WALANG pasabi-sabi ang panahon. Buwan na ng Oktubre. Ang lahat ay may kaniya-kaniya nang mga pinag-po-post sa Social media patungkol sa kung saan sila nagbakasyon, sino ang kasama nila, at kung anu-ano pa. Paano ba kasi, sem-break na. Masaya ang lahat. Pero ako? “Anak, ikaw na muna ang bahala sa mga bisita. Magpapahinga lang ako. Kagabi pa ako walang tulog, eh,” mahina at walang kabuhay-buhay na bilin ni Mama sa akin. Tumango lang ako, at sinunod ang utos niya. Kaunti na lang ang mga nakiramay. Pero mamayang gabi, tiyak magsisidatingan na ang mga kamag-anak namin, side ni Papa. At mukhang dito na sila magpapalipas ng gabi para bukas. Oo. Kung ang iba kong mga kaklase ay masaya sa bakasyon nila, ako, hindi. Pangatlong araw na ng burol ni Papa. At bukas na ang libing niya. Hindi na nam