LETICIA VIDA
I can feel his icy glare which terrifies me. He has this intimidating aura that makes him so high and mighty.
Those traits and his face...
Kahawig s’ya ng lalakeng bumigo sa ‘kin.
I never thought that I would meet him this way!
Parang ang wrong timing naman yata na sa ganito pa kaming sitwasyon na magkikita! Nahuli n’ya akong sinisira ko ang mga halaman sa garden! Sa pagkakatitig n’ya pa lang, parang gusto n’ya akong apakan!
“Omg... How so rude of me! I am so sorry, Sir! I-I will replace those plants right away!”
“I think I should ban outsiders from this area starting tomorrow.” Nanlaki ang mga mata ko.
“’W-Wag naman po sana!”
Kumunot ang kan’yang noo at tinitigan n’ya ako pababa-pataas. “You are a Filipina?”
“Y-Yes, Sir... Hindi po ba halata?”
“Do you live in this neighborhood?”
“A-Ay hindi po, may kakilala lang ako rito tapos nakikitira lang at... ilang araw na akong tumatambay sa garden na ‘to... Ang ganda kasi... I love this place for that reason...” I let out a nervous laugh.
Kahit ang lamig ng paligid, ramdam kong may namumuong pawis sa noo ko. Hindi ako naging mapagmatyag sa paligid ko! Palpak tuloy ako! Paano na ‘to?! Ginalit ko si Krugen!
“I will come back here tomorrow and make sure you have brought brand new plants.”
“T-Teka sandali, Sir!” Tinalikuran n’ya kasi ako at nag-lakad palayo. Gusto ko sana s’yang habulin pero natatakot naman ako sa banta n’ya. Imbes na kumilos na ako para ayusin ang mga nasira ko, inuna ko munang pag-masdan si Krugen habang palayo s’ya ng palayo sa paningin ko.
“They are very good looking... but too scary though...” mahinang saad ko habang napapatulala. “Sandali, mamaya na ‘to! Hindi ito ang oras para tumunganga!”
Hinarap ko kung saan ang mga nasirang halaman. Gamit ang cellphone ko, kinuhanan ko ng litrato para ma-search ko ang picture na ‘yon. “I got it... Pero ang layo naman ng garden shop...”
Naka-hinga ako ng maluwag dahil naka-hanap kaagad ako ng pamalit. Bago umalis sa garden, nilinisan ko muna ang mga kalat at sinigurado kong walang makitang ni isang petal sa maberdeng damuhan.
Nakakabigla ang pagkikita namin at wala ‘yon sa plano ko pero ‘di na bale dahil magkikita pa naman kami bukas. Dapat mas mauna ako sa garden. Hihintayin ko s’ya roon.
“Where have you been, babe?” Habang nilalakad ang kalawakan ng ground floor, pababa naman sa hagdan si Willow.
“I went outside for a walk... Ikaw, ‘san ka pupunta?”
“I will visit my relative from mother’s side. Do you want to go with me?” Nginitian ko na ang s’ya.
“Napapagod na ako... Ikaw na lang muna.”
“Three days ako roon, ayos lang ba sa ‘yo? You will be alone here.”
“’Wag mo na ako intindihin...”
Hindi ako sasama sa kan’ya dahil may importante akong lakad bukas at pag-sapit ng maaliwalas na umaga, ala sais pa lang, bumiyahe na ako papuntang garden shop.
Limang halaman ang sinira ko kaya lima rin na malalaking naka-paso ang aking binili. Hindi ko alam kung tatanggapin n’ya ‘to dahil hindi pa kasi namumukadkad ‘tong mga bulaklak. Makikikusap na lang ako mamaya.
“Sakto, seven am na...” Sinulyapan ko ang aking kaliwang pulsuhan. Naka-suot doon ang wrist watch na hiniram ko kay Willow. Naka-sakay ako rito sa front seat ng delivery truck. Free delivery naman na kaya didiretso na ako sa village ngayon.
Pag-dating ko roon, isa-isang binuhat ng driver ang mga paso sa gilid ng kalsada at umalis na. Ang bigat pero kaya ko naman buhatin.
Tinutunton ko ang halamanan kahapon pero nang matanaw ko na iyon, kaagad akong natigilan nang may masilayan ako na bahagyang ikinalaki ng mga mata ko ng dahan-dahan.
“Krugen...” mahinang usal ko.
What a gorgeous man.
I want to rest my head on that broad shoulder of him. I really see him as a piece of art that I want to keep only for myself. His presence overwhelms me but the show must go on anyway.
Bumuga ako ng malalim na hininga bago ko pinagpatuloy ang aking pag-hakbang. “Sir Krugen, good morning!” Malayo pa lang ako, masigla ko s’yang binati at patakbo akong lumapit sa kan’ya. Hindi n’ya pa ako nilingon pero nang tumigil ako sa kan’yang likuran, doon na ako unti-unting hinarap.
Sumalubong kaagad sa ‘kin ang malamig n’yang mga mata na ikinatindig ng mga balahibo ko sa aking batok. “S-Sorry, have you been waiting for me? Naku pasens’ya na kayo, Sir...”
“Hold your petty concerns. Where’s the rest of it? You only bought one flower pot?”
He doesn’t appear to be pleased with my efforts.
Malamang, sinusupladuhan ako ‘e. Hindi ko pa s’ya makukuha sa malambing na boses at tingin. “Limang naka-paso po ang binili ko... pero nasa gilid pa ng kalsada ang apat...”
“I will take care of it. Be gone now.”
“Ha? Pinaapaalis n’yo na agad ako?” Hindi n’ya ako binigyan ng sagot at tinikom n’ya lang ang kan’yang mga labi. Sinubukan kong antayin ang magiging tugon n’ya pero nanlamig lang ako sa kakatitig sa kan’ya. “S-Sige po... pasens’yan na po ulit.”
Hindi ko s’ya puwedeng inisin. I will take this slow. Kung kukulitin ko pa s’ya ng kukulitin, baka hindi na s’ya magpapakita pa. “Aalis na po ako.”
Ang gusto ko sanang mangyari, makikipagkuwentuhan sana pero ayaw nga ako kausapin at tipid n’ya sumagot.
Matiwasay kong nilisan ang lugar na iyon pero bumalik pa rin ako kinabukasan.
I don’t have high expectations that I would see him again.
“Madame Leticia! Na sa akin na po ang invitation n’yo!”
Pero hindi naman nasayang ang araw ko dahil nakipagkita naman sa ‘kin ni Nadina. Natagpuan n’ya ako sa tagong sulok ng garden at binigay na sa ‘kin ang pinangako n’yang invitation card. Pinasok ko agad iyon sa loob ng aking hand bag.
“Nasa loob ba ng mans’yon si Boss Krugen?”
“Opo, Miss... Nag-r-relax s’ya sa swimming pool...” Huminga ako ng malalim. Ang ganda sana kung nandoon din ako. “Paki basa na lang po ang invitation kung anong oras ah? Papasok na po ulit ako, baka hanapin na ako ng butler...” Um-oo ako kay Nadina at iniwan na n’ya ako.
Nilabas ko ulit ang invitation card at binasa. “10 pm...” mahinang usal ko.
Sa event na ‘yon ako naka-focus.
Sa pagdaan ng mga araw, pingahahandaan ko na ang party. Naka-pili na ako ng susuotin ko.
Revealing long crystal fire v-line dress ang napili kong suotin. May malaking hiwa sa dibdib na umabot hanggang sa ibabaw ng aking pusod at mayroon din sa gilid ng aking kaliwang hita.
Ganiyan kabulgar ang suot ko pero wala kong ibang choice dahil isa sa mga kahinaan ng mga lalake, ang katawan ng babae.
Dapat agaw atens’yon ang suot ko at sana, gagana.
Nang sumapit ang araw na iyon, halos alas onse na ng gabi ako natapos sa pagaayos ng sarili ko pero hindi pa rin ako na-late dahil pag-pasok ko sa malawak na ground floor ng mans’yon ni Krugen, nagkakasiyahan pa rin ang mga guests.
The servers are busy serving the finest alcohol while the guests are enjoying the relaxing slow music.
Wala akong nakikitang sumasayaw. Kalmado lang ang mga bisita. Mas’yadong pormal ang party dahil halos lahat sila, nakikipagkuwentuhan lang habang naka-tayo sa iba’t ibang sulok. Wala akong makitang ni isang upuan man lang. Mahahabang mesa lang na pinuno ng mga pagkain at ibang beverages.
Not too crowded but I can’t find him if I stay in one place.
Ang guguwapo at ang gaganda ng mga bisita. Umaalingasaw ang mamahalin nilang mga perfumes na nagkahalo-halo sa ilong ko.
Naka-formal attire sila. May nahahagip akong mga babaeng ganito rin ang style ang suot nila pero ang tindi pa rin talaga ng sa ‘kin.
Habang nagiikot, pasimple akong kumuha ng isang baso ng champagne sa nakasalubong kong server. “I wonder where I can find him...” mahinang bulong ko.
Sinusuri ko ang bawat bahagi habang inaaninagan ang mga mukha ng mga bisitang kalalakihan. Lahat yata sila, naka formal suit. Iba’t ibang lahi ang mga guests nila. Pare-pareho ang suot kaya med’yo nahirapan naman ako kilalanin si Boss Krugen.
“M-Miss Leticia, ikaw ba ‘yan?!” Napa-lingon ako nang marinig ko ang boses ni Nadina. Nang hinarap ko s’ya, nanlaki ang mga mata n’ya at bahagyang umawang ang kan’yang mga labi. “Wow... g-grabe... super sexy at ang ganda n’yo naman po!”
Natawa ako ng mahina. Isa s’ya sa mga babaeng servers base sa suot n’yang uniform. “Kanina pa po kita hinahanap!”
“Sakto rin dahil nakita kita. Itatanong ko sana kung...” Nilapitan ko pa s’ya. “Kung na saan si Krugen? I can't see him.”
“’Yan nga po rin ang dahilan kung bakit kita hinahanap! Ituturo ko s’ya sa inyo!”
Ngumiti ako ng malawak sa tugon sa ‘kin ni Nadina at sinundan ko na s’ya. “Hindi ko lang po ituturo dahil baka mahata...” Tumigil kami sa gitnang parte ng ground floor.
“S’ya po ‘yang naka-corset vest na kulay itim tapos long sleeved na polo na kulay puti...” Sinundan ko ng tingin kung saan naka-titig si Nadina at dumako ang mga mata ko sa kan’yang tinutukoy. “Nakita n’yo na?”
Hindi agad ako naka-sagot dahil napa-tulala na naman ako habang tinatanaw si Krugen na may kausap na tatlong lalake. May hawak-hawak s’yang wine glass. Lumunok ako ng mariin.
He’s standing full of vigor. I can feel his pride and ominous aura. He is like a villain in an action movie.
I take a deep breath as I walk to get closer to them.
Habang papalapit na ako sa kanilang kinaroronan, sinadya kong apakan ang sumasayad kong dress at umaktong nadapa sa kan’yang harapan lang.
Tagumpay kong nakuha ang kan’yang atens’yon maging ang mga lalakeng kausap n’ya. Binabaan nila ako ng tingin.
“O-Ouch...” Ngumiwi-ngiwi ako at hindi agad ako bumangon.
Nang sinulyapan ko s’ya, naka-titig lang s’ya sa ‘kin na walang kahit anong emosyon ang kan’yang mukha.
Akala ko tutulungan ako dahil sa harapan n’ya talaga ako natumba pero iniwasan n’ya ako ng tingin at pinagpatuloy ang pakikipagusap sa lalakeng guest.