carl is a playboy. I knew all about him. Kung hindi lang kami nagkaroon ng conflict nang dahil naging kami ni Cath noon, eh, baka mag-bestfriend parin kami ngayon. Everything was just wasted because of the love I chose before. And that chosen love is already gone now. I just lost a friend recklessly. And now, he's finally living his dream—to hold Catalina's hand, look her closely in the eyes, and have a deep, silly, and senseless conversation together. Mga bagay na dati niyang inaasam. Mga bagay na ikinaiingit niya dati sa akin, noong sa akin pa si Cath. But I chose this path anyway. Past is past. Kaya lang, mukhang hindi ko na makakausap ngayon si Catalina. Nakalabas na sila sa gate nang hindi dumadaan dito sa ground. Diretsohan lang ang lakad nila, at mukhang hindi na nga siya nagkakaroon pa ng interes sa punong ito. I haven't seen her visit here once since we separated. Humugot ako ng malalim na paghinga at ibinuntong iyon, saka napagpasyahang umuwi na lamang. BAGSAK-BALIKAT nang makauwi ako sa bahay. Binati ko ang nakababatang kapatid kong lalake na mukhang kanina pa nakauwi. Naka-headset siya at mukhang walang planong i-entertain ako. Tinangoan lang niya ako at kaagad na bumalik sa ginagawa niyang pagkulikot sa kaniyang cellphone. Dumiretso na ako sa kuwarto ko para magbihis. Kami lang ng kapatid ko rito sa bahay. My dad died when I was just five due to a car accident. Half-brother ko lang talaga si Bryle. Noon kasing nag-mo-move on pa ang mama ko sa pagkawala ni Dad, sinamantala naman iyon ng kaibigan niyang may gusto pala sa kaniya. They both got drunk and made a mistake. And that mistake led to a snobby yet pretty assh*le named Bryle Martinez. He's using my mother's maiden surname. Dahil hindi pumayag si Mama na magkatuluyan sila ng kaibigan niya—na papa ni Bryle—dahil may pamilya ito. I know, it was complicated. Mama works abroad to support us financially. Kukulangin raw kasi ang sahod niya rito sa Pilipinas. Unlike Drae, he's terribly rich. Ewan nga kung bakit nagtatiyaga pa siyang makipagsiksikan sa mga estudyante sa school namin, eh pwede naman siyang mag-home study or lumipat sa magarang paaralan—iyong De air-conditioned. My mom always reminded me that it was just an accident. She still loves my father—her wedded husband. But of course, Bryle must not feel like he was just a garbage. Well, Mom never treated anyone of us as trash, nor did she see Bryle as an accident baby. What she meant was that s*x happened to her and her ex-friend. It's really confusing and complicated. Kaya lang, hindi ganoon kadaldal si Bryle. He is just thirteen years old—five years younger than me. Puro lang siya cellphone. Nagsasalita lang kung may gustong kainin, ipabili, o may tanong sa homeworks niya. Other than that, he's mute. Pwera na lang kung hindi topakin at sundin ang mga pranks na nakikita niya sa social media, at ako ang ginugulo. Napailing na lamang ako. Lumabas na ako ng kuwarto para sana magluto ng hapunan. Yep, wala akong masyadong alam sa gawaing bahay. Mga lalake kami pareho dito kaya hindi talaga ganoon ka home sweet home ang dating nitong bahay kasi medyo magulo. Pero kaniya-kaniya kami ng linis ng kuwarto—kung lilinisan pa ba talaga iyon, paglalaba ng mga damit namin, at paghugas ng pinggan. Basta, nabubuhay pa naman kami. As expected, frozen foods ulit ang menu ko for tonight. For heaven's sake, hindi ako ma-alam sa pagluluto ng potahe. Ibaba ko na sana ang isang pack ng tocino para ilipat sa mangkok nang marinig ko ang notification bell ng cellphone ko. Sandali ko iyong dinampot para tingnan kung tungkol saan ang notification. There I saw that made my heart skipped a beat. It was the photo of me and Drae, cuddling under the three—happened this afternoon. Ito yata iyong narinig naming nag-pi-picture sa amin kanina nang patago. Drae would be totally pissed off of this!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD