LETICIA VIDA
BUMUBUGA ako ng mabagal na pag-hinga habang naka-titig sa tapat ng gusali ng night club. Hindi ako nahihingal dahil sa tumakbo ako o ano. Naghahabol ako ng himinga, iyon dahil nakatanggap ako ng message na nandito raw sa lugar na ‘to si Krujer. Nu’ng makita ko ang pinadalang litrato ng kakilala ko kanina nandoon din sa loob ng club, wala na akong panahon para mag-bihis. Umalis ako sa bahay na naka-pantulog lang. Isang minuto na siguro akong naka-tayo rito sa labas.
Pinagmamasdan ko ang kumikislap na neon lights sa sign board sa ibabaw ng entrance at exit.
Nagdadalawang isip ako kung papasok ako o hindi. Naninigas ang katawan ko sa kaba habang nanginginig ang mga kamay ko na kapit ko pa ang cellphone ko.
What if it was really him?
What should I do? We have been dating for almost a month now. I tried to review the photo of him with another girl.
Kung tititigan ng maigi, kahit naka-talikod at ulo lang ang kita habang naka-upo s’ya sa couch, makikilala kong si Krujer talaga. Kaharap n’ya ang babae.
I can tell in the woman’s eyes the flirty gaze while staring at him. Their faces are just a few inches away. The room was a bit dim. Ilaw ng red LED and dancing lights ang nagsisilbing ilaw.
He told me this morning that he would be late because of his business transition. Pero tang ina, iba pala ang tinatrabaho n’ya?
I was praying that he was not the man in the picture but when I barged inside the VIP room, the horrendous sight flashed right in front of my eyes.
Bawat dagungdong ng disco music, ganoon din kalakas ang t***k ng puso ko. Lalo pang bumagal ang pag hinga ko habang naka-tayo sa bungad ng pintuan.
Gumapang ang lamig sa buo kong katawan.
Naka-sentro ang mga mata ko sa isang sulok kung saan naglalaplapan si Krujer at ang babae. Nagulat pa nga ang ibang servers at kasama n'yang mga kalalakihan dito sa loob ng kuwarto dahil biglaan akong pumasok.
“You fuckìng cheater!” Iyan ang malakas kong sinigaw na hinigitan ko pa ang umuugong na musika.
Umapoy pa ako lalo sa galit dahil hindi ako narinig ng dalawa at tuloy-tuloy lang ang kanilang kainan.
Doon ako humugot ng maraming hangin.
Nilakihan ko ang aking mga hakbang at patakbong lumakad palapit sa kanilang kinaroroonan. Kumuha pa ako ng isang bote ng alak at nang tumigil ako sa likuran ni Krujer, hindi na ako nag-dalawang isip pa.
Inangat ko ang hawak kong bote at malakas na hinambalos sa ulo n’ya na agad na ikinabasag. Napa-tili ang babaeng kahalikan n’ya.
Akala ko mahihimatay na si Krujer pero dahan-dahan n’ya akong nilingon habang naliligo na s’ya ng alak. Nang mamukhaan n’ya ang galit na galit kong mukha, bahagyang nanlaki ang mga mata n’ya at napa-tayo s’ya ng tuwid.
“Leticia—“ Hindi ko na hinayaang mapa-tapos ang sasabihin n’ya at binigyan ko ng malakas na suntok ang kaliwa n’yang pisngi.
Napa-tagilid ang kan’yang ulo at nang hinarap n’ya ulit ako, nasilayan ko na lang na tumulo sa dalawang butas ng kan’yang ilong ang sarili n'yang dugo.
Nang mapagtantong may likidong tumutulo hanggang sa kan’yang mga labi, marahas s’yang dumura sa isang tabi at tinapunan ako ng masamang tingin.
“Ito ba ang sinasabi mo lagi na may transaks’yon ka?! Nambababae ka pala?!” nanggagalaiti kong sigaw.
Akma ko s’yang sasampalin pero mabilis n’yang dinakip ang kaliwa kong pulsuhan. “’Yang babaeng ‘yan ang side chick mo?!” Sabay sinulyapan ang tinutukoy kong babae na umatras palayo sa ‘min.
“A few of them.” Natigilan ako sa kalmadong sagot n’ya. Binalik ko sa kan’ya ang buo kong atens’yon at nasilayan kong humupa na ang naargrabyadong expres’yon sa kan’yang mukha. Pasimple n’yang dinukot ang itim na panyo sa bulsa ng kan'yang long pants at marahang pinahid ang dugong naka-kalat sa kan’yang ilong.
When his cold yet calm gaze landed on me, I could feel the chills running down my spine.
Saglit kong tinikom ang nangangatog kong mga labi.
“E-Explain everything to me, Krujer...” Halos wala na akong maibugang hangin at hindi na ako maka-hinga. Naninikip ang dibdib ko.
“Do I owe an explanation? I have been exposed, do I have to explain?” Pumakawala s’ya ng hilaw na tawa. Uminit ang bawat sulok ng mga mata ko habang pinagmamasdan s’ya. “And who are you to demand for it?”
“B-Bakit ganiyan ka makipagusap sa ‘kin?! Hindi ka ba dapat magpaliwanag?! We are dating for pete’s sake and we...” Napakiskis ako ng bagang at mariing nilunok ang sarili kong laway. “We... are in love, aren’t we?!” A thin smile formed on his lips.
“How can such hideous selfishness possibly love?” Tinitigan n’ya ako pababa-pataas. “I don’t love you, Leticia. I was just after your body... because aside from... you are the only woman who is still a virgin, I was interested to bed you but you are playing hard to get... and it bores me. And another thing, stop acting like you are my girlfriend. Hindi kita niligawan.”
I can feel his persistent gaze. I can’t feel my both legs anymore. Nangmamanhid ako. Hindi ako makapaniwala na naririnig ko ang mga bagay na ‘to mula kay Krujer. I feel so betrayed.
Sinunod ko naman ang mga tips ni Willow. Pinayuhan n’ya akong ‘wag maging easy to get kagaya sa past relationship ko na mga matatandang mayaman. Wala akong ni isang pinatulan talaga sa kanila dahil naninigurado rin ako. Ayaw kong gawin nila akong kabit o kalandian lang. Pangarap kong makapangasawa ng mayaman pero sa legal na paraan. Ang mga naging ex at manliligaw ko noon, puro s*x lang ang habol sa ‘kin kaya hindi talaga ako tumatagal sa mga ganoong klaseng lalake.
Hanggang sa nakilala ko si Krujer.
Inakala kong matino s’ya dahil mahahalata ko naman iyon sa kilos at tindig n’ya, base sa pagkakakilala ko sa kan’ya. Hindi ko ipagkakaila na hindi nga n’ya ako niligawan. Hindi nga nangyari ‘yon pero simula noong nakita ko s’ya, madalas na kaming nag-m-meet at nakuwento ko na nga sa kan’ya ang talambuhay ko.
Nahulog pa ako lalo maikling panahon dahil pinatira n’ya ako sa isang village na pagmamayari n’ya.
Naghihintay na rin akong ligawan n’ya ako at umaasa talaga ako dahil nagkikiss na nga kami tapos nagtatabi sa iisang higaan.
At dahil para makasiguro, hindi ko talaga binigay ang katawan ko sa kan’ya at baka iiwan n’ya lang ako. Sumagi rin sa isip ko na baka ‘yon ang habol n’ya pero sinawalang bahala ko lang dahil hindi naman s’ya namimilit.
He treated me like a princess. I have known him for being thoughtful and gentle. Ang bait-bait n’ya sa ‘kin pero parang ibang tao na s’ya sa paningin ko ngayon. All this time, he’s been wearing a mask hiding this creepy smirk and smug-looking face. I never thought that the man who cared about me was now mocking me in front of everyone.
Kahit hindi kami ganoon katagal nagkakilala, sapat na sapat na ‘yon para ma-fall ako sa kan’ya. Maliban sa kan’yang taglay na kaguwapuhan, pinaniwala n’ya ako sa mabulaklakin n’yang mga salita. Hindi talaga ako makapaniwala. Akala ko, s’ya na ang taong magmamahal sa ‘kin pero masahol pa s’ya sa mga nakilala ko noon.
“Leave and stop hovering around me... or else, I will kick you out of my territory. Are we clear, Leticia?” Habang naka-tulala ako sa kan’ya, narinig ko ang mga hagikhikan ng mga babaeng nandito sa loob ng vip room.
“Guards, send her away.” May kumapit na mga kamay sa magkabilang braso ko. Nang bahagya akong hinila ng dalawang lalake, muntik na akong mawalan ng balanse at nanlalambot talaga ang nanlalamig kong mga binti.
Hindi pa na-proseso ng utak ko ang pangyayari. Napansin ko na lang na pinalabas ako sa club. Ilang minuto ulit akong naka-tayo na tulala sa kawalan.
Ramdam na ramdam ko ang lamig ng hangin na dumadampi sa balat ko. Kinapa-kapa ko ang cellphone ko sa bulsa. Nang mahawakan ko na, mahigpit ko iyon na kinapitan para mabawasan ang panginginig ng kamay ko. Habang naka-titig ako sa screen, hindi ko talaga mapigilan ang pangangatog at kinokontak ko si Willow para sunduin ako.
Lumipas ang ilang mga minuto, dumating na ang kotche at sa loob ko na binuhos ang lahat ng mga luha ko. “Go ahead, cry it out loud, babe...” Nasa back seat kami ni Willow na walang humpay ang hagulgol ko at kahit anong kontrol ko, hindi ko kaya. “That insolent jerk... How dare he do this to you?” pagigil n’yang tugon habang hinihimas ang likod ko.
Hinayaan lang ako ni Willow na umiyak ng umiyak. Kahit nakarating na kami sa mans’yon nila, tulo pa rin ng tulo ang luha ko. Siguro halos dalawang oras bago ako nahimasmasan. “Drink this cold refreshing juice, babe...” Naka-higa ako sa kama n’ya at saka ako bumangon habang papalapit na s’ya sa ‘kin. Sumandal ako sa head board. “Ako na, just take a sip...” Umupo s’ya sa gilid ng kama at tinapat n’ya sa ‘kin ang straw habang hawak-hawak n’ya ang baso na naglalaman ng pineapple juice.
Sumipsip kaagad ako. Kanina pa ako umiinom ng tubig dahil tila naubos na ang luha ko. Ang sakit at ang bigat ng mga mata ko. Nasimot ko rin ang juice sa baso. Nilapag n’ya iyon sa side table at bumuntong hininga. “What is your plan now, babe?” malambing n’yang sambit.
Tulala ulit ako. “I- will try to... talk to him tomorrow...” namamaos kong sambit.
“Babe, are you serious?” seryosong sambit ni Willow. “He dumped you like a piece of garbage but you still want to see him?” Hindi ko matingnan ng diretso si Willow.
“S-Susubukan ko lang na kausapin s’ya... B-Baka lasing lang s’ya kanina...”
“Babe...” daing ni Willow habang napapailing. “Alam kong nabigla ka ngayon... Pareho tayong nagulat... but please, you already saw them... You caught him cheating... He was making out with a random bítch... and look, nasa night club pa s’ya? Kahit lasing pa si Krujer, mababago ba ang katotohanan na niloko ka n’ya? At may kutob akong sa simula pa lang, hindi lang ikaw ang babae n’ya... so please think about that. Isipin mo ang gagawin mo... magmumukha kang kahiya-hiya. Don’t humiliate yourself.”
Hindi ko na inisip pa ang mga payo sa ‘kin ni Willow.
I am twenty two years old. Si Krujer lang ang sineryoso ko dahil s’ya ang kauna-unahang lalakeng pinakitaan ako ng magandang asal na hindi ko pa nakita sa mga naging karelasyon ko.
Wala rin nagawa si Willow sa gusto kong mangyari dahil bukas na bukas, makikipagkita ako kay Krujer.
The next sunny morning, I woke up with puffy and swollen eyes. I cried a lot last night. I have been sending voice messages to him but he’s ignoring me. Hindi ko rin matawagan maging ang number n’ya. Manghuhula pa ako kung saan ko s’ya makikita pero malakas ang pakiramdam ko na nasa mans’yon s’ya ngayon. He reeked of alcohol, malamang hangover s'ya ngayon.
Natutulog pa si Willow sa tabi ko. Bumangon na ako sa kama. I took a quick shower and I dressed myself. Nag-suot na rin ako ng sunglasses para matago ang eye bags ko. Nagpahatid ako sa driver ni Willow sa private village kung saan naka-tira si Krujer.
Pagdating ko roon, tinanong ko agad ang butler kung naka-uwi s’ya kagabi. And I was right, he’s here. Natutulog pa raw sa kuwarto n’ya. But I noticed something was off about the butler. The way he answered my questions, he was a bit anxious. He was not welcoming like before. I wonder what troubles him. Parang hindi n’ya alam ang sasabihin. “Krujer?” Nasa tapat na ako ng pintuan ng kuwarto n’ya. Kumatok pa ako ng dalawang beses. “Krujer, wake up. We need to talk...” Walang senyales na nagising s’ya sa pag-tawag ko sa kan’ya. “Please... wake up and let’s talk—“
“Talk about what?”
Tumigas ang mga tainga ko nang umugong ang hindi pamilyar na tinig ng isang babae. Hinarap ko agad ‘yon at kinuyom ko ang aking mga kamao nang bumulaga sa harapan ko ang babaeng naka-suot ng red laced lingerie dress.
Naningkit pa ang mga mata ko dahil parang hindi naman ‘to ang babaeng nakita ko sa club na kahalikan n’ya. Tinanggal ko muna ang sunglasses at sinilid sa hand bag ko. “W-Who are you?” mahinang sambit ko sa malalim na boses.
“Instead of asking who I am... would you mind if you introduce yourself first and what are you doing here?”
Mariin akong napa-kiskis ng bagang. “I am... Krujer’s girlfriend...” Tinaasan n’ya ako ng kilay.
“Oh, I thought he never have one... but I think you are just one of us.”
One of us...
Ume-echo sa mga tainga ko ang mga salitang ‘yan. “He’s still asleep. Do you want me to wake him up for you?” Kumpara sa babaeng nakita ko kagabi, parang normal na lang sa kan’ya na harapin ang katulad ko.
“There’s no need, baby.”
Lumamig ang mukha ko nang marinig ko ang boses ni Krujer na nagmumula sa loob ng kuwarto. Kasunod ang pag-bukas ng pintuan at naramdaman ko ang malakas n’yang presens’ya sa aking likuran.
“Leticia, I didn’t ask you to come over here. I warned you last night, it wasn’t enough?”
Pinapaniwala ko ang sarili ko na baka nasa ilalim lang s’ya ng impluwensya sa alak kaya n’ya ako pinagtatabuyan.
Nakakatawa isipin na naiisip ko pa na handa ko s’yang tanggapin kahit niloko n’ya ako.
“K-Krujer...” Hinarap ko s’ya at tiniis kong pigilan ang mga luha ko. Seryoso kon tinititigan ang malamig n’yang mga mata. “Bakit mo ginawa sa ‘kin ‘to?” namamaos kong tanong.
“Leticia, you are not the only woman who has a pretty face and a nice body.”
“Alam ko naman ‘yon pero bakit mo ako niloko na pinaniwala mo akong mahal mo rin ako?!”
Napa-kalikot s’ya ng kaliwang tainga nang tumaas ang boses ko. “I told you, I just want your body and I am not the husband material that you are looking for.” Humilab ang dibdib ko. “Do you understand now?” He gave me a bored look. “Umalis ka na para hindi kita ipapakaladkad sa mga tauhan ko.”
Tumagos ang pagkakatitig n’ya sa aking likod at kumurba ang matamis na ngiti sa kan’yang mga labi. “Come here, baby...” Humagikhik ang babeng nasa likuran ko at patakbo s’yang yumakap kay Krujer. Hindi na ako nakapagsalita pa at sinaraduhan na ako ng pintuan.
Dahan-dahan kong tinikom ang nanginginig kong mga labi. Tumalikod na ako at mabagal na lumakad patungong elevator. “Wait a second.” Biglang bumukas ulit ang pinto na ikinahinto ko sa pag-hakbang pero hindi ko na s’ya nilingon at ayaw kong makita n'yang lumuluha na naman ako.
“We are no longer together so you have to pay rent and I have no reason to support you financially.”