“ANG bango natin ngayon, ah?” natatawang sabi ko nang tuluyan na kaming makaalis ni Shin sa bahay. Ang lakas kasi talaga ni Shin sa Mama ko. Kaya hindi na ako nagulat kung bakit napaka-priceless ng reaction ni Mama nang malaman niyang wala na kami ni Shin. As in, umiyak siya. Panay tanong kung bakit. Pinagluksaan niya lang daw iyong naudlot naming—ugh! Huwag na nga nating balikan iyon! Tawa lang kami nang tawa ni Shin habang nakikinig sa pagiging emosyonal ni Mama kanina. Ang totoo, napagkasunduan na namin ni Shin na half-truths lang muna ang sasabihin namin sa kanila ni Mama. Hindi na namin binanggit ang tungkol sa issue naming tatlo—kasama si Drae. Pero at least natutuhan ko rin kung paano sana ka ayos iyong relasyon namin ni Shin noon kung hindi kami naghiwalay. Sometimes, it's not