TBIW 4

2538 Words
LETICIA VIDA KINISKIS ko ng mariin ang mga ngipin ko nang umugong ang mga bulungan sa paligid habang pinagtitinginan ako ng mga guest. Napa-hiya pa ako sa sarili ko dahil dinedma talaga ako ni Krugen. I was expecting that he would give me a hand but he ignored me in front of everyone. What a gentleman. “Miss, are you alright?” Akma akong babangon sa pagkakadapa pero bago ko pa magawa iyon, may umalay na maugat at malapad na kamay. Hindi ko muna tinanggap at napa-tingala ako. Imbes na si Krugen ang gagawa ng ganitong aks’yon, ‘yong isa sa mga kausap n’ya ang nagmagandang loob para tulungan ako. “Y-Yes... somehow...” At dahil ilang sugundo na akong naka-dapa, kinapitan ko ang kamay n’ya at tinayo ko na ang sarili ko. “Are you hurt?” Dinako ko ulit ang mga mata ko sa lalakeng ito. He looks handsome too but he is not my business here. Ako ang bumawi ng kamay kong hawak n’ya. “Thank you... Don’t mind me... I am fine.” Nginitian ko s’ya ng hilaw. Hindi pa rin kasi tapos ang bulungan. May mga natatawa pa nga, lalo na ‘yong mga babae. At dahil hindi umobra ang pakulo ko, nagmadali akong umalis. Lumayo ako pero namalayan ko na lang na lumabas na ako sa exit. Wala naman kasi akong puwedeng puntahan. Papalipasin ko lang siguro kahit isang oras lang at napa-hiya talaga ako sa ginawa ko. “Nakakainis... I wore the most revealing outfit but he didn’t even dare to stare at me...” mahinang bulong ko. Napadpad ako sa isang garden na pinuno ng mga marmol na statwa. May nakita akong mesa at mga upuan kaya dumirestso ako roon para umupo saglit. Pabagsak kong nilapag ang purse ko sa ibabaw ng mesa at sumandal sa matigas na sandalan. Ang liwa-liwanag sa garden na ‘to, ang daming poste ng ilaw pero walang tao. Ako lang mag-isa. Gusto ko sanang mag-dabog, ang dami pa namang namumulaklak na mga halaman sa paligid ko pero ayaw kong galitin si Krugen. Paniguradong namukhaan n’ya ako kanina. Hindi kasi ako nag-lagay ng make up. Red lipstick lang. Sinadya ko iyon para makikilala n’ya ako kaya dapat magpakabait na ako. “Hi there, I thought I lost you...” Nangunot ang noo ko. Nilingon ko agad ang pamilyar na boses na ‘yon at nasilayan ko ang lalakeng naka-dark green tuxedo. S’ya ‘tong tumulong sa ‘kin kanina lang kaya't med’yo naibsan ang kahihiyan. Hindi ako nag-salita. Sinundan ko lang s’ya ng tingin at umupo s’ya sa kaharap kong bangko. “Nice to meet you, Miss... Shall I introduce myself...” Sabay nilahad ulit ang kan’yang kamay. “Andreas Dimitriou... and you?” Huminga ako ng marahan. “Leticia Vida.” Saglit akong nakipagkamay sa kan’ya. “I have never seen such a beautiful woman in my life not until I met you... You have a goddess beauty that shines brightly through the darkness...” Ang ganda sana kung si Krugen ang kaharap ko ngayon at sa kan’ya galing ang mga matatamis na salitang ‘yan. Napa-hikab tuloy ako. I gave him a bored look. Pinatong ko ang aking siko sa ibabaw ng sandalan upuan nilapat sa kaliwa kong pisngi ang likuran ng naka-kuyom kong kamao. “Do you want me to be your escort this evening?” While he is saying those words, he's not looking at me. His eyes are staring at a certain angle. It’s my chest. Naka-titig s’ya sa naka-luwa kong cleavage. Hanggang sa ibabaw ba naman ng puson ko ang hiwang design nitong bodice ng dress ko. I can feel his lusty gaze as if he wants to attack me already. Kayang-kaya n’yang gawin ‘yan dahil kaming dalawa lang ang nandito sa garden. Kulang na lang, maglalaway na s’ya pero hindi natutuloy at lunok s’ya ng lunok. “Can I ask you a question?” I said, forming a forced smile on my lips. “Yeah but... I have a tiny fee per question," tugon n'ya. Sinawalang bahala ko. “I saw you with Krugen earlier... Do you know that man?” tanong ko. “Yeah, he’s my friend.” Habang kinakausap ko s’ya, hindi n’ya pa rin inaalis ang mga mata sa susò ko. “And he hosted this party for me.” Napa-angat ang kaliwa kong kilay. “So... you are the birthday boy...” “Precisely, my lady.” “That explains why you want a piece of my cake,” natatawang sambit ko. Naging sunod-sunod tuloy ang pag-lunok n’ya habang titig na titig sa dibdib ko. “Should I?” namamaos n’yang usal. He’s howling over me. Para na s’yang aso na naulol sa ganda ko. “If you allow me to have... tiny piece...” Ngumisi s’ya. “Perhaps not. I am too sweet for your liking...” “That’s worth to die for,” mabilis n’yang sagot sa ‘kin. Bumuga s’ya ng mainit na hininga at nasilayan ko ang tila usok na lumabas sa kan’yang bunganga. “So, can I have you for one night? I will make you go insane in bed...” Pumakla ang ngisi ko. “Ito na lang kaya ang sipain ko?” mahinang usal ko. Natigilan ako saglit nang napa-salpok ang kan’yang mga kilay. “Did you just... speak in Tagalog language?” bulong n'ya. “Yeah? Why? You can understand me?” Natawa s’ya ng mahina. “I thought you were a Greek?” “Yeah.... but I have Filipino blood from my father’s side.” “Have you been in the Philippines?” tanong ko. “I am here for a vacation and it’s been two months from now.” “Kung fluent ka sa tagalog, mag taglish na rin tayo at baka maubusan ako ng English sa ‘yo.” Doon ko s’ya napa-tawa ng malakas. “Alright, we will do that.” Normal na s’ya mag-salita, hindi tulad ng kanina na parang nangaakit. Hindi puwedeng uuwi ako na hindi ako nag-tagumpay. Dapat bago ako uuwi ng Pilipinas, may maganda nangyari sa pagitan namin ni Krugen para papatayin ko sa selos ang Krujer kupal na ‘yon. “Where are we?” Nag-salita ulit si Andreas. “Ah, yes... I remember now.” Mukhang ayaw n’ya mag-paawat sa paanyaya n’ya. “Would you sleep with me?” makahulugan n’yang tanong. “Kung matutulog, ayos lang pero hanggang doon lang.” “Of course that includes séx,” kaswal n’yang tugon. “I am sorry, you are not my type.” Parang nabigla s’ya sa tugon ko. Sa totoo lang, natitipuhan ko rin s’ya. But I came here with a purpose and I don’t want to waste my time with anyone. Lalo na’t katawan lang habol. Ekis na ekis ‘yan sa ‘kin. “It’s getting cold, I have to get inside. It’s nice to meet you anyway.” Kinuha ko na ang purse ko at tumayo sa pagkakaupo. Nagmadali akong nag-lakad kahit naka stiletto high heels ako. Baka malay ko, hihilahin n’ya ako at hindi na ako makakapalag sa masamang balak n’ya, mahirap na. Mukhang desidido kasi s’yang ikama ako kaya umalis na ako. Ayaw kong mag-tagal doon na walang ibang tao. “I should have endured the humiliation... I couldn’t find him anywhere now...” Nang maka-balik na nga ako sa ground floor, hindi ko na nakita pa si Krugen kahit nakakailang ikot na ako. “Nauhaw tuloy ako.” Bumuga ako ng malakas na hininga at lumapit sa beverages dispensers. Nakainom ako ng ilang basong juice. Ayaw ko naman kasing malasing, wala akong kasama. Kahit nga si Nadina, hindi ko na rin s’ya nakita. Wala na akong kilala rito. But of course, I won’t give up. I have enough time to look for him. Maaga pa naman. Siguro gumugol ako ng halos kalahating oras, nawawalan na ako ng pag-asa. Kahit anino n’ya, wala akong nakita. Nakaramdam ulit ako ng uhaw kaya uminom ulit ako ng palamig. Nilapag ko ang baso ko sa ibabaw ng mesa at humakbang pero bigla akong natigilan. “W-What’s happening?” Napa-hawak ako sa noo ko dahil biglang umikot ang paningin ko. Napa-titig ako sa paligid at para akong nasa loob ng barko na may malakas na alon. Kung hahakbang ako, paniguradong gegewang ako. “Don’t tell me...” Hinarap ko pabalik ang beverages dispenser. Hindi pa naman ako nakakalayo. Siningkitan ko ng mga mata ang name tags ng mga dispenser na naka-lapag lang sa mesa. Pumikit ako ng mariin. Akala ko, simpleng juice lang pero mixed drinks at liquor cocktails pala. Ang mas matindi pa, halos lahat ng flavor, nainom ko! “Shít... hindi ko muna binasa kung anong uri ng drinks ‘yong mga ininom ko...” Saka ko lang naramdaman ang hilo ngayong naka-ilang glass na ako. Ayaw kong umuwi ng lasing! Hindi ko pa naman kabisado ang lugar na ‘to at wala ako sa Pilipinas! Huminga ako ng malalim bago ako humakbang palayo. Pilit kong tinutuwid ang lakad ko. Tinutunton ko ang malawak na living area na nakita ko kanina. Bukas naman ang pintuan kaya dire-diretso akong pumasok sa loob. Hindi ko pinansin ang mga guest na naka-tambay doon. Abala naman sila sa makikipagkuwentuhan habang umiinom ng alak. May nahanap akong vacant table na may naka-paligid na single couches at isang mahabang sofa. Para akong gumagapang at hirap na hirap akong humakbang. Umupo muna ako sa malambot na sofa at sumandal. Ang lakas ng air con pero pinagpapawisan ako. Napa-dami talaga kasi ang inom ko kanina. Ginawa ko ba namang tubig ang juice na may halong alak. Hindi ka agad malalasing kung konti lang nag na-t-take mo pero ‘yong sa ‘kin kasi, siguro naka-sampung baso ako. Pumunta naman ako sa restroom kanina para umihi pero nalasing pa rin ako. Para hindi lumala ang pagkahilo ko, pinikit ko na lang ang aking mga mata hangang sa hindi ko namalayang natalo na ako ng antok ko. “Miss, wake up.” Nagising ang diwa ko dahil may pormal na tinig na umuugong sa mga tainga ko pero hindi pa rin ako kumibo at inaantok pa ako. “Miss...” Marahas s’yang pumakawala ng malalim na hininga. “Sir, hindi pa rin po ba nagigising si Madame?” “I have been trying but..." “Sige po, ako na lang po ang gigising sa kan’ya... Lasing siguro si Madame kagabi kaya hindi na naka-uwi pa.” “Thank you, Nadina.” Humakbang na paalis ang lalake pero may mga yapak na palapit sa ‘kin. Oo nga pala, lasing na lasing nga ako at naka-tulog. Ang ibig sabihin lang nito, nandito pa ako sa mans’yon ni Krugen. Mukhang may pakinabang ang kapalpakan ko kagabi. “N-Nadina...” Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga sa mahabang sofa. “M-Madame! Salamat at gising na po kayo!” Tumigil s’ya sa harapan ko. “A-Ayos lang po ba kayo? Nagulat na lang ako kaninang umaga at nakita ka namin ng butler na mag isang naka-higa rito sa living room!” “O-Oo... nalasing ako... Masakit nga ang ulo ko ngayon...” “What’s the matter?” Napa-tayo ako ng tuwid nang um-echo sa pandinig ko ang matigas na boses ni Krugen. Kaagad ko s’yang binalingan ng tingin na kakapasok lang dito sa loob pero parang mawawala ang kalasingan ko sa aking nakita. Naka-swimming trunks lang s’ya! Mas’yado naman akong pinagpala sa araw na ‘to para masilayan ng maaga ang katawan ni Krugen. I feel like I don’t deserve to see this sight at all! Ang lakas maka-gamot sa hangover. Para akong mauubo at babara yata ang laway na pilit kong nilulunok. Mabagal s’yang naglalakad. I can hear the heaviness of his bare feet. Kinakabahan ako sa bawat yapak ng mga paa n’ya. “Boss Krugen, magandang umaga po... May isang guest po tayo na naka-tulog po rito sa living room... at kagigising lang po n’ya.” Huminto s’ya na may sapat na agwat sa gilid ni Nadina at humarap sa ‘kin. Kinilatis n’ya ang buong pagkatao ko. There is no slightest hint of respect in his eyes. I see nothing but disgust. Maybe because I am wearing a vulgar outfit. “My deepest apologies for causing trouble here... But let me rest for a few minutes... Masakit kasi ang ulo ko.” Tinapunan n’ya ng tingin si Nadina. “Summon a medical staff to nurse her,” maawtoridad n’yang utos. Bahagyang lumalaki ang mga mata ko ng dahan-dahan. “Masusunod po, Boss.” Umalis kaagad si Nadina. “H-How kind of you, Sir...” Binalik n’ya sa ‘kin ang malamig n’yang pagkakatitig. “D-Do you remember me? We already met somewhere if you try to jog your memory...” “Yeah, you are the violent woman who destroyed the plants in the garden.” Natawa ako ng hilaw. “And a drunkard that who wasn’t able to go home.” “G-Grabe naman kung maka-lasinggera... Hindi ko naman kasi alam na nakakalasing pala ‘yong juice—“ “Enough of your excuses, I don’t need it. After you have taken medicine, leave,” mariing sabat n’ya at nilayasan na ako. Sinundan ko pa rin s’ya ng tingin nang lumabas s’ya sa sliding door. Ngayon ko lang nakitang nasa labas lang no’n ang malawak na swimming pool. Ang hirap naman ng makipagusap sa kan’ya. Ni kahit kaibigain ko s’ya, parang imposible yata. Pero, tuloy pa rin ng laban! Maya-maya, dumating na ang nurse. May s’yang inumin na pampahupa ng hangover at gamot na rin. Habang inuubos ko ang juice, pinapanood kong lumalangoy si Krugen sa clear na tubig. Kahit halatang sa kan’ya ako naka-tingin, tinuloy-tuloy ko na. “Ano, kumusta po ang pakiramdam n’yo, madame?” “Magaling na ang sakit ng ulo ko,” sagot ko habang hindi nakurap na tinatanaw si Krugen at nagpapalutang-lutang s’ya sa tubig. “Mabuti naman, Madame... Ihahatid ko muna ‘tong inumin ni Boss.” Kaagad akong napa-tayo. “Ako na.” Bago pa s’ya maka-lapit sa ‘kin, sinalubong ko na agad s’ya at kinuha sa mga kamay n’ya ang golden tray. Hindi na naka-angal pa si Nadina. Lumabas ako sa living area pero tinanggal ko muna ang heels ko bago umapak sa rough tiles ng pool at nilapag sa ibabaw ng circular table ang tray. Sinulyupan ko s’ya sa tubig at sakto, paahon na yata s’ya. “I am feeling better now, Sir!” masiglang usal ko. Lumapit ako sa stainless steel handrail sabay yumuko at nilahad ko ang aking kaliwang kamay. “Take my hand...” kaswal kong sambit. Binalingan n’ya ako ng normal na tingin. Lakas loob akong nakipag eye to eye sa kan’ya kahit nakakapanginig ng tuhod. Nagmumukha akong tanga dahil nga, may hand rail naman na kakapitan n'ya para maka-ahon pero dahil pabida-bida ako, itodo ko na ‘to. Inakala kong hindi n’ya tatanggapin ang aking kamay at kakapit na lang s’ya sa handrail, nanlaki ang mga mata ko dahil kinapitan n’ya ang aking palad! Omg! “G-Grab on, Sir—“ Imbes na ako ang hihila sa kan’ya para maka-akyat na s’ya, tila lumuwa ang eye balls ko nang marahas n’ya akong hinila at ako ang tumilapon sa tubig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD