LETICIA VIDA
Akala ko ubos na ang mga luha ko pero ang dami ko na namang nailabas. Mag-isa ako sa loob nitong garden at malaya akong pinapakawalan ang lahat ng sama ng loob ko na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito. Ang bigat sa pakiramdam. Halos isang buwan na rin akong umalis sa puder ni Willow dahil kusang nag-offer sa ‘kin si Krujer na roon ako nakatira. Sinagot n’ya rin lahat ng expenses ko pero sa una lang pala masaya.
18 years old lang ako, naghiwalay ang mga magulang ko.
Pinagpapasa-pasahan nga nila akong dalawa at nalilito ako kung kanino ako magiging komportable dahil pareho lang naman silang irresponsable.
I have never been loved by my own parents.
Parang ako ang bunga ng pagkakamali nila. Disgrasyada kasi ang mama ko. Hindi rin magkasundo ang both sides ng pamilya nila. Hanggang sa nagkaroon na sila ng sariling mga pamilya at halos kalimutan na nila ako. Ni hindi nga nila ako kinukumusta kung hindi ko sila kukumustahin.
Ang rason nila, nasa tamang edad naman ako para iwan at kaya ko na raw mag-isa.
Pero noong nakiusap ako na suportahan nila sana para makapagaral ng college, walang kumusa sa kanila at may sarili rin daw silang pinaggagastuhan. Ang mga anak nila. Nanlumo ako no’n at nawalan na ako ng gana para mag-aral.
Sinalo ako ni Willow. Sa kanila ako nakikitira. Mayaman naman kasi kaya isa pa ‘yan sa dahilan kung bakit kampante ang mga magulang ko na hindi ako magugutom.
Ang goal ko na lang sa buhay, makapagasawa ng mayaman kagaya ng mama ni Willow.
Milyonaryo ang nabingwit kaya ang ganda-ganda tuloy ang buhay nila ngayon.
Sobrang saya ko dahil nakilala ko si Krujer. Napakaperpekto n’yang lalake sa mga mata ko pero ang itim din pala ng budhi.
“M-Magbabayad ka... hayup ka...” Iyan ang binubulong ko habang marahas na pinupunasan ang mga luha ko.
Nahihingal akong sumandal sa bench at tumingala. Pinikit ko ang namamaga kong mga mata. Wala na akong lakas para tumayo. Nanghihina ang katawan ko. Ilang oras akong natengga sa garden.
Nagpapahinga sa lilim ng mga puno. Inabot na yata ako ng tanghali, wala akong gana para lisanin ang lugar na ‘to. “Miss Leticia?” Naka-pikit ang mga mata ko pero napukaw ang atens’yon ko sa boses ni Nadina, ang nagiisang maid na naging kakilala ko rito sa mans’yon ni Krujer.
Tinabihan n’ya ako sa bench at pumakawala s’ya ng malalim na hininga. “Miss Leticia... pasens’ya na kayo kung hindi ko pinagtapat sa inyo ang... mga gawain ni Boss... A-Alam n’yo naman na ‘di hamak lang ako na katulong... B-Baka mapatay n’ya ako kung mag-sumbong ako sa inyo...”
“Ilang babae ang pumupunta sa bahay n’ya?” mariing usal ko.
“Hindi ko po mabilang...” Umupo ako ng tuwid at hinarap s’ya rito sa tabi ko. “Sorry po talaga, Madame... Binalitaan ako ni Sir Henri ngayon lang na... alam mo na po pala...”
“’Wag ka na mag sorry, wala ka namang kasalanan dito.”
“Hinanap din po kita rito dahil magpapaalam po ako sa inyo...”
“Saan ka pupunta?” tanong ko.
“Sa Greece po, Madame... Isa ako sa mga servant na dadalhin doon dahil nangangailangan si Boss Krugen ng maid sa mans’yon n’ya... Hindi kasi kumukuha si Boss na mga banyaga o bagong salta lang—“
“Krugen? Who is he?” Natigilan si Nadina.
“H-Hindi po sinabi ni Boss Krujer na may... mga kapatid s’ya?”
“Hindi pa ako naghahalungkat ng personal n’yang buhay,” matigas kong tugon.
“Naku, apat po sila na magkakapatid... quadruplets... Tatlo silang magkapatid na lalake tapos isang babae... May asawa na si Boss Darion pero single pa silang tatlo...” Unti-unting umangat ang mga kilay ko.
“Krugen, you say?” tumango s’ya. “So, that man... Kambal n'ya?”
“Opo. Halos magkakamukha nga silang tatlo pero may mga palatandaan naman na makikilala mo agad sila—“
“Tell me about Krugen. May fiance ba s’ya? girlfriend?”
Nang umiling si Nadina, bahagyang naningkit ang mga mata ko at palihim na ngumisi. “Sa pagkakaalam ko po... Walang gf si Boss... tahimik nga lang ‘yon lagi... Magkaiba sila ni Boss Krujer. Pero kung papapapiliin ang nakasama na silang magkapatid, mas okay pa raw si Boss Krugen kaysa sa kapatid n’ya... Pero hindi ko lang alam at hindi ko pa kasi naranasan na mag duty kay Boss...”
Natahimik ako. Ang daming pumasok na scenario sa utak ko. “Miss Leticia, ayos ka lang po ba?” Napa-kurap ako. Ang tagal ko kasing naka-tulala lang. Binalingan ko ng tingin si Nadina.
“Can I have a favor?”
“Aba’y syempre naman po... Ano po ‘yan?”
“Can you tell me the complete address where Krugen is staying?”
“Sa... Greece po ba?”
I nodded.
“You can type the details here.” Kinuha ko sa aking hand bag ang cellphone at pinasa ko kay Nadina. Tinipa n’ya sa notes ko ang full address. Nang binalik sa ‘kin ang phone, ngumisi ulit ako. “Nadina...” Tinitigan ko s’ya.
“Po?”
“This is between the two of us. ‘Wag mong ipagsasabi kahit kanino ang tungkol dito.” Sunod-sunod n’ya akong tinanguan.
“Makakaasa po kayo, Miss!”
“Kailan nga uli kayo aalis?”
“Monday, sa susunod po na linggo.”
I smiled. “Noted,” mahinahong usal ko.
Hindi nag-tagal, umalis na si Nadina.
Hindi ako makakapayag na wala akong gagawin. Ipapamukha ko kay Krujer na kaya kong tuparin ang lahat ng mga gusto kong mangyari at hindi ko hahayaan na hanggang dito na lang ako na iiyak sa ginawa n’ya sa ‘kin, habang sila, masaya ng mga babae n’ya.
“Krugen huh?” mahinang sambit ko. “I will make him mine...”
Tumayo na ako sa pagkakaupo sa bench at nilisan na ang mans’yon. Naghihintay pa rin sa ‘kin ang driver ni Willow. Bumiyahe na kami pauwi. “Leticia... you cried again? Could you tell me what happened?” Pag-pasok ko sa kuwarto, naabutan ko s’yang naka-upo sa sofa ng living area habang nagkakape.
Umupo ako sa kan’yang harapan. “Can we take a vacation? Gusto kong libangin ang sarili ko para makalimot ako,” seryosong usal ko.
“Where do you want, babe?”
“Greece.”
Kumunot ang noo n’ya. “Ang layo naman... Wala pa ako sa mood magbiyahe ng malayo ngayon... I thought dito lang sa Pilipinas...”
“Pagbigyan mo na ako, Willow... I can’t stay here for now... I feel so suffocated...”
Huminga s’ya ng malalim. “Fine but ikuwento mo na sa ‘kin ang nangyari sa lakad mo. I hope he didn’t hurt you.”
“He already did. All this time, he’s just toying with my feelings.”
And I want to get revenge. I will show him that if I can’t have him, his twin brother will do.
Ang sakit ng ginawa n’yang panloloko sa ‘kin tapos pagbabayarin n’ya na ako ng rent sa bahay na tinutuluyan ko? Hell no. Lilipat ulit ako kay Willow. Gagantihan ko si Krujer. Tangina, ngayon lang ako nag mahal ng lalake at ngayon lang ako nakaramdam na ganito pala masaktan. Sa kan’ya lang ako nabigo ng ganito.
Nakumbinsi ko na si Willow na aalis kami sa susunod na linggo.
Our trip went well. Habang nasa biyahe, pinagpaplanuhan ko na ang mga dapat kong gawin. Determinado ako sa mga pinaplano ko. Pagdating namin sa major city, namalagi na kami sa mansion nina Willow dahil may property din sila rito kaya wala nang hassle pa.
“Hindi mo ba ako isasama sa lakad mo tomorrow?” tanong ni Willow.
“I rather be alone... just you know, it makes me more feel comfortable but don’t worry, kung okay na ako, sabay na tayong gagala...”
“Okay, babe... if you say so,” pagsangayon n’ya.
It’s been two days since we arrived here. Bukas na magsisimula ang aking lakad sa address na binigay sa ‘kin ni Nadina. To look presentable, I secretly borrowed Willow’s jewelry and fancy outfits. Sa public restroom lang ako nagpapalit para hindi n’ya malaman since secret ‘tong plano ko at alam kong haharangan n’ya kasi ako sa gagawin ko. It’s better to keep it this way, no one can stop me now.
Nahanap at napuntahan ko agad ang lugar ni Krugen pero nalaman kong wala s’ya roon. Hindi rin ako maka-pasok sa loob ng mans’yon mismo dahil s’yempre, may mga bantay.
Ayaw kong maging kahina-hinala kaya para hindi halata, kapag sa tuwing pumupunta ako roon, pumupuwesto ako sa park na nasa harapan lang ng gate ng mans’yon. Kalsada lang ang pagitan.
Nagbabasa ako kunwari ng libro habang naka-upo sa bench. Sumusulyap lang ako sa gate bars.
5 days na yata akong pabalik-balik doon pero wala pang balita kay Krugen.
“Hala Miss Leticia! Ikaw ba ‘yan?!”
Binaba ko muna ang libro sa lap ko at nanlaki ang mga mata ko nang matanaw si Nadina na tumatakbo palapit sa aking kinarooroonan.
Nahagip ko ng tingin na may papasok na kotche sa gate. “Ikaw nga!” Tumayo tuloy ako.
“Shh... ‘wag kang maingay... baka may makakilala sa ‘kin dito...” mahinang saway ko nang tumigil s’ya sa harap ko.
“’Wag ka po mag-alala, ako lang po ang sumamang maid na hawak ni Boss Krujer...” Huminga ako ng malalim.
“So, how is he?”
“Sino po? Si Boss Krujer?”
Bahagya akong tumango at napa-iwas ng tingin.
“Naku, ‘wag n’yo na pong alamin... Alam n’yo na po ang sagot ko riyan...”
“Hindi n’ya ba ako hinanap o kahit nag tanong lang s’ya sa ‘yo about sa ‘kin?” Kinagat ko ang labi ko dahil marahan n’ya akong inilingan. Kinuyom ko ang mga kamao ko.
“P-Pero ‘wag na po kayo malungkot! May gaganaping birthday party! Kaibigan ni sir Krugen at... dito ang venue!” Kaagad ko s’yang tinitigan.
“Really? But how can I blend in?”
“Ako na po ang bahala riyan dahil hihingi na lang ako ng invitation para makapunta kayo! Sa 26 pa naman!”
“Matanong ko muna, lumalabas ba si Boss Krugen sa mans’yon? Ilang araw na ako rito pero ni isang beses, hindi ko man lang s’ya nahagilap...”
“Minsan lang po, patyambahan lang!”
Almost 3 weeks pero pwede na. Pinasalamatan ko ng todo si Nadina. Ang tagal pa pero babalik pa rin ako rito kapag may oras ako at may mga araw na nasa galaan kami ni Willow.
Sa ika day 8 ko na pagging stalker, I haven’t caught a glimpse of him yet.
“Sasayangin ko na naman ba ang oras ko rito?! Nakakainis!” Sinipa ko ang namumulaklak na halaman at nagsilaglagan ang mga petals sa damuhan.
Ilang beses ko pang sinipa ang iba pang mga halaman para mahimasmasan ang inis ko. Nang matanggal na lahat ng mga bulaklak, tumalikod na ako at humakbang. “Aray ko naman!” Tumalbog paatras ang katawan ko. Napa-hawak tuloy ako sa mukha ko at sumapol ‘yon sa binangga ko.
Pero paano ako babangga kung wala namang puno sa likuran ko kanina?
Doon ko dahan-dahang inangat ang ulo ko at lumaki ang mga mata ko nang masilayang tao pala itong nasa harapan ko.
Hindi lang basta tao, lalake pa!
And wait a minute...
Hindi ako naka-kurap at naka-usal nang lumanding ang pagkakatitig ko diretso sa mukha n’ya.
His dark pupils are glaring at me with burning rage. He casts his dark big shadow over me is kind of revolting.
He has familiar features...
‘Wag mong sabihin...
Oh my goodness.
Hindi ko maigalaw kahit isang daliri ko.
“I could have sworn that I instructed them to put a sign not to ruin any plants from the garden.”
Nakuryente ang mga tainga ko sa malalim at matigas n’yang boses. Sinalpukan pa ako ng mga kilay at sa puntong ‘yon, gusto ko nang tumakbo.
“I was talking to you, little brat. Clean the mess or else I will lock you up in the dungeon.”