BUMALIK na sa normal ang lahat—kinabukasan nang pumasok ako sa paaralan. Iyong pakiramdam na parang galing ako sa giyerang katatapos lang, o hindi kaya, galing ako sa gitna ng unos na kahuhupa lang. Lunes na Lunes, pero para akong nakalutang. Sobrang tahimik ng paligid ko. Nitong nakaraan lang, binato ako ng itlog, eh. Ngayon, parang wala lang nangyari. Wala na rin ang mga decorations na pinalamuti para sa Nutrition Month celebration nitong nakaraang Biyernes. Medyo kinakabahan ako. Hindi muna ako tutuloy sa room dahil kailangan kong makita si Shin ngayon. Muntik ko nang mapunit ang papel na kaninang umaga ko lang nakita. Para ito kay Shin. Mukhang nakalimutan ni Drae na ihabilin sa akin na ibigay ito kay Shin. Common sense na lang siguro ito para sa akin kasi may pangalan namang nakala