LETICIA VIDA HINDI ako naka-kurap habang tinititigan ang presens’ya ni Willow na hindi ko malaman kung nananaginip na naman ako o totoo na ba ‘to pero umuusbong ang nakakagutom ng niluluto n’ya sa kalan. Amoy na amoy ko. Naka-talikod s’ya sa ‘kin habang may hinahalo sa pan. Uminit ang magkabilang sulok ng mga mata ko at hindi ko na pinigilan na isa-isang dumaloy ang mga butil ng mga luha ko. Habang tinititigan ko lang si Willow, napa-harap s’ya sa ‘kin at doon n’ya ako nakita. Nagkasalubong ang mata mata namin habang kapit-kapit ang handle na pan. Umuusok doon ang fried rice na niluluto n’ya. “W-Willow...” Pumiyok ako habang pinipigilan ko ang pinapakawalan kong impit na mga hikbi. “Take your seat, I made some breakfast.” At maingat na binuhos ang laman ng pan sa plato at binalik iyo